ika-17

47 8 0
                                    


Nagising ako nang 6 am at pagkamulat na pagkamulat ko ay naalala ko ang ginawa ko kay MJ kagabi. Sinapo ko na naman ang aking ulo. Why did I do that?

Ni hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi eh. Mulat na mulat pa rin ang mga mata ko at ramdam ko'y kailangan ko pa ng kaunti pang tulog.

Nagdasal muna ako at nagpasalamat sa Panginoon bago kinuha ang cellphone ko at nagcheck kung may message ba doon.

Wala naman akong natatanggap na message ngayong umaga maliban na lamang sa text message ni MJ na nakauwi na siya kagabi.

Ako:
    Gising ka na?

MJ:
    Wala pa akong tulog

Wala pa siyang tulog? Ano namang pinaggagawa niya magdamag?

Ako:
    Ha? Anong ginawa mo buong magdamag?

MJ:
    Nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog eh. Bakit mo ba ako ginaganito?

My eyebrows furrowed while typing on the screen.

Ako:
    Did I do something wrong?

I decided to call him. Did I offended him last night? Was it about the kiss? What else could it be?

"Hello," bungad niya.

"I'm sorry," taos puso kong sinabi. "May nagawa ba akong mali? Pasensya na. Hindi ka ba sanay na may humahalik sa'yo?"

"Buti na lang paalis na 'ko non," sabi niya sa akin na hindi ko naman naintindihan at medyo mahina ang pagkakasabi niya noon.

"What was that again?" I said. He sighed.

"Wala," aniya. "Kelan tayo ulit magkikita?"

"H-Ha?" gulat ko namang tanong. Siya pa talaga nag-usisa sa bagay na iyon ha. I chuckled. "Miss mo na agad ako?"

"Na-miss ko 'yung halik mo," he said then laughed. My face heated up immediately. How annoying!

"Manyak!" sigaw ko sa telepono.

"Wow ha," halos natatawa niyang sabi. "Sino kayang humalik sa akin sa pisngi ko nang walang pahintulot?"

"Y-Y-Yung tungkol d-doon, p-pwede namang gawin 'yon sa mga k-kaibigan ah?" nauutal kong sinabi sa kabilang linya ng telepono. Grabe Kaylee Averine, talagang sa oras na ito ka pa nagkandautal-utal!

"B-Besides, masyado mo naman yatang iniisip," dagdag ko pa. "Sa p-pisngi lang naman..."

"Sus, hindi na ako magugulat kung sa labi ko na-"

"Tumigil ka nga!" naiirita kong sabi dahil lalo lamang nag-iinit ang aking pisngi sa pinag-uusapan. "That was just my form of saying goodbye to a friend. Nothing more than that! Stop assuming, for Pete's sake!"

"Gusto mo lang ako," tugon pa niya. I sighed deeply. Talagang nilakasan ko, para marinig niya sa telepono.

"Antok lang 'yan," sabi ko. "Matulog ka na. Sisimba pa kayo mamaya, diba?"

He sighed. "Yup. Pero hindi ako makatulog."

"So anong gusto mong gawin ko? Kantahan ka para makatulog?"

"Ang taray mo talaga. That seems a good idea, though. But it would be better if you come here and be with me, instead."

Nakainom ba 'to o ano? Hindi ko talaga alam kung saan siya kumukuha ng kalandian niya sa ganitong kaaga. Mabuti na lang talaga, hindi ako masyadong bumabanat.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon