ika-19

45 9 1
                                    

Ilang linggo ang lumipas at patuloy pa rin ang pagm-message sa isa't isa. Punong puno na convo namin ng mga banat niyang ang c-corny naman.

@mjramirez_:
May joke ako sayo. Hehe

Ako:
Joke naman ngayon. Oh sige ano joke mo

@mjramirez_:
Anong pinaka matandang isda sa buong mundo?

Ako:
Century tuna.

@mjramirez_:
Mali! 555 tuna!

Ako:
Luh nabago na?

@mjramirez_:
Oo, pati ikaw. Nabago mo na ang mundo ko.

Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya. Bakit ba sa lahat na lang ng sasabihin niya, may banat lagi sa huli? Pero sa totoo lang, sa oras na ito ay hindi ko alam kung kinikilig ako o ano. Basta masaya ako. Masaya ako kapag kausap siya.

@mjramirez_:
Amininn kinilig ka 'no, kaya hindi ka makapagreply agad.

Ako:
Ewan ko sa'yo. Sige na. May aasikasuhin pa ako.

Bigla namang may nag-doorbell sa baba. Ako na ang nagbukas noon dahil day off si Manang. Si Kuya naman ay nasa galaan kasama ang mga tropa at ganun din si Ate Kayla.

"We're back," masayang sabi ni Mama. Nagulat naman ako at bumeso sa kanilang dalawa.

"You should've told us that you'll come back today," nag-aalala kong sinabi. "Saan kayo sumakay?"

Mama wiped her sweat on her forehead. "No need. Sinundo kami ni Mang Berting sa airport. Besides, your Kuya and Ate are busy going out with their friends. We assumed that you were out too."

I rolled my eyes and sighed. Kinuha ko naman ang bagahe ni Mama at aakma sanang kuhanin na rin ang kay Papa pero sabi niya'y kaya na raw naman niya.

"Kamusta ka naman dito?" tanong ni Papa habang nakaupo sila ni Mama sa sofa at ako naman ay naghahanda ng ipapakain sa kanila.

"Okay naman po," sabi ko. "How's Ate Stella there?"

"She's doing good," ani Mama. "Next time, I believe makikita mo na siya madalas."

I sensed something different on what she said. Maybe she's just talking about us visiting her in the States while we're on vacation.

Nilapag ko naman na sa center table ang pagkaing inihanda sa dalawa. I turned the TV on and sit on the sofa as well.

Kaunting kuwentuhan pa ang naganap hanggang sa dumating na sina Kuya at Ate at nagulat din nang makita sina Mama at Papa.

Ang problema nga lang... mukhang lasing si Ate na dumating sa bahay. We're allowed to drink unless we're with my family. Hindi pwedeng mga kaibigan lamang ang kasama, at lalong hindi pwedeng umuwi at malasing.

"Kayla Haven!" Mama's voice thundered na ikinagulat ko na ikinataas ng aking mga balikat.

"Nawala lang kami nang saglit, ganito na ang pinaggagawa mo!" she added. Galit na galit si Mama at napatayo sa kinauupuan.

Si Kuya naman ay hawak-hawak si Ate Kayla na halos mawala na ang balanse dahil sa sobrang kalasingan. Halos gulantang na gulantang ang reaksiyon ni Ate dahil sa hindi inaasahang pagdating ng magulang namin.

"Ito ba ang itinuro namin sa'yo, Kayla?" at ngayon, pati si Papa ay galit na rin sa kaniya.

"I-I didn't know you're gonna come back already-"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon