ika-36

43 6 0
                                    

Hindi pala magtatagal ang aking pamilya rito. Naroroon pa rin ang kanilang trabaho at nagbakasyon lamang daw sila rito dahil gusto nila akong bisitahin.

I chuckled. "We should have just did a video call."

"Ayaw mo bang bisitahin ka namin at makausap nang personalan?" pagpapacute naman ni Kuya.

Tumawa naman ako. "Siyempre naman, gusto! Kamusta na nga pala si Ate Eli at si baby Russ?"

Kuya Kean married Ate Eli for almost two years now. Iisa pa rin naman ang kanilang anak na si Russ. I have a good feeling that he's going to grow up fast, and more handsome than his father.

Si Ate Stella naman, single pa rin. Dinaig pa ni Ate Kayla na ikakasal na kay Kuya Liam, ang long-time boyfriend niya. Magmula nung high school pa ako, sila na talaga.

Sana all, nagtatagal.

I sighed. Napabaling naman ako ngayon sa kanila. Bigla namang nagsalita si Ate Kayla.

"Don't worry, Kaylee," aniya. "Next year naman ay babalik kami rito para sa kasal namin ni Liam!"

I smiled at her and nodded. "Of course! I will really miss you all. Gusto ko sanang magsama-sama tayo kahit sa isang buong araw lamang pero kailangan ko pang magpaalam sa boss ko."

Tumatango-tango naman si Mama at Papa ngayon.

"Sa site na ako pagkatapos nito, eh," dagdag ko. Napangiti naman ako sa sinabing iyon. Matagal ko nang pangarap maging isang successful engineer na nagt-trabaho nang mabuti, 'yong tipong pumupunta na sa mga sites at field para tignan kung ano ang progress ng project.

Kuya smiled at me. "That's your dream, right? I'm happy for you, Kaylee."

I smiled and nodded. "Thank you, Kuya."

Niyakap naman ako ni Mama. "I guess I'm not wrong when I let you take engineering as your course. I'm very proud of what you've become now, anak."

I smiled and hugged her back.

"I can see that you're really happy with what you're doing right now," she added. Kumalas naman siya sa pagkayakap sa akin at hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

"From now on, I will not meddle with everything you do. I think I've already done enough to lead you to the right track, Kaylee. I'm really proud of you."

I smiled and nodded. It's a relief that she's supporting me now in everything that I do, and I will still do.

"Thank you, Mama."

We group hugged and tears started to form in my eyes. Kaagad ko namang pinalis iyon at tumawa.

"Tama na nga ang kadramahan ngayon!" Biro ko. "Ngayon na nga lang ulit tayo magkakasama, mag-iiyakan lang tayo."

Kuya chuckled. "Ikaw lang naman iyakin sa pamilya natin eh."

My eyes widened then glared at him. Tinuro ko naman si Ate Kayla. "Siya kaya pinakaiyakin sa pamilya natin, hindi ako!"

Nagtawanan naman kami. Ang sarap sa pakiramdam na wala nang magkokontrol sa buhay mo. Na masaya na sila at handa akong suportahan sa lahat ng bagay na gusto kong gawin.

Simula noon ay unti-unti na kaming nagkakaayos ni Mama at halos bumabalik na rin ang lahat sa dati. Alam kong masaya na siya para sa akin. Ngunit tulad ng isang malalim na sugat, kahit anong gawin mong paghihilom sa sugat na iyon ay kung talagang malaki at malalim ang tama, mag-iiwan pa rin ito ng bakas at permanente na iyong nakaukit sa iyong katawan.

And that's my situation. We can never go back and change the past, because it already happened. What we can still do today, is to think of how we are not going to repeat the same mistake that we've done in the past.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon