Marami ring tumatawag sa aking mga kompanya pagkatapos lumabas ng resulta ng mga pasadong engineers sa buong Pilipinas.
Napag-isip isip ko naman na mas maganda yata kung magt-trabaho ako sa isang malaki at kilalang kompaniya. Ang Chua Scapes Construction Company.
Laking gulat ko nga noong tinawagan nila ako at kinukuha nila akong engineer para sa gagawin nilang bagong low-cost housing. Dagdag pa nila'y sa Laguna raw iyon itatayo.
Who wouldn't want to work under their company, right? Kaagad ko namang tinanggap ang offer nila kaya naman ako'y pinapag start na nila simula Monday.
Hindi naman ako makatulog nang maayos bago mag lunes dahil sa sobrang excitement na nadarama. This will be my first ever job as an engineer. I can't wait to be called engineer by other employees there.
Nagdala naman na ako ng sasakyan dahil masyado pa akong matatagalan kung magb-byahe ako magmula Batangas hanggang Maynila. Kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na magdrive dahil uwian ako at wala naman na kaming condo roon na pwedeng tuluyan kapag ginabi.
8 o'clock naman ay dapat naroroon na pero nakarating ako ng 7:30 am.
"Ano po iyon, Ma'am?" tanong noong babae.
"May I speak to Mr. Ted Chua?" I said. "First day ko ngayon sa trabaho at sabi niya'y kitain ko raw siya sa kaniyang opisina."
"Y-You must be... Engineer Zaragosa," sabi nung babae. Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Kaagad naman niya akong inasikaso at sinamahan pa papunta sa opisina ni Mr. Chua.
"Samahan ko na po kayo," aniya. "By the way, I am his secretary, Reinalyn Bartolome. Pasensya na po at hindi ko kaagad namukhaan."
I just shook my head and smiled at her genuinely. "Wala 'yon."
Nang naka-akyat na kami sa 16th floor ay nakita ko namang ang laki nga pala talaga ng office ni Mr. Chua. Napamangaha na lamang ako sa nakita.
"This way, Engineer," sabi ni Reinalyn. Tumango naman ako at pumasok na sa loob ng office ni Mr. Chua.
Sinalubong naman ako at kinamayan ni Mr. Chua sabay ngiti. Ngumiti rin ako pabalik at kumamay sa kaniya.
"Finally, Engineer Zaragosa," sabi niya. "Thank you for choosing my company."
I chuckled. "It's an honor to be a part of this prestigious company, Sir."
"Have a seat," aniya. Umupo naman ako sa couch na naroroon habang may kunukuha naman si Mr. Chua sa kaniyang table na mga papeles.
Lumapit na siya sa akin at umupo na rin sa tapat ko. Inilapag naman niya ang contract at iniharap iyon sa akin.
"All the details that you need are already in there," aniya. "If you have further clarifications, you may just ask me right away."
Tumatango-tango naman ako sa sinabi habang binabasa ang kontrata. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa aking kontrata kaya sa huli ay pumirma na rin ako at ibinigay iyon kay Mr. Chua.
He smiled. "Thank you. Oh! And by the way, Reina will just lead you to your office. Bukas na lamang natin pag-usapan kung sino-sino ang makakasama mo all throughout the construction."
Tumango naman ako at tumayo na. Kinamayan kong muli si Mr. Chua at ngumiti.
"Thank you, Sir."
Nang makababa naman na'y sinamahan ako ni Reina sa aking opisina. I wasn't really expecting for my office to be this big, at kulang na lamang ay mapanganga na lamang ako sa laki ng opisina ko.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...