ika-37

39 7 0
                                    

Maayos naman ang mga nagdaang linggo magmula nung magsimula ang construction sa Laguna. Bumibisi-bisita rin si Mr. Chua at Trixie sa site. Hindi na rin masyadong nakakapunta si MJ doon. Busy siguro.

I was about to bring my car today but then nadiskarga yata ang baterya ng sasakyan. Marami pa ring kailangan daw ayusin kaya medyo matatagalan pa naman yata bago ko magamit muli ang aking sasakyan.

"You sure you don't want me to accompany you from going to work?" tanong ni Kuya. "I can call Mariott if you want--"

"Kuya, it's fine," sabi ko. "Besides, I'm kinda used to commute, you know. Hindi naman mahirap mag-commute. At saka isa pa, ayoko nang makaabala pa ng ibang tao kung kaya ko naman."

Pagod namang tumango si Kuya at niyakap ako. "Alright. Take care."

Tumango naman ako at hinalikan siya sa pisngi bago umalis. Maaga na rin akong luluwas sa Maynila dahil baka matraffic pa ako sa byahe.

Ako naman ngayon ay sa opisina muna magt-trabaho. Panibagong mga kailangang asikasuhin at alam naman na naming kaya na iyon ng mga trabahador. Besides, Des is there to manage and look after the construction.

5 minutes bago mag 8 am ay naroroon na kaagad ako. Muntikan na akong ma-late pero nakaabot naman ako kahit papaano.

Binati naman ako ng ibang mga employees doon at binati ko rin sila pabalik. Dumeretso naman na ako sa opisina at nagsimula nang magtrabaho.

Habang ako nama'y nagbabasa ng mga drawings ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si Mariott. Ilang araw rin 'tong hindi tumatawag sa akin eh.

"Hello?" bungad ko.

"It's nice to hear your voice again," aniya. "How are you? I was busy these past few days, ang dami kasing mga deals with other companies maging sa ibang bansa."

Napangiti naman ako at tumatango-tango sa sinabi. "That's good. You're finally a businessman now. Mukhang wala ka nang time mambabae."

Tumawa naman siya at napatawa na rin ako sa sinabi ko.

"Simula naman noong niligawan kita, hindi naman na ako talaga tumitingin sa iba."

Napataas naman ako ng kilay at bahagyang tumatango dahil nasatisfy naman ako sa kaniyang sinabi.

"Are you free tonight?" tanong niya. "Let's go out. Dinner?"

"Hmmm," napaisip naman ako roon. Binuklat ko naman ang iba ko pang mga gawain at marami-rami pa rin iyon. "I'm sorry to say but I don't think I can go out with you tonight. Mukhang mago-over time pa rin ako sa work ko."

I heard him sighing on the phone. "Is that so? How about next time, then?"

I chuckled. "Alright."

"Sige na, baka nakakaabala na ako sa trabaho mo, Engineer," sabi niya. Napangiti naman ako at napatawa sa kaniyang sinabi.

"Sira!" sabi ko. "Sige. Bye!"

I then hung up the phone. Hindi ko naman namalayang nasa loob na pala si MJ ng opisina ko. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang makita ko siyang nasa may pintuan ko.

"Oh my Gosh!" I exclaimed. "Don't you know how to knock first?!"

"I did," aniya. "But you were so busy talking to your boyfriend."

Inilapag ko naman ang aking cellphone sa lamesa at tinignan siya nang maigi.

"He's not my boyfriend."

"Manliligaw, kung ganoon?" usisa niya. I rolled my eyes and looked back on my papers.

"What does it has to do with you?" pagtataray ko. "Bakit ka nga pala naririto?"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon