"Finals n'yo na next week," sabi ni Mama habang nasa hapag kainan kami. "Sa La Salle ka pa ba, o gusto mo na lumipat ng school?"
Uminom naman muna ako ng tubig bago ako nagsalita. "Napag-isipan ko pong... itutuloy ko na po muna sa La Salle. Saka na lang po ako lilipat ng ibang university sa college."
Tumango naman si Mama. Si Papa naman ang sunod na nagsalita.
"Where do you plan to take engineering? BSU or Mapua?"
"Uhm... gusto ko po sana sa BSU. Mas malapit na rin po dito sa atin. Kung magm-Mapua po ako, mas lalayo pa po ako. Kailangan ko ring umuwi dito kada weekend."
"Whatever your decision is, I'll support you." Tumango naman ako at ngumiti. Nagpasalamat naman ako dahil napaka supportive nila sa aming magkakapatid.
"Mas gusto ko kung Mapua ka. Kasama mo ang mga kapatid mo roon," sabi ni Mama. "We can just go there every Weekend para hindi na kayo uuwi dito."
Ayan na naman siya. She wants things to go her way. Kung ano ang gusto niya, 'yon dapat ang masusunod. Bahagya ko na ngang mapilit na Engineering ang kukuhanin ko imbes na maging doktor.
Kinabukasan, hindi na kami masyadong nagkaklase dahil halos natapos na rin namin lahat ng dapat pag-aralan. This week will serve as a completion week for us. Pictorial na rin namin dahil may moving up na kami.
"Okay, next! Rodriguez, Mariella F.,' sigaw nung photographer.
Nag post ako sa My Story ko sa IG ng pictorial namin. Habang nag-iintay ay nagbrowse browse naman muna ako sa cellphone ko. Nagvibrate naman ang phone ko at nakita kong may message na naman si MJ. I sighed and opened his message.
@mjramirez_ :
Good morning :) hehe
Ako:
Ano kelangan mo?
@mjramirez_ :
Huwaw, nagsalita ang unang nagmessage sa'kin. Nahiya naman akue!
Ako:
Sana hindi ka na lang nagreply, kung ganoon.
@mjramirez_ :
Ang sama ko naman kung hindi kita rereplyan. Gusto ko din makipag prends sa'yo :(
Ako:
Wala ka bang klase?
@mjramirez_ :
Concerned ka? Hmmm
Ako:
Shunga! pa'no ka magiging architect niyan kung puro ka lande sa buhay mo
Hindi ko naman namalayang ako na pala ang sunod na pipicturan, kung hindi lamang ako tinapik ni Elaine.
"Ms. Zaragosa! Kanina pa kitang tinatawag!" sabi nung photographer. "Double time!"
"Sorry po," sabi ko at dali daling pumunta sa kaniya.
"Okay, one more time. 3, 2, 1," sabay click ng camera.
"Sige, next!"
Umalis naman na ako at pumunta sa area nina Megan. Natawa naman sa akin sina Megan at Ali. Tinaasan ko lamang sila ng kilay, at naiirita ako sa mga ekspresyon ng mga mukha nila ngayon.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Fiksi RemajaOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...