ika-20

41 7 0
                                    

Sa sumunod na Sabado ay nagpunta kaming magkakaibigan. Pinayagan naman ako nina Mama at Papa. Doon na rin kami matutulog sa condo namin.

Sa katunayan nga niyan, makikipagkita talaga ako kay MJ ngayon. Dinahilan ko lamang na maggagala kami nina Megan, Ali, at Aez sa Maynila kaya napapayag ko sila.

"So kamusta naman ang date n'yong magjowa nung isang araw?" malisyosong tinanong ni Aez sa akin.

I rolled my eyes. "He's not my boyfriend."

"Sus!" Megan and Ali exclaimed. "Alam naman naming may gusto ka roon, pilit mo lang tinatanggi," sabi ni Ali sa akin.

"Ewan ko sa inyo," 'yon na lamang ang tangi kong nasabi.

"So tell us," Megan said. "Did you kiss? What happened? Tell us!"

I suddenly remembered what happened last night.

"Ikaw lang, Kaylee."

And after he said that...

We kissed.

I felt like my face is heating up right now. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng kahihiyan o kung ano ba.

"So you did?!" gulat pero kinikilig na tanong ni Aezon.

I just looked away. "W-Whatever."

Nagtilian naman ang tatlo samantalang ako ay hiyang hiya na sa kinauupuan ko sa loob ng sasakyan. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga sasakyang nakikita sa labas, at hindi na iniintindi ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan.

Pagkababa naman namin ng sasakyan ay saktong naroroon na si MJ, nakatayo sa may labas ng building at naghihintay na sa amin.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang makita ko siya. Binuksan naman na ni Aezon ang pinto ng van samantalang ako naman ang huling lalabas ng sasakyan.

Before I went out, I closed my eyes and let out a deep breath. Normal lang ang galawan natin Kaylee. Just be natural.

Pagkababa ko sa sasakyan ay kita ko namang nakatingin sa akin si MJ at mag-aabot na sana sa akin ng kamay pero nakababa na ako.

"Hay jusko, Kaylee Averine!" Aez exclaimed. "Pasalamat ka at kasabwat mo kami rito sa date ninyo ni MJ!"

I chuckled. "Thanks guys."

"Ano? Tara na?" tanong ni MJ sa akin. Tumango naman ako at bumaling sa mga kaibigan. Tumango naman sila sa amin, nagpapabatid na umalis na kami at i-enjoy ang araw.

"Enjoy, lovebirds!" sigaw ni Ali.

Tumalikod na ako at simpleng umiling sabay ngiti. Tumingin naman ako ngayon kay MJ na ngayo'y pumapara na ng taxi.

"Where are we going?" tanong ko.

"Dadalhin kita sa amin," he said huskily and formed a devilish smirk. Kaagad ko namang hinampas ang braso niya at nagalit. He chuckled.

"Ang bastos mo!"

"Joke lang, syempre ipapakilala kita kina Mama."

Bigla akong kinabahan sa sinabi. There are so many thoughts that came up on my mind as he said that.

Will his mother accept me?

Magugustuhan kaya nila ako?

"Natahimik ka bigla," sabi niya. Bigla naman akong natauhan. Dumating na ang taxi at sumakay na kami, papunta sa Taguig.

Maging sa loob ng taxi ay hindi pa rin ako nagsasalita. Nakatulala lamang ako at masyadong maraming iniisip.

Bakit ba masyado kang mapag-isip, Kaylee? Eh hindi ka pa nga girlfriend eh!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon