Omegle.com talk to strangers!
Ito ang bumungad sa akin nang tinipa ko ang omegle.com sa Safari. May mga tags din doon na nagsisilbing interests mo. La Salle ang una kong tinipa.
You both like La Salle.
Stranger:
Hey, ASL?What the hell is ASL? Nagsearch pa ako kung ano ibig sabihin non. Age, sex, location lang pala.
Ako:
16, FIsasama ko pa ba loc. ko? Gosh! Hindi maaari!
Stranger has disconnected.
Aba bastos 'to ah! Nag-new na lang ulit ako.
You both like La Salle.
Stranger:
Horny?Ew! Ganito pala mga tao dito!
You have disconnected.
Hindi ko na ipinagpatuloy pa. Alas dies na ng gabi at kailangan ko pang gumising nang maaga dahil may pasok pa ako.
Nag-alarm na ang orasan ko pero hindi pa ako nagising. Nang iminulat ko ang mata ko, maga-alas otso na pala! 8:30 klase ko! Shit!
Bakit kasi nag-omegle pa ako kagabi? Ayan tuloy!
Dali-dali akong naligo at nagbihis na kaagad. Basa basa pa ang buhok ko at medyo tumutulo tulo pa dahil nga sa ako ay nagmamadali.
"Anak!" Mama exclaimed. "Ano ka ba naman! Ang buhok mo tumutulo pa! Pumarito ka ngang bata ka!"
"Mama, I don't have time for this!" I exclaimed. "I'm getting late!"
Dali-dali kong sinubo ang tinapay at ininom ang aking gatas. Pailing-iling pa si Mama habang tinutuyo ang aking buhok.
Badtrip! Umulan pa nga!
"Kahit anong madali ang gawin mo, mal-late ka pa rin," aniya. "Umuulan at wala kang basta-bastang masasakyan. Ano ba kasing ginawa mo kagabi at mukhang napuyat ka yata?"
I sighed. "Nag-aral lang po."
"Lee, anak, I know you're really studying hard. Pero I do hope na nakakakuha ka pa rin ng tama at sapat na tulog."
I smiled and nodded at her. "Yes, Mama."
Ihahatid ka na ng Kuya mo sa school. He's bringing the car today since umuulan. Sumuno ka na.
Dali-dali naman akong nag-ayos na gamit ko at sumakay na sa kotse. Nang tumingin ako sa orasan, it's already 8:20. Mga 20 minutes pa bago ako makarating sa school, at mas matatagalan pa kasi umuulan at lagi na lang nagt-traffic kapag umuulan dito.
"Wala na bang ibibilis 'yan, Kuya?" hindi ko magmaintindihang tanong.
"Baby, wala ka nang magagawa. It's already 8:31. You're one minute late."
I sighed. Kuya's right. Bumaba na lang ako sa may overpass at doon dali-daling umakyat at lumakad. Pagdating ko sa classroom, nagsisimula na ng homeroom module ang teacher ko.
"Ms. Zaragosa!" Sir Agustin exclaimed. "You're 10 minutes late!"
"I'm sorry, Sir. Traffic po kasi," paliwanag ko.
Suminghap muna si Sir at tumango. "Take your seat. I hope this won't happen again."
Tumango naman ako at dumeretso na sa upuan ko. Nakatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko, tila naninibago dahil first time ko itong maging late sa buong school year ko.
"Hmmm," lumapit si Aez sa akin. "Ano kayang ginawa kagabi at masyado yatang tinanghali ng gising?"
I rolled my eyes and pushed him lightly. "Tumigil ka. Nag-aral pa ako kagabi. May assessment tayo mamaya sa Science, remember?"
Hindi pa rin naniniwala ang mga walanghiya kong kaibigan. Umiling na lamang ako nang napagtanto kong... iba pala ang teacher namin ngayon.
"Homeroom period ngayon diba? Bakit hindi si Ms. Tuazon ang nagd-discuss sa'tin ngayon?" bulong ko pero mukhang narinig yata ni Sir Agustin ang tanong ko.
"Ms. Tuazon is not around due to some errands," paliwanag niya. "Sa susunod kasi Ms. Zaragosa, pumasok ka nang tama sa oras para hindi ko na kailangang ulitin ang mga nasabi ko na kanina."
Napa- "ooooh" naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Sir Agustin.
Aez rolled his eyes and whispered something. "Hindi naman siya ang tinatanong, sabat nang sabat. Ang sungit pa! 21 years old lang, daig pa magm-menopause na babae! Sayang, bet ko pa naman."
"What was that again, Mr. Realonda?" tanong ni sir. Ngumiti na lamang nang pilit si Aez at umiling. Nagpatuloy naman na si Sir sa pagd-discuss sa unahan.
Ang boring ng buong maghapon. Nung breaktime naman, wala na akong ginawa kun'di mag-review para sa test namin sa science.
"Uhm, Kaylee? Pwede pahiram ng phone mo?" sabi ni Megan. Wala sa sarili ko namang binigay ang phone ko sa kanila, wala nang pake dahil sobrang focused na 'ko sa kaaaral ko.
"Aha! I knew it!" Aez exclaimed.
"Kaya ba na-late ang isang Kaylee Averine Zaragosa?" ani Aliana. "Dahil ba sa omegle na ito?"
Nagulat ako nang bigla nilang ipinakita ang history ng safari ko. Agad ko namang hinablot ang cellphone ko at nagtawanan naman sila.
"Psh.. akin na nga!" I exclaimed. "Pero..." napatigil ako sa ginagawa. "Talaga bang ganoon ang mga tao roon? Horny?"
Aliana chuckled. "Hindi naman lahat, siz. But many of them are horny."
"OMG. Don't tell me-"
"Of course not!" Aliana spatted. "Nid-disconnect ko na kapag ganun!"
I chuckled and shook my head. "Napaka defensive mo naman, Ali!"
"Ewan ko sa inyo!" sabi ni Aliana. "Tara na! Science time na!"
Hindi naman ako ganon nahirapan sa test namin sa Science kanina. Pagkatapos noon ay isang subject na lamang at wala nang klase. 'Yun nga lang, may club meeting pa kami kaya hindi pa rin pwede umuwi.
"Tara mag-mcdo after club meeting!" anyaya sa amin ni Megan.
"Hmm, that sounds good!"
"Sorry girls, but I don't think I can come with you," malungkot kong sinabi. "Pupunta pa ako sa clinic ni Mama. She wants me to help her there. Hindi ako nakadaan kahapon kaya ayon, ngayon ako pupunta."
"Hayst siz," si Ali. "But... we understand. Let's just catch up tomorrow, okay?"
"Alright."
After ng club meeting, dumeretso na kaagad ako sa clinic. Medyo maraming nakapila kaya naman dumeretso agad ako kay Mama.
Naka day-off din pala ang secretary ni Mama kaya masyadong matagal ang pagpapausad ng mga pasyente.
"Thank you, anak," ani Mama. I smiled at her.
"No problem, Ma. Para po sa inyo."
"By the way, your Ate's flight is tomorrow," aniya habang inaayos ang mga gamit niya.
"Agad?" Gulat kong tanong. Nalungkot naman ako dahil ilang araw pa lamang ang nakalilipas ay aalis na siyang muli.
"Yes. Kaya kailangan na nating magpahinga dahil ihahatid pa natin siya bukas. We can't be late."
"Yes, Ma."
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...