ika-14

38 6 0
                                    

Kinakabahan na ako sa oras na ito. It's Wednesday already and I am very nervous dahil ngayon na ang unang araw ng Finals namin.

Believe in yourself, Kaylee! I know we can do this!

Maaga akong dumating sa school para makapag handa at nang hindi ako ma-tense para mamaya. Sa library muna ako dumeretso para makapag review.

Nakalimutan ko palang i-silent mode ang cellphone ko kaya malakas itong tumunog sa loob ng library. Nagtinginan naman ang ibang estudyante habang sinuway naman ako ng librarian.

MJ:
  Goodluck sa exam mo. Kaya mo 'yan :)

I can't help but smile at his text message. Nakakagaan lang sa pakiramdam dahil sa kabila ng kaba na nararamdaman ko sa oras na ito, nagagawa pa rin akong suportahan at pangitiin ng taong ito.

Ako:
   Thanks. Kinakabahan talaga ako ngayon.

MJ:
   Gusto mo ng joke? dejk baka mamaya joke ko pa masagot mo sa exam, yataps ka na

Ako:
    Baliw. Sige na, balitaan na lang kita mamaya. :)

MJ:
   Oki. :))

Tinago ko naman na ang cellphone ko sa bulsa at nagpatuloy sa pagrereview. Ilang minuto lamang ang lumipas at nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko para pumunta sa classroom.

"Okay, we will start our examination in a few minutes," sabi ni Ms. Tuazon. "I want you to keep all your learning materials, and the only things that should be seen on your desks are pencil, ballpen, and correction tapes."

"Eh paper po, Ms.?" tanong ni Ria, kaklase ko.

"Ako ang mag p-provide noon."

Sa unang araw ng examination namin ay Science at Filipino ang it-take. Kaya ganitong kaba na lamang ang nararamdaman ko ngayon. I'm not really good in Science, and I don't want to disappoint my family.

When the papers were already given, I looked thoroughly on the given questions. Sa likod ay may problem solving pa regarding Boyle's law.

Napangiti naman ako sa nakita. Buti na lamang talaga at tinulungan ako ni MJ nung isang gabi. If it weren't for him, dedz na 'ko ngayon.

Natapos ko na ang pagsasagot sa loob ng 45 minutes. Napatingin naman ako sa iba na hanggang ngayon ay mukhang hindi pa mga tapos. Hindi na rin naman ako nahirapan sa problem solving since halos lahat naman sa Math may ganon.

Napatingin naman sa akin si Ms. Tuazon and she muttered. "Tapos ka na?"

Tumango naman ako at ngumiti. Tumango din siya at bumalik na sa pagmamasid. Habang ako naman ngayon ay nagr-review ng mga isinagot ko sa test paper.

Pagkatapos naman ng oras para sa Science, nagkaroon kami ng 20-minute break. Lahat ng mga sagot namin sa Science ay pinag usapan naming magkakaibigan sa loob ng dalawampung minuto habang kumakain.

"Nakakainis!" Megan groaned. "Di ko rin magets 'yung mga lessons sa Science. Hindi ko pa natapos ang problem solving!"

"Pag minalas nga naman," matamlay na sinabi ni Ali.

"How 'bout you, Lee?" tanong ni Aez sa akin. "Nakita kita kanina, maaga ka yatang natapos."

Kumagat muna ako ng siomai na kinakain ko sabay tumango.

"Mukhang nadalian ka yata ah," aniya. "Improving ka na siz!"

I chuckled. "Thanks to MJ, nagets ko rin ang Science na 'yan."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon