ika-24

35 6 0
                                    

"Kayo na?!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo. I chuckled and nodded.

"Yup."

"OMG!" Aez exclaimed. "Congrats, siz!"

The three hugged me. I smiled and I know they're really happy for me. For us.

Ni-treat ko  naman sila sa labas at kumain. Marami pang kwentuhan ang naganap habang kumakain sa labas.

"Pero bawal ka pa magboyfriend, hindi ba?" nag-aalalang tanong ni Aez sa akin. Tumatango-tango naman si Megan at bumaling na rin sa akin.

"Ano ka ba naman?" hinampas ni Ali ang braso ni Aezon kaya napa-aray naman ito. "Todo ship nga si Tita Yna sa kanila ni Mariott, malamang pwede na 'yan!"

"Eh si Tito? Payag ba?" dagdag pa niya.

I sighed. Hindi naman siguro magagalit si Mama at Papa kung sakaling magboyfriend ako sa panahong ito. I promised myself to still study hard even though I'm already in a relationship with someone.

"I'm sure they would understand," yun na lamang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam kung anong itutugon ko sa sinabi nila.

Pati sila ay napabuntong hininga na lamang. Nagpatuloy naman ako sa pagkain habang bigla naman akong hinawakan ni Megan sa aking balikat.

"We're always here to support you, siz." I smiled and nodded.

Pagkatapos naman ng paglabas namin ay 6 pm na ako nakauwi sa bahay. Hindi na rin ako kinuwestyon ni Mama at Papa dahil alam naman na nila na silang tatlo na ulit ang kasama ko.

Dumeretso naman ako sa kwarto at nagbihis. May niluto raw si Mama na meryenda pero busog na busog pa ako kaya mas pinili ko munang mag-aral at mamaya na lamang kakain kapag nakaramdam na ng gutom.

Naisipan ko namang itext ang boyfriend ko.

Ako:
   Nakauwi ka na?

MJ:
    Nasa byahe pa bebe ko

Ang corny! Bebe ko amp.

Ako:
    Ayoko ng ganyang endearment. Ang baduy. Sorry!

MJ:
    Okay, baby.

Ako:
    Ang corny mo talaga kahit kailan.

MJ:
     Corny raw pero kinikilig naman. HAHAHAHAH
     
      Ano ba kasing gusto mong itawag ko sa'yo?

Napangiti naman ako habang nagtitipa ng irereply sa kaniya.

Ako:
   Bahala ka kung anong gusto mong itawag sakin.

MJ:
    Okay, bahala ka kung anong gusto mong itawag sakin! Ang haba naman, pwede bang paikliin? Hmmm...

   Bahala ka. Hi bahala ka :))

Namilosopo pa nga! Okay na sana eh, kikiligin sana ako, nanira pa.

MJ:
    Joke lang, pababa na ako ng tricycle. I'll call you later. I love you.

Ako:
    Okay.

Nag-aral na muna ako para makapag handa sa kung ano man ang id-discuss bukas.

Makalipas ang ilang saglit, tumawag na si MJ sa akin. Our call lasted for about an hour, too.

Kinabukasan naman, maaga na ulit akong pumasok sa school. Ganoon naman lagi ang aking sistema bawat weekdays. Marami-rami ring mga pinaggagawa at medyo nahihirapan pa rin ako at kaunting adjustment pa ang kailangan kong gawin.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon