August 18 na ngayon at nasa Makati na kami ngayon. Umalis kami kagabi right after Kuya has came home. Excited na excited naman ako sa gagawin namin mamaya nina Aez.
"Birthday na ni Pogi sa susunod na Sabado! OMG!" Aez exclaimed.
"Yes, kaya nga kailangan nating magplano ng isang malaking surprise para kay MJ," sabi ko. Tumatango tango naman sina Aez at ang dalawa nina Megan at Ali sa screen dahil magkaka video call lamang kami.
"So what are we gonna do?" tanong ni Ali.
Ngayon naman ay nagpaalam na ako kina Mama at Papa na may pupuntahan kaming magkakaibigan. Ilang minuto lamang ay pumasok na sina Megan at Ali. Nasa baba na raw si Aez at hindi na sumama pataas dahil dala-dala niya ang mga kagamitang kakailanganin para mamaya.
"Una na po kami Tita, Tito," sabi nung dalawa. I kissed Mama and Papa first before leaving.
Habang nasa elevator naman ay nagkachikahan naman kami.
"Oh ano? Okay na ba lahat ng gamit?" tanong ko. Nag okay sign naman sa daliri ang dalawa at sabay na tumango. Tumango na rin lamang ako at saktong bukas ng elevator.
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni MJ para mamaya. This is my first time surprising someone special to me. Iba pa kasing usapan kung pamilya ito.
Nasa baba naman na ang kotse at nakatigil sa may harapan ng building at sumakay na kami roon. May mga balloons naman doon na dala-dala si Aez. Nang nagtingin naman ako sa likod ay may cake doon.
"Oh, ano namang gift mo sa kaniya?" tanong ni Aez sa akin.
Binunot ko naman ang isang box na may lamang Rastaclat. Tumatango tango naman si Aez at tinignan ito.
"I like it!" masayang tugon ni Aezon.
"You think he'll like it?" sabi ko.
"Aba siyempre!" He exclaimed. "You're really great at things, siz."
Kabado pa rin habang nasa byahe, at natraffic pa rin kami, kaya lalong natagalan at lalo rin akong kinabahan.
Nagulat naman ako nang biglang nag-ring ang telepono ko at si Tita Yna na pala ang tumatawag.
"Ooohh, si Mother in law naman pala ang tumatawag," malisyosang sinabi ni Ali.
"H-Hello po Tita," bungad ko.
"Hello, Kaylee anak," aniya. "Inutusan ko na siyang bumili ng kung ano-ano. Nasaan na kayo?"
"Medyo natraffic lang po, Tita," sabi ko. "Malapit lapit na rin po kami. Mga 15 minutes po siguro."
"Sige, tamang tama. Mga 30 minutes pa iyon matatapos dahil sa dami ng pinapabili ko sa kaniya!" sabay tawa kaya tumawa na lamang din ako. "Sige, iintayin ko na lamang kayo rito!"
"Sige po," pagkatapos naman noon ay ibinaba ko na ang telepono. Saktong umandar nang muli ang mga sasakyan at tuloy-tuloy na ito.
May sampung minuto rin ang nakalipas nang makarating kami sa bahay nina MJ. Dali-dali kaming pumasok sa loob maging ang paglilipat at pagpapasok ng mga decorations sa loob para hindi masyadong mahalata.
Nagmamadali naman kaming mag-set up ng mga decorations sa loob ng bahay. Marami ring mga handa sa may hapag kainan at tuwang tuwa naman ang mga kaibigan ko dahil makakatikim na raw sila ng handa mamaya.
Katulong na rin sa pag-aayos si Kuya Robi samantalang si Tita Yna naman ay nagbabantay na sa labas.
"Sa lahat ng naging girlfriend ni MJ, ikaw lang gumawa nito sa kaniya sa birthday niya," ani Kuya Robi dahilan naman para mag-init ang aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...