ika-12

47 7 0
                                    

Dahil nga exam week na namin ngayon, wala pa rin kaming gagawin sa buong araw kung hindi mag-aral na lamang dahil magmula sa Miyerkules hanggang Biyernes ang araw ng Quarterly assessment namin.

Mas maaga rin ang Q.A. namin kumpara sa ibang junior high, since graduating nga kami. Ganoon naman yata lahat. 

Halfday kami ngayong araw. Dahil maaga kaming makakauwi, niyaya naman kami ni Aez na magpasa ng mga requirements nya sa Adamson.

Bigla naman akong kinabahan doon. What if makita ko siya doon? Ano kayang magiging reaction ko?

"Don't worry girls," ani Aezon. "Ihahatid naman tayo ni Daddy. Kasama ko rin kasi siya sa pagpapasa."

"That's a good idea!" pangsang-ayon ni Megan habang patango-tango naman si Aliana sa sinabi. "Mas maganda na rin na ngayon na tayo magliwaliw para bukas, study time naman."

"Nag-aaral ka ba naman, Meg?" panunuya ni Ali. Megan pinched her nose. Napa-aray naman si Ali.

"Ano Lee, g ka ba?" tanong ni Aez. Tumango naman ako at hindi na umimik pa.

Kinuha ko naman bigla ang phone ko at kaagad minessage si MJ.

Ako:
   Ano oras ng klase mo?

@mjramirez_ :
    Ngayon na. 8 to 2 pm. Bakit?

Ako:
   Wala. Sige. Byee

Pagkatapos ng klase namin ay kaagad na kaming umalis para maaga na ring makabalik dito sa Lipa. Nagpaalam na rin ako kay Mama at lagi naman siyang pumayag. Pinayagan na rin ako ni Papa.

Habang nasa byahe ay napaisip ako. Kung 8 am to 2 pm ang klase niya ngayon, is it possible na makita ko siya doon?

Imposible. College na siya at sa may regristar's office lang naman yata kami pupunta. Sa laki ng Adamson, paniguradong hindi kami magkikita doon.

Bakit ba tensed na tensed ako pagdating sa kaniya? Eh wala naman akong dapat ikakaba pagdating sa kaniya? Ewan ko sa'yo, Kaylee! Nababaliw ka na.

Medyo natagalan din kami sa byahe dahil natraffic na kami sa Maynila. Around 2 pm na rin kami nakarating doon.

Maganda rin pala dito sa Adamson, 'no? Sikat pa. Hindi nagkamali si Aez na dito mag-aral sa Senior High.

"Bakit hindi tayo mamasyal sa loob ng university na ito?" tanong ni Megan. Napalunok naman ako sa sinabi. "Saan nga pala building ng Senior High dito?"

"Sabi nung friend ko, sa CS building daw," paliwanag ni Aez. "Tara, tignan natin!"

Tumango naman kaming tatlo at sabay sabay nang nilibot ang campus. Nakarating din kami sa sinasabing CS building. Ayos din 'to ah. Pumasok na kami sa loob at nakitang may mga klase pa rin ang iba.

Habang naglilibot, bigla namang nagsalita si Aez. "Ang gumagamit daw ng building na ito ay hindi lamang SHS. Bale sa 3rd floor kami, tapos ang sa 2nd floor at 4th floor ay mga college. Architecture na course."

"A-Architecture?!" Gulat na gulat kong sinabi na halos mapasigaw na ako sa gulat.

"Yup. Why? May kakilala ka dito? Gulat na gulat ka na naman Kaylee."

"H-Ha... w-wala naman..."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ang dami dami ko talagang iniisip ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako.

"CR lang ako guys," sabi ko. Tumango naman sila.

"Want me to come with you?" Tanong ni Ali. Umiling naman ako. Dumeretso na ako sa pinakamalapit sa cr sa loob ng building.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon