"Mama! Asan si Mama?!" bungad ko kaagad nang makita sina Ate at Kuya doon sa ospital. Si Papa'y nakaupo roon at hindi rin mapakali.
Nang bumaling ako sa may emergency room ay naroroon siya, walang malay, at binibigyan ng oxygen ng doctor. Bumuhos naman ang luha ko nang makitang walang malay ang aking ina.
Kasama ko rin si MJ sa pagpunta roon. If only we didn't let her drive alone at night, this wouldn't have happened at all.
Mabilis na inilipat si Mama sa ICU at ikinabit kaagad ang mga mararaming mga tubo-tubo sa kaniyang katawan. Iyak naman nang iyak si Ate Kayla habang naroroon, katabi kami.
"Bakit kasi natin hinayaan na magdrive siya roon?" aniya habang humahagulhol sa pag-iyak. Pinapatahan naman siya ni Ate Stella na ngayo'y kinakalma ang sarili.
Bigla namang lumabas ang doktor at kaming lahat ay biglang tumayo sa kinauupuan.
"Kayo po ba ang pamilya?" tanong ng doktor. Mabilis naman kaming tumango.
"Ano pong nangyari na kay Mama, doc?" tanong ni Ate Stella. Si Papa'y hindi na magawang makaimik dahil nanghihina siya ngayon.
"We checked her vital signs, and her blood pressure is very low," sabi nung doktor. "Maaaring iyon ang naging dahilan kung bakit siya nalagay sa isang aksidenteng tulad nito."
"She's in a very critical condition," dagdag pa niya. Napapikit naman ako at sumulyap kay Mama. "Pwede itong maglead sa coma, at sa edad niya'y hindi tayo ganoon kasigurado kung makakasurvive siya once na coma siya."
"So anong sinasabi mo?" pagalit na tanong ni Papa. "Na hindi na mabubuhay ang asawa ko? Ganoon ba?!"
Aakma na sanang suntukin ni Papa ang doktor at mabuti na lamang at napigilan pa siya ni Kuya.
"Once she's stable, we'll transfer her into a regular room," sabi pa nung doktor. Tumatango-tango naman kaming lahat habang si Kuya nama'y pinapakalma pa si Papa ngayon. "For now, we're just gonna observe."
"Salamat doc," sabi ko. Napaupo naman ulit sina Ate Kayla at Ate Stella roon samantalang ako'y nakadungaw pa rin kay Mama. Nasa tabi ko lamang si MJ habang ako nama'y umiiyak sa oras na ito.
She can't leave us like this. Alam kong kakayanin ito ni Mama. She's braver than what I expect. Hindi pwedeng basta-basta na lamang siyang bibitaw sa isang simpleng aksidenteng nangyari.
Habang tinititigan si Mama'y bumalik ang aking mga ala-ala noong kaming mga magkakapatid ay bata pa lamang.
"Kaylee! Don't go outside! It's raining!" sigaw ni Mama. "Magkakasakit ka niyan!"
Ako nama'y patuloy lamang sa pagtatakbo sa aming harapan hanggang sa nabasa na ako nang tuluyan ng ulan. Malakas na ulan ang bumuhos at ako nama'y tuwang tuwang maligo roon.
Sinamahan naman ako ni Kuya na magpakabasa sa ulan. Hindi na kami nagawang sawayin pa ni Mama dahil wala na siyang magagawa.
Sakto namang dumating si Papa galing sa trabaho at sinalubong namin siya ni Kuya.
Kinagabihan noon, dinapuan naman ako ng matinding sipon at ubo, at nagkaroon na rin ako ng lagnat. Si Mama naman ay dismayadong dismayado na sa akin habang ang tuwalya ay kaniyang binabasa sa malamig na tubig na may yelo at idinampi sa aking noo.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo, Lee," aniya. "Alam mo namang sa inyong magkakapatid ay ikaw ang pinakalagnatin sa tuwing mababasa ka ng ulan! If only you listened to me, hindi ka magkakasakit."
I smiled at her. "Mama, it's fine. At least I enjoyed."
She sighed. Bago naman siya umalis ay humalik muna siya sa pisngi ko. "Magpahinga ka na. Bukas rin ay mawawala na ang lagnat mo."
BINABASA MO ANG
Still Into You
Roman pour AdolescentsOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...