ika-28

30 6 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang aking mata at pagkagising ko'y nasa emergency room ako ng ospital.

"Thank God, nagising ka rin!" masaya ngunit may bahid pa rin ng pag-aalala sa reaksyon at boses ni Ate.

Bigla namang dumating si Mama at Papa at dali-daling pumunta sa akin. Lumapit naman ang doktor at kinausap ang dalawa.

"Doktora," bungad nung isang doktor doon. "You're daughter is fine. She just fainted because based from what I can see, puyat ang batang ito."

Napayuko naman ako habang katabi ko naman si Ate at Kuya na todong nag-aalala sa akin. Basang-basa rin ang aking damit, at naalala ko lamang ang nangyari kanina.

"She's not eating well," dagdag pa nung doktor. "She's stressed, too."

Napatingin naman sa akin si Mama at napabuntong hininga sabay baling muli sa doktor. "Thanks, doc. We'll take her home."

Tumango naman ang doktor sabay baling sa akin. Ngumiti na lamang ako at patuloy na kaming umalis. Habang naglalakad nama'y palinga-linga lamang ako sa paligid. Nagbabaka-sakaling... naroroon siya.

You dumped him, remember? There's no way he would be here after all what you've done! How pathetic.

"Nakikita mo na ang pinaggagawa mo sa buhay, ha? Kaylee Averine?" galit na sinabi ni Mama.

"Ira, tama na," galit na tugon ni Papa. "Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Nahimatay na nga, tapos ganito pa ang pakikitungo mo."

Natikom naman ang bibig ni Mama sa sinabi ni Papa habang ako naman ay inaalalayan ni Ate at Kuya sa paglalakad. Unti-unti na namang namumuo ang luha sa aking mga mata kaya suminghap na lamang ako para hindi iyon matuloy.

"Ate," sabi ko. Bumaling naman siya sa akin at nagtaas ng kilay. "May... iba pa bang naghatid sa akin papunta rito?"

Bigla namang natahimik si Ate Kayla at tumingin kay Kuya Kean. Umiling naman siya.

"Kami lang," aniya. Her eyebrows furrowed. "Why?"

Umiling naman ako at ngumiti kahit nasasaktan. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at ako naman, kakalimutan na lahat ng nangyari ngayon, maging ang taong mahal ko.

Pagkabalik naman sa Batangas ay pinagpahinga muna ako nina Papa. Tumango naman ako at umakyat na ako sa taas.

Aalalayan sana ako ni Kuya pero ipinilit kong ayos lamang ako at kaya ko mag-isa. Kuya sighed and slowly nodded.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nahiga naman ako. Tumagilid naman ako sa aking pagkakahiga at hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pag-iyak.

I'm really sorry, MJ.

Kung alam mo lang...

Hindi ko talaga ito ginustong mangyari. Pero tulad nga ng sinabi ni Papa, kung talagang tayo ang para sa isa't isa.

Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin kong mag krus muli ang landas natin, nang sa gayon ay wala nang hindi tayo maiintindihan kung ano nga ba ang kapalaran nating dalawa.

Bigla namang may kumatok sa aking pintuan kaya naman mabilis kong pinalis ang aking mga luha at tumayo.

"Kumain ka muna," malumanay na sinabi ni Mama. "Baka magkasakit ka pa lalo kapag nagpalipas ka ng gutom."

Tumango naman ako at sumama na sa kanya pababa. Maraming pagkaing inihanda sa lamesa at naupo naman na ako sa aking upuan.

Habang nasa hapag-kainan ay maraming sinabi si Mama.

"Ang balak ko sana'y bukas tayo lilipad papuntang Amerika," aniya. "But since an unfortunate event happened, let's just move it by Wednesday."

Tumatango-tango naman sina Kuya at Ate Kayla habang ako naman ay walang reaksyon sa sinabi. Patuloy lamang akong kumakain.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon