ika-10

46 7 0
                                    

  Maraming tao na ngayon ang dumadalo sa party na ginawa ni Mama. Mga kasamahan niyang doktor ang karamihan sa mga bisita niya. Si Papa naman, dumating na rin ang kaniyang mga kasamahang med tech at iba ding mga doktor sa trabaho.

Naririto na rin ang mga kaibigan ko. Sinalubong ko naman sila at may mga kaniya-kaniyang mga regalong dala, para kina Mama at Papa.

Naririto din ang mga kaibigan na inimbita nina Kuya Kean at Ate Kayla. Kumaway naman sa akin si Mariott, kaibigan ni Kuya.

"Bet na bet ko talaga 'yung Mariott Del Rosario," kinikilig na sinabi ni Aez. Kinalaunan ay sumimangot na siya. "Kaso si Kaylee ang bet niya."

I chuckled. "I can introduce you to him, if you want."

"Hay nako, hindi na," he said as he drank a shot of tequila.

Nagsimula na ang event at nagpalakpakan na ang lahat nang sabay na pumasok sina Mama at Papa sa loob ng event hall.

Inabot naman ng isang lalaki doon ang bulaklak kay Mama at tinanggap naman niya ito. Pagkarating sa unahan ay inabot naman nito ang mikropono at nagsalita.

"Good evening," aniya. "We would like to thank everyone who were able to attend the party. This party is for my 50th birthday and for celebration of our 30th wedding anniversary as well."

"Everyone, please enjoy the night," dagdag ni Papa at nagpalakpakan naman kaming lahat.

Nag my story ulit ako sa IG at mukhang nakita na naman 'yon ni MJ. I'm shocked that he didn't even messaged me the whole day. Busy siguro.

Napag-isipan ko namang imessage siya. Baka may nangyari na doong hindi ko nalalaman. Huwag naman sana.

Ako:
  Hoy, di ka yata nagmemessage ngayon? Anyare sa'yo?

Ilang minuto na ang nakalilipas ngunit wala pa rin akong natatanggap na reply kahit isang letra man lang. Tinapik naman ako ni Aliana at binulungan.

"Di nagrereply si bebeluvs mo?"

"Anong b-bebeluvs ka riyan?" nauutal kong tanong. "He was never my boyfriend."

"Sus, eh kung makacheck ka nga ng phone mo maya't maya. Sanay ka na na minemessage ka niya 'no? Naku hindi ka dapat nasasanay!"

I rolled my eyes and put my phone on the table. "Anong maya't maya? Chinecheck ko lang naman orasan."

Binaling ko na lamang ang atensyon ko sa mga nagp-perform sa unahan. Bakit ko nga ba iintayin na magreply ang isang taong hindi ko naman kilala?

Why would I even care for him? Bahala na siya sa buhay niya. Kung ayaw niya magreply sa mga messages ko, edi huwag! I don't care!

Bigla namang nag iba ang tugtog sa buong event hall at naging waltz na ang music. Nagsayaw na sina Mama at Papa sa unahan at ang mga tao naman ay naghihingian ng mga kamay para magsayaw na rin sa gitna.

Lumapit naman sa akin si Mariott Del Rosario. Iniabot niya ang kaniyang kamay sa akin.

"May I have this dance, Kaylee Zaragosa?"

I smiled and held his hand. Tumayo naman ako at sinamahan na siya sa gitna ng event hall para magsayaw.

Ang kasayaw ni Ate ay si Kuya Liam. Ang ibang mga tropa ni Kuya Kean ay nagyaya ding sumayaw sa mga kaibigan ko. Kita ko naman si Aezon na nakikipag sayaw din sa isang tropa ni Kuya. I chuckled.

"Taken ka na ba?" tanong sa'kin ni Mariott.

"H-Ha?" Gulat kong tugon. "Ah...eh... hindi."

Mariott smirked. "Pwede pa tayo, kung ganoon."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon