ika-33

38 6 0
                                    

"Ha?!" Des exclaimed. "Totoo?!"

Tahimik na lamang akong tumango. Sobrang tamlay ko ngayon dahil sa nangyari kanina.

"Of all places that you guys could work, talagang sa iisang kompanya pa?" dagdag pa niya. "Unbelievable."

"I know right," I sighed. Napasandal naman ako sa aking upuan habang si Des naman ay nakaupo lamang sa couch sa loob ng opisina ko. "Magresign na lang kaya ako?"

Nanlaki naman ang kaniyang mata at hinampas ako bigla. Des has been my closest friend at work. Kahit na iilang araw pa lamang kaming nagkakasama ay komportable naman na ako sa kaniya.

"Have you gone crazy, Kaylee?" aniya. Hindi ko alam kung natatawa siya o kung ano. "Bakit ka magr-resign? Ex mo naman na ah."

"Unless..."

Kumunot ang noo ko. "Unless what?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Hindi ka pa kasi nakamove on!" Aniya. I rolled my eyes and shook my head.

Bigla namang dumatimg ang aking sekretarya. "Engr., may meeting po kayo ulit with the board members. Now na po."

Sabay naman na kami ni Des na pumunta ng boardroom at naroroon naman na sina MJ. I think he's going to report the proposal for the project that we will be working on... together.

Ipinakita naman na ni MJ ang kaniyang design at namangha ako roon. Noong kami pa'y hindi ko siya nakikita na gumawa ng kung ano man sa kaniyang mga ganito. Lagi lamang niyang ikinukwento na pagod siya dahil maraming ginawa.

I didn't expect that he would be very good at this. Namangha naman ako roon at napangiti.

Malayo na ang narating niya. I'm proud of him.

"Since our tagline for this upcoming project is "sustainable and elegant future for every home", I have thought of something new. Something creative."

Ang lahat ng naroroon sa loob ng silid ay nakikinig na nang masinsinan at talagang tinitignan at ine-examine ang bawat area at bawat disenyo ng bahay na iginuhit nito.

"This project is a low-cost housing," dagdag pa niya. "Since our goal is to provide homes for people at a very affordable price, they can enjoy because they would feel relaxed if the interiors will be designed this way."

Nang tinignan ko namang mabuti ang kaniyang disensyo ay hindi naman masama. But I think it's lacking something. Hindi ko alam kung ano iyon dahil hindi naman ako nag-aral ng Architecture.

Tumatango-tango naman si Mr. Chua habang dini-discuss ni MJ ang kaniyang proposal. Napatingin naman ako ngayon kay Trixie Chua na ngayo'y nakikinig rin ng mabuti sa kaniyang boyfriend.

Napayuko na lamang ako at huminga nang malalim. Why do I have to see all these things? Why do I have to be on the same workplace as theirs?

"What do you think, Engr. Zaragosa?" tanong no'ng isang head ng kompanya. Nagulat naman ako at biglang napatingin kay MJ.

Blanko niya akong tinignan. Ako naman ngayo'y kabado sa mga nangyayari sa oras na ito.

"U-Uh... I-I think the design will be suitable for the tagline," sabi ko. Napakunot naman ako ng noo habang tinitignang maigi ang kaniyang drawing. "But there seems to be lacking of something."

MJ's eyebrows furrowed. Kita ko namang napataas ang kilay ni Mr. Chua gayon na rin ang ibang naroroon.

"Maybe we can still do something about it?" sabi ko. "Like, pwede pa natin itong mas pagandahin. I'm sure mas magagandahan at maappreciate pa ng mga tao kung mas magiging modern pa ang design nito sa loob."

Bigla namang umimik si Trixie Chua. "But Engr. Zaragosa, we're not just promoting modern designs or modern interiors or what you call it. We're after the quality of the house. Hindi p-pwedeng ganda lamang ngunit mahuna naman ang bahay na itatayo."

"I didn't say anything that you're just after the style of the house," matigas kong sinabi. "What I am trying to say is that the people would appreciate it more if the design will be improved! But all in all, Architect Ramirez's proposal is good."

Tumatango-tango naman si Mr. Chua habang magd-debate kami ni Trixie. I just have a feeling that she's attacking me for some reason.

"You still don't know everything yet, Engr. Zaragosa."

I smiled and nodded. "I know. Baguhan lang naman ako rito kaya wala pa akong masyadong kaalaman ukol sa mga bagay-bagay. But since Mr. Yulo asked me for my opinion, then I just gave and said what my mind and heart says."

Natahimik naman siya samantalang si Des naman sa tabi ko ay nagngingiti. Hindi ko naman magawang tignan ngayon si MJ dahil ayokong makita ang reaksyon niya.

"Okay," nagsalita na si Mr. Chua. "I agree with Engr. Zaragosa, Architect Ramirez. I also feel that something is still missing in your design."

Tumatango-tango naman si MJ sa kaniya.

"Maybe you and Engr. Zaragosa can work on it together," sabi pa ni Mr. Chua na siyang ikinagulat ko.

"P-Po?!"

Hindi ko na napigilan ang reaksyon ko sa sinabi. Mr. Chua's eyebrows furrowed.

"Is there a problem with that, Engr.?" napatingin naman ako sa mga tao roon na nakatingin na rin sa akin.

Unti-unti naman akong ngumiti nang pilit at mabilis na umiling. "W-Wala naman po."

"You were the one who had an idea regarding Architect's work. I know you too can do it. This is for the betterment of the project of our company."

"Would that be okay to you, Architect Ramirez?"

Tumango naman si MJ at ngumiti. "Of course, Sir." Tumingin naman sa akin ngayon si MJ at umiwas ako ng tingin.

I don't even know what to feel! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, matatakot, malulungkot, madidismaya, o kung ano pa man. Basta ngayo'y gulong gulo na ako sa buhay ko.

Bakit kailangan ako pa talaga ang maunang magsalita ng tungkol sa design ni MJ? Ako tuloy ang napag-atasang tumulong sa kaniya at magbigay pa ng ideas para ma-improve ang iginuhit na iyon!

Eh ano naman ngayon iyon sa'yo, Kaylee? Trabaho lang 'to. Hindi ka naman pumasok sa CSCC para sa kaniya, hindi ba?

'Pag trabaho, trabaho lang!

Wala nang iba!

Nasa office ko na ulit si Des habang ako nama'y problemadong problemado ngayon.

"Jusko siz, hinga lang!" she exclaimed. "Trabaho lang 'yan."

"I know--" napatingin naman ako nang may kumatok at si MJ ang naroroon. Natigilan naman ako at umayos ng pagkakaupo.

"Uh... babalik na lang ako---"

"No!" pagputol ni Des kay MJ. "I'm about to go to my office na rin. I'll be going, Engr."

Tumango naman ako. Hindi ko naman matignan ngayon si MJ at nagkunwaring busy ako ngayon.

"W-What brings you here?" tanong ko.

"About the designs," he said formally. "Do you have any ideas?"

"Uh... w-wala pa..."

Tumango naman si MJ. "Maybe we can work on it together. Kelangan na rin nating tapusin 'to dahil sisimulan na raw ang construction next month."

"Kailan tayo magsisimula, kung ganoon? Marami pa akong kailangang gawin dito sa opisina," sabi ko.

"E'di isingit mo sa schedule mo," aniya. Namangha naman ako sa kaniyang sinagot. How dare he!

I was just about to talk back when he stood up and faced me. "I'll just call you. Sa labas na lang natin 'to pag-usapan kung busy ka sa loob ng opisina."

Umalis naman na siya at nakatingin ako sa kanya habang naglalakad palabas ng opisina ko. Napasandal na lamang ako sa aking swivel chair at napabuntong hininga.

Sinapo ko naman ang noo ko. Bakit naman ganito ang naging sitwasyon ko ngayon? Nakakainis!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon