ika-6

65 7 0
                                    

 Tanghali na akong nagising dahil nga sa gabing-gabi na ako nakatulog. Tulog pa rin si Ate nang nagising ako. Kahit kailan talaga, kailangan pa siyang gisingin. Nang pumunta naman ako sa may dining area, may nakahanda nang pagkain na niluto ni Mama. 

"Gisingin mo na Ate mo," ani Mama. Tumango naman ako at ginising na kaagad si Ate. 

Sa hapag kainan naman ay marami rin kaming napag-usapan tungkol sa agenda namin sa araw na ito. 

"Uuwi rin tayo sa Lipa ngayon," sabi ni Papa. "Pero bago tayo umuwi, sisimba muna tayo sa Quiapo mamayang alas tres. Hindi rin naman kasi tayo masyadong nakakapunta doon dahil masyadong busy na tayo ngayon. Napag-usapan na namin ng inyong Mama 'yon."

Tumango naman kami at nagpatuloy na sa pagkain. Ako naman ang naglinis ng pinggan ngayon at pagkatapos naman noon ay pahinga na ulit ako. 

Bigla na lamang sumagi sa isip ko ang nakachat kong lalaki sa Omegle. @mjramirez_ pala ha. Kinuha ko naman ang aking cellphone sa kama at tinignan kung totoo ba ang ibinigay niyang username sa akin. 

Nang sinearch ko na ang username na iyon sa Instagram ay may lumabas na ganoong pangalan. Ni-click ko ang profile niya at nakitang naka private pala ang account niya. Napag isip isip ko kung if-follow ko ba ito o hindi. Kung if-follow ko 'to, baka isipin pa noong interesado ako sa kaniya. Baka mamaya, fake account pala ito!

Sa kabilang banda, kung if-follow ko naman siya, baka maging kaibigan ko pa 'to, or online friend! Based naman sa convo namin, mukha naman siyang masayang kausap. Besides, he's an architecture student. Pwede akong humingi ng advice sa kaniya sa larangan ng pagguhit. Hindi na masama hindi ba?

Sige na nga! Wala namang masama kung if-follow ko 'no?

At saka, hindi naman niya malalaman kung sino ako. Nasasa kanya na iyon kung ia-accept niya ang follow request ko o hindi. 

Requested. 

Hindi ko na inantay kung a-acceptin niya iyon o hindi. Nanood na lamang muna ako ng isang movie sa Netflix at nagbasa basa rin ng mga lessons ko through online. Ilang oras na rin ang nakalipas kaya naman maaga na rin akong nagbihis para makaalis kami nang maaga at nang hindi na kami mahuli sa misa. 

15 minutes bago magsimula ang misa ay naroroon na kami sa Quiapo Church. Doon na kami umupo sa may parteng gitna ng simbahan. Tahimik kaming nakinig sa misa at nagdasal nang mataimtim. 

Magc-communion na kaya naman pumila na kami sa gitna. Dalawa ang pila sa gitna kaya nagkahiwalay kami nina Mama at Papa sa pila. Ang kasama ko sa likod ko ay si Ate at Kuya at katabi ko naman si Mama at ang nasa likod ay si Papa.

"Katawan ni Kristo,"

"Amen."

Pagkatapos kong tanggapin ang ostia ay nagsign of the cross muna ako saka tuluyang tumalikod at bumalik sa upuan. Maraming tao ang nakapila sa pinilahan ko kaya naman sa paglalakad ko ay nakatungo lamang ako. Sabay sa pagtunghay ko ay napatingin ako sa isang lalaking nakapila rin sa pilang pinilahan ko. 

Matangkad, payat ngunit maganda ang pagkakahubog ng katawan kahit nakalong sleeve ang lalaking ito. Hindi ganoong kaputian ang kutis ng katawan, at hindi rin naman ganoong kaitim. Kumbaga, mas maputi siya sa kayumanggi. Nakasalamin, medyo singkit, at... mahitsura.

Nang magkatama ang paningin namin ay bigla naman akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng aking puso at hindi magkaintindihan ang pakiramdam ng tiyan ko sa hindi malamang dahilan. Bigla ko namang iniwas ang aking mukha at dali-daling naglakad at bumalik sa upuan.

Tahimik akong nagdasal habang nakaluhod at pagkatapos ay umupo nang muli. Hindi ako magkaintindihan sa tayo ng upo ko. Pinagmamasdan ko kasi 'yung lalaking nakita ko kanina at nakita kong doon siya nakaupo sa may parteng unahan, mga limang upuan ang layo sa amin.

Bigla naman akong nagulat sa pagkulbit sa akin ni Ate Kayla at bumulong. "Huy! Sino ba tinitignan mo? Kanina ka pang hindi mapakali sa pwesto mo. Para kang kiti-kiti!"

"H-huh?"

Bigla naman kaming sinuway ni Mama. Ate Kayla shook her head and sighed. Napabuntong hininga na lamang din ako. Nagsalita nang muli ang pari. 

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo,"

"Amen."

Nagpalakpakan na ang mga tao. Inintay muna naming matapos ang kanta bago tuluyang umalis ng simbahan. Habang nakikisabay kami sa kanta ay hindi ko na naiwasang mapatingin muli sa lalaking iyon kanina. 

Mukhang kasama niya yata ang kaniyang ina sa pagsisimba doon. Nakikita kong mabuti siyang tao at maalaga siyang anak. Napangiti naman ako at hindi namamalayang kita at pansin pala ako ng buong pamilya ko. 

"Why are you smiling, Kaylee?" tanong ni Kuya. Doon lamang ako natauhan.

"You're smiling like you're in love with someone," sabi ni Mama. "Parang nakita mo na 'yong the one mo ah."

"P-po?" gulat kong sagot. "Hindi naman po sa g-ganoon... masaya lang po ako na nakasimba po ulit tayo dito."

"Is that so?" sabi ni Papa. "Pwede naman tayong sumimba dito tuwing Linggo, if that will make you happy."

"Talaga po?" excited kong tanong. "Pabor po iyon sa akin, Papa!"

Pagkatapos na pagkatapos ng misa ay dumeretso na kami sa pag-uwi sa Batangas. May pasok na rin kasi bukas at kailangan na naming makauwi nang maaga para makapag pahinga at hindi kami pagod na papasok sa school. 

6:30 PM na rin kami nakarating sa bahay sa Lipa at nagpahinga na. Ako naman, dumeretso na sa kwarto ko para magpahinga. 

Habang nakahiga, bigla namang nag-notif ang cellphone ko.

@mjramirez_ accepted your follow request.

@mjramirez_ has requested to follow you.

Syempre, ni-stalk ko muna siya. Meron siyang 32 posts sa feed niya. Nakita ko na meron siyang certificate na pinost doon. 

Malcolm Jonathan C. Ramirez.

Iyon ang pangalan niya.

Nagbrowse ako ng pictures niya at puro mga sapatos ang mga pino-post niya sa social media accounts niya. Pero may nakita akong pic niya, kaisa isang pic na solo siya. He's familiar to me.

At ilang segundo ang lumipas, at napagtanto kong... 

Siya ang nakita ko sa simbahan kanina.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon