Ang bilis ng oras dahil bukas na bukas lamang ay magbubukas nang muli ang pasukan. I'm already on my senior high school life, and I guess I'm excited.
Si MJ naman ay 2nd year na ngayon. Isang buwan na ang kaniyang panliligaw sa akin at consistent pa rin siya sa mga galawan niya sa akin.
"Your Papa and I have talked about this," sabi ni Mama habang kumakain kami ng hapunan. My eyebrows furrowed. Pati sina Kuya at Ate Kayla ay napatigil rin sa pagkain at nakikinig na ngayon sa sasabihin ni Mama.
"About what?" tanong ni Kuya.
"Gusto ko sanang pagkagraduate ni Kayla ay lilipad na tayo papunta sa States."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Mama. Few thoughts came up on my mind as she said that.
Ibig sabihin... pati ako ay kasama?
Paano na ang pag-aaral ko rito?
At higit sa lahat...
Paano na si MJ?
"Including me?" tanong ko. Tumango naman si Mama at sumubo ng isang gilit ng steak.
"Yup. I want you to pursue whatever course you want there," aniya. "Mas makakampante ako kung naroroon tayong lahat."
"But Ma, I want to study here! Ayoko ng adjustments," tutol ko. "Besides, naririto ang mga kaibigan ko! I can't just leave them like that!"
Mama sighed and shook her head. "Mas gugustuhin kong sama-sama tayong lahat doon."
"Don't worry," sabi ni Papa. "Napag-isip isip lang naman namin 'yon. Hindi pa naman iyon final kaya maaring matuloy... at maaari rin namang hindi."
Mama nodded. "Your Papa's right. If we see that you've been good here, then we can just go to States after Kaylee's graduation. Pagkatapos na lang ng college."
Para naman akong guminhawa ang paghinga sa narinig. At least... idea pa lang naman nila iyon. Pwedeng hindi mangyari.
Sina Ate Kayla naman ay tumatango-tango lamang sa sinabi ni Mama at Papa. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpatuloy na lamang kami sa pagkain.
Kinabukasan naman, medyo naninibago na ako sa pagpasok sa eskwelahan. Kung noon ay kumpleto pa kaming papasok sa loob ng classroom, ngayon ay may kaniya kaniya na kaming papasukang university.
Nakakalungkot lamang isipin na sa aming magkakaibigan, kami lang ni Ali ang matibay na sa La Salle pa rin nag Senior High. Si Aez ay nasa Adamson na, samantalang si Megan naman ay biglaang lumipat ng UST.
"Ano ka ba naman girl, pwede naman tayong magbonding every weekend!" Aez said. "Don't worry, since same building lang naman kami ni Pogi, ako na ang magbabantay sa kaniya."
I chuckled. "You don't have to. You just focus on your studies there, okay?"
Tumawa naman si Aez sa telepono. "Hayaan mo na, I insist. Malay mo, makahanap pa ako roon ng Mr. Right ko hindi ba?"
"Sige na, let's bond soon, mags-start na kami sa homeroom," sabi ko.
"Okay, bye!" then he hung up the phone. Itinago ko naman na ang aking cellphone at naghanda para sa unang pagkikita namin ng prof namin.
Ang section na napuntahan ko ay hindi na bago para sa akin dahil halos lahat naman ng aking mga kaklase ngayon ay mga kakilala ko na. Meron nga lang dalawang transferees, at mukha namang mababait sila.
"Good morning S11-01," sabi ng prof namin. "I'm Ms. Rhenalyn Tenorio, and I will be your adviser for this S.Y. and upcoming school year. I'm sure all of you are aware that block section ang mangyayari sa inyo."
BINABASA MO ANG
Still Into You
JugendliteraturOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...