ika-16

43 9 0
                                    

"Huy gising na, Kaylee Averine!" agang-aga, ang taas at ang lakas ng boses ni Ate Kayla. Nairita ako at antok na antok pa kaya naman nagtaklob ako ng kumot pati sa ulo.

"Huy," inuuga na niya ako ngayon. "May flight pa sina Mama at Papa mamayang 10 am! Anong oras na? 8:30 am na!"

"H-Ha?!" bigla naman akong nagising sa sinabi. 6 am dapat ako gigising para makapag ayos ng sarili pero nabigo ako!

Dali-dali naman akong nagtingin ng susuotin sa pagpunta ng airport ngayon. Ngayon na rin ang pagkikita namin ni MJ at kailangan ko pa pala siyang imessage kung saan kami magkikita.

Dahil wala na akong malayang oras para pumili, napagdesisyunan ko na lamang na mag maong na jumper dress at plain t-shirt na black bilang pansuson dito. Ipinares ko naman dito ang converse kong puti.

Naligo ako nang mabilis at bumaba na. Dahil 10 am ang flight nina Mama at Papa, kailangan na naming bumilis. Sana hindi traffic.

"Ano ba't tanghali ka nang gumising, Kaylee Averine?!" Mama's voice thundered.

"I'm sorry Ma, I was just so tired that I overslept," paliwanag ko. Mama shook her head and sighed.

"Lyn, don't be too harsh on her," kalmadong sinabi ni Papa sa kaniya. "Aabot tayo doon," at bumaling siya sa akin. "Sige na anak, kumain na tayo."

Tumango naman ako at kumain na. Medyo basa basa pa ang buhok ko pero matutuyo din iyon. Pagkatapos naman kumain ay hinayaan na lamang na ang kasambahay namin ang maglinis dahil medyo tanghali na nga kami at sa Batangas pa kami magmumula.

Kinuha ko naman ang bag at cellphone ko sa taas. Wala pang message si MJ sa akin kaya inunahan ko na.

Ako:
   Good morning. Mga 11 am, sa Mckinley hill. 'Yung Venice Grand Canal.

MJ:
   Oki. Ingat!

Mabuti naman at mabilis magpatakbo si Kuya at hindi kami tinanghali ng pagdating sa Airport. Hindi naman kami gasinong na-traffic, at madiskarte lang talaga magmaneho si Kuya.

Bago umalis, ang daming paalala ni Mama.

"Don't do anything stupid, okay?" striktong sinabi sa'ming magkakapatid ni Mama. Tumango naman kami.

Nagbesohan muna kami bago tuluyang magcheck in sina Mama sa airport. Sa terminal 3 kasi ang pinuntahan namin kaya kumain muna kami sa Subway bago tuluyang bumalik sa condo.

Hindi na rin kami nag tagal at bumalik na rin pagkatapos kumain. Nang pabalik na, nagpadaan muna ako kay Kuya Kean sa Taguig.

"Kuya, ibaba mo na lang ako dyan sa tabi," sabi ko. "Magc-commute na lang ako. May pupuntahan pa ako eh."

Kuya Kean's eyebrows furrowed. "Why commute when I can drive you instead. Saan ba?"

"S-Sa... Taguig."

"What are going to do there?" nagtatakang tanong ni Ate. Nakabaling ang buong atensyon niya sa akin ngayon. Bigla naman akong kinabahan at hindi alam ang sasabihin.

"Ah... diba sabi ko magt-tingin ako ng bag?" palusot ko.

Tumango naman si Ate. "Yup, nabanggit mo nga nung isang araw. Pero bakit sa Taguig? Ang lapit lang ng Greenbelt sa condo natin, ah?"

"Eh gusto ko do'n bumili eh," sabi ko.

"We're coming with you-"

"H-Ha?" naiirita kong tanong. "H-Hindi na! I'm with a friend. From elementary. Taga Taguig na kasi siya ngayon, eh mas mage-enjoy kaming maggala kung kami lang," I said then laughed awkwardly.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon