ika-31

36 7 0
                                    

Alas sais pa lamang ng umaga ay nagising na kaagad ako. Pagkababa ko naman ay naroroon na kaagad si MJ sa labas. Nakita ko namang may kausap siya sa telepono. Girlfriend na naman niya siguro.

Sa pagkakaalam ko naman, noong mga panahong ako pa ang girlfriend niya, hindi naman ako ganoong ka clingy. Hindi tulad nung girlfriend niya ngayon. Akala mo'y ikamamatay kung hindi matatawagan ng syota.

Napatitig naman ako sa kaniya. He hasn't changed at all. He's still the same person I know. Yun nga lang, malamig na ang pakikitungo niya sa akin simula noong nangyari ang paghihiwalay namin.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nagsimula naman na akong maghanda ng almusal para sa aming dalawa. Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Manang Henya sa tabi ko.

"Ako na riyan," sabi ni Manang Henya. Umiling naman ako at ngumiti.

"Hayaan nyo na po," sabi ko. "Ako naman po muna ang magpapaanyo sa sarili ko."

Tumawa naman nang bahagya si Manang Henya at napatingin sa labas. "Ang tibay niyo ring mag-nobyo't nobya ah. Biruin mo, lampas anim na taon rin!"

I chuckled and shook my head. "Manang, hindi naman po kami."

Manang Henya's eyebrows furrowed. "H-Huh? Eh bakit siya pumunta rito noon, kung ganoon?"

"Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo," naguguluhan kong sinabi. "Anim na taon na po ang nakalipas at bago pa po kami pumunta ng States ay nagkahiwalay na po kami."

Umiiling-iling naman si Manang Henya sa sinabi ko. "Hindi, Hija. Pabalik balik siya rito noong mga apat na taon ang nakakalipas. Parati ka niyang tinatanong at taon-taon naman ay bumabalik rito at may mga regalo pang ipinapabigay sa iyo."

"Sa katunayan nga niyan ay itinatawag ko iyon sa iyong ina," sabi pa niya. Wala nga akong naririnig o nakakarating man lamang na balitang may ginawa pala si MJ na ganoon. Tumatango-tango naman ako sa sinabi.

"Iniutos niya pa sa akin na itapon ko na raw ang anumang ibibigay niya sa'yo," patuloy pa niya. "Pero inipon ko iyong lahat at laking tuwa ko nang umuwi ka rito sa Pilipinas. Nasa kwarto mo lamang ang mga iyon at hindi ko na ginalaw pa."

Napaisip naman ako roon. Saan kaya naroroon ang mga ibinigay niya sa akin? At ano-ano naman ang mga iyon?

"Nagulat na lamang ako nang bigla siyang hindi na pumupunta rito," nalungkot naman ang ekspresyon niya. "Naisip kong... baka may bago na siyang napupusyan."

Bigla namang naputol ang aming usapan nang pumasok si MJ sa loob ng bahay. Hindi naman ako magkanda-ugaga sa aking mga ginagawa.

"Mauna na po ako," sabi niya. "Okay na ang sasakyan ko. Kailangan ko nang lumuwas ng Maynila dahil may trabaho pa ako."

"Have a breakfast first," sabi ko. "Baka sikmurain ka pa habang nagd-drive. Mahirap na."

Umiling naman siya at bigla namang sumabat si Manang Henya.

"Hijo, kumain ka na muna," aniya. "Sayang naman ang niluto ni Kaylee na almusal kung hindi ka rin naman kakain."

Napatingin naman sa akin si MJ at umiwas ako ng tingin. Umiling na lamang ako.

"Hindi okay lang, kung hindi mo gusto--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumapit na siya at ikinabit ang kaniyang susi ng sasakyan sa kaniyang pantalon.

Naestatwa naman ako sa ginawa at saka naglabas ng plato. Inilapag ko naman ito sa lamesa at aakma sana siyang tulungan ako.

"Just sit there," I said. "I got this."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon