Let them love you because you are you, not the jolly you, the clingy you, the concern you, and the happy you, but the true you -- the moody, stubborn, cantankerous, and the worst you!
But please hindi naman sa lahat ng oras ikaw lang ang iintindihin dahil sa totoong ikaw, matuto ka ring umintindi ha? Okay?
Kha-el's POV
July 26, 2024. Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa ako because I was one of the witnesses earlier sa wedding nila ate Fionna or malulungkot coz 1st anniversary namin ng girlfriend ko, but yeah I am here sa Laguna, because hindi ako pwedeng sumuway kay dad kasi nga daddy ko sya and no one will try to disobey him.
Last week pa akong nag-eexplain kay Arha na di ako pwedeng humindi kay dad. Pumayag naman sya pero alam kong nagtatampo yun. Sabi ko naman sa kanya na babawi ako bukas, kasi uuwi ako after this reception. Nagpakuha nako ng ticket sa ferry to Mindoro kanina kasi uuwi talaga ako. At --- "Bro, next week pa raw tayo uuwi ng Mindoro sabi ni Dad. Kasi may trip pa raw tayo with Joaquin's and Hernandez' family." biglang sulpot ni Philip sa likod ko.
"WHAT?? NO!" gulat na sabi ko. Hindi pwede to, kailangan kong umuwi ng Mindoro. Malapit na ulit ang pasokan kaya babalik na ng Manila si Arha para mag-aral.
"At sabi di--" pinutol ko na ang sinabi nya kasi kailangan kong makausap si Dad, ngayon na!
"Where's Dad??" agrisibo kong tanong sa kanya.
"Nasa loob."
Hindi pwede to! Hindi! Kailangan kong makauwi!
Agad akong pumunta kina Dad sa loob. Actually nasa isang resort kasi kami dito sa Laguna. Dito muna kami magsestay, but not for a week. NO WAY!
"Da--" agad akong sinenyasan ni daddy na manahimik lang muna kasi may kausap pa sya.
Nag-antay ako ng ilang minuto. Nainip ako. Ang tagal naman nila mag-usap. Pumunta ako sa veranda para magpahangin muna, at para na rin makapag-isip ng magandang dahilan ubang pauwiin ako ni dad sa Mindoro. Pagdating ko roon, nandoon yung babae kanina. Nakatambay din sya. Nagpapahangin ata. Sumandal ako sa kabilang side para naman hindi ko maisturbo yung babae. Ang ganda ng tanawin, kitang-kita yung pool. Ang sarap din ng hangin dito, mapapaisip ka talaga ng mga bagay-bagay.
Pumikit ako, pinakiramdaman ko yung buong paligid. Naka-isip ako kung ano ang idadahilan. "Tama!" sabay dilat.
Fudge! Anong ginagawa nito sa tabi ko? Kanina pa ba tong babaeng to? What the fvck! Ba't ang weird nya makatingin? Bakit nya ko tinitignan? Fudge this!
"Hoy." takang sabi ko sa kanya pero wala syang imik.
Hindi ka iimik? Pwes "Hoy" sabay pitik sa noo nya.
Agad syang bumalik sa ulirat, "Ouch! Ano ba?" arteng tanong nya.
Inayos ko ang kwelyo ko at, "UGLY!" tinitigan ko sya na sobrang nandidiring titig sabay nagwalk-out.
"Hoy!" pagsisigaw nya sa likod pero hindi ko sya pinakinggan.
"Hoy pvtangina ka!" ulit nyang tawag, pero this time napahinto ako.
Umigting ang panga ko sa sinabi nya. Lumingon ako at binigyan sya ng blangkong tingin. "What did you say?" malamig kong tanong.
Iniangat nya ang kilay nya at, "Ang gwapo-gwapo sana ang bingi naman."
Fudge ano ba tong babaeng to?
"What! May kailangan ka sa akin?" inis kong tanong sa kanya. Nakakainis ka talagang babae ka, kahit kailan.
Agad syang tumawa at, "Wala" sabay irap.
"Okay fine." umalis na ako. Nakakawalang gana makipak-usap sa mga ganoong tao.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...