CHAPTER 16

33 3 0
                                    


Silence is neither yes nor no. Sometimes it is wala akong alam, hindi ko alam ang sagot, wag mo 'kong pakialaman, ayokong kausap ka, galit ako sa'yo, gutom ako, kailangan kong mapag-isa or putangina ka. Erase that "silence means yes" concept, makiramdam ka. Okay?

Cara's POV

"Cara Engineering week na next week ano ipapascreen ko na ba kayo ni Dion para sa magrerepresent ng PICE?" tanong nitong si Shaira. Nandito na naman kami ngayon sa palagi naming tinatambayan na shed.

"Ayoko, hindi ako interesado." habang patuloy akong nag-iisip kung paano ko sasagotan 'tong activity namin sa Fundamentals of Surveying, daldal naman nang daldal itong si Shaira.

"E ikaw Dion? Balita ko kasali ang mga pangalan nyo ni Cara sa pinagpipilian ng PICE Officers para sa ipapascreen." tanong na naman nitong si Shaira.

Si Shaira ang raketera sa barkada. Kahit naman mayaman 'tong babaeng 'to e rumaraket pa kasi nga gusto raw mag-ipon, ayaw nya daw umasa sa yaman ng parents nya. Ilang pageant na ata ang nasalihan ng babaeng 'to, pano ba kasi e kumikita at masaya raw sya sa mga ginagawa nya. Minsan nga umaabsent ang gaga sa iilang course nya dahil may raket sya. Kaya ito ngayon, aligaga sa darating na Engineering week, gusto ata kaming damayin sa mga papageant-pageant nya. Last year sya kasi ang nanalo bilang Ms. Engineer. Taray di pa nga nakakapasa ng board Ms. Engineer na haha.

"I'm not interested in pageantry Ms. Quinata." si Dion na panay basa rin sa libro namin sa Surveying.

"Alam mo bro palagi ka nalang Ms. at Mr. sa amin. Pwede namang Ken, Shaira at Windy diba? Bakit si Cara hindi Ms. Hernandez? " sabay tapik ni Ken sa kanya.

"Herandez is too long Mr. Zamora."

"Tsk. Pa'nong mahaba e pareho lang namang 3 syllables yung Hernandez, Quinata, Zamora at Veraño?" reklamo na naman nitong si Ken. Haha ang ingay-ingay talaga nitong mga taong 'to.

"Count the letters." nagulohan si Ken sa sagot ni Dion kaya natawa kaming tatlo.

"Magbilang ka raw Kendrick hahahaha." sabat ni Windy.

"Gaga!"

"Oh Dion, Hi." arteng bati ng ex-girlfriend nya kasama ang mga alipores nyang hindi naman masyadong kagandahan.

Hindi lumingon si Dion o umimik man lang.

"Ikaw?" sabay turo ni Amanda sa akin.

"Bakit?" ayoko ko sanang sumagot pero nagmumukha naman akong bastos kung gano'n.

"Stay away from my Dion, nagmumukha kang higad kakabuntot sa kanya! Ano yan, kating-kati lang Cassandra?" habang tinataasan nya 'ko ng isang kilay.

Pvtanginang babaeng 'to!

Tumayo si Windy, hindi na ata nakapagpigil. "Ikawng babae ka, you know what, matalino ka naman diba? Top 1 ka nga sa entrance exam e, kaso talo ka ni Cara at Dion ngayon. Pero parang ang bobo mo naman para hindi maintindihang ayaw na ni Dion sa'yo! Ano yan, uhaw na uhaw sa pagmamahal, ganoon?"

"Shut u-"

"You shut up Ysabell!" tumayo si Dion at hinarap si Amanda

"Why can't you understand that I don't fucking love you anymore? And I will never be in love with you again! Stop playing like you're the victim here! You were the one who cheated right!?" hindi naman kami aware na ganito pala kasakit magsalita si Dion kahit paenglish-english kaya ayon nagwalk-out si Amanda kasama ang mga alipores nya.

Bumaling silang lahat sa akin. "Okay ka lang Cara." tanong ni Windy.

"Yeah I'm fine."

Pumasok na kami ni Dion sa Static of Rigid Bodies naghiwa-hiwalay muna kami kasi kami lang sa barkada ang magkaklase sa course na 'to.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon