CHAPTER 4

37 3 0
                                    

Choose yourself, but not to the point na magiging selfish ka. Choose yourself, but not to the point na may sasaktan ka. Choose yourself, but not to the point na may natatapakan ka na. And choose yourself, kung alam mong nararapat at tama. Okay?

Kha-el's POV

Naghahanap ako ng signal nagbabakasakaling makokontak ko na si Arha, but walang signal. What I only saw is Cassandra or Joy or Cara (duh what ever kung ano man pangalan nya I don't care) na di pa pumapasok sa church. She seems like may kausap sya. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid pero wala namang tao. Ang weird nya. Ang pangit pa nya. Ops.

Pinagmasdan ko talaga sya kung gaano sya katanga. Papasok na ata sya.

Para talagang tanga! Nakakainis talaga sya!

Naglakad na rin ako, baka sabihin nyang sinusundan ko sya. No way. Not her no. Not the girl who destroy my relationship with Arha.

"Po?" biglang salita nya.

Nilingon ko ulit sya. Lumabas ulit sya ng simbahan at takang taka sa kausap nyang wala naman. Wala talaga akong nakikitang ni isang tao sa gawi nya.

Nababaliw na ata tong babaeng to.

Biglang syang lumingon sa akin at hindi ko nalang inilipat yung paningin ko sa kahit saan baka sabihin nyang affected ako sa paglingon nya.

"Tanga ka?" tinignan ko lang sya at naglakad na ako papalayo sa kanya

Wala na akong ibang masabi so bahala na sya. E para naman talagang timang eh! Imagine nagsasalita mag-isa? May saltik ata sa utak yung babaeng yun.

Habang papalapit ako sa altar nakakamangha ito. Pinagmasdan ko ito ng maigi. Ang ganda nya. Sobra!

Sobrang pangit.....

Fudge! Ano ba 'tong babaeng to, kung saan-saan lang sumusulpot? "Hoy tumabi ka nga dyan."

Tumingin sya at nagsmirk. "Bakit?"

"Umusog ka kaunti, nakatatabunan ng kapangitan mo ang kagandahan ng atlar oh!" sinadya ko talagang inisin sya.

"Paki ko ba?" sabay irap

Wow! Sige lang, may hangganan din yang kademonyita mo.

Gusto ko 'tong simbahan na 'to. Makaluma pero ang ganda pa rin. Napakasarap sa feeling kung dito kami ikakasal ni Arha, soon. Magtatapos muna ako ng Engineering at mag-iipon tyaka ko sya papakasalan. Sa mismong simbahan na ito. Pangako ko 'yan sa sarili ko.

"Oh hali na kayong dalawa." biglang sulpot ni Tito Mike sa may kabilang side ng simbahan.

"Alam nyo bagay kayong dalawa. Ang ganda at ang pogi. Nababagay kayo sa altar na 'to." sabay hirit ni ate Fionna.

Shit! Biglang uminit yung tainga ko. "What the F ate Fionnaaaa! No way! Not her!"

Humalakhak lang si Cara. What the fuck. She looks like a wicked witch.

Pvta dumagdag pa "May nakakatawa Cara?" sarkastikong tanong ko sa kanya

"Bagay daw tayo? Eh ang pangit mo." sabay tawang malakas at lakad papalayo

Sinong pangit? Sa gwapo kong 'to matatawag mo pa kong pangit? Wow lakas ng loob talaga eh no!

"Oh bakit namumula yang tainga mo Kha-el?" paghihirit uli ni ate Fionna

"Oh tama na yan Hija, may girlfriend na yang si Kha-el." hay salamat naman at niligtas ako ni Dad sa kahihiyan.

"Yes naman, invited ka sa kasal namin ni Arha ate ha." sabay ngiting tagumpay

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon