CHAPTER 3

43 3 0
                                    

Love the person who wants to be with you. Pahalagahan mo yung tao, bago pa maging bato. Okay?

Kha-el's POV

I can't contact Arha anymore. Blocked nako sa lahat ng social media nya. Hindi ko na alam kung anong gagawin, di ko sya matawagan. Pagtinitext ko naman ayaw magreply. Talaga bang ganyang kayong mga babae? Hirap nyo naman paamohin.

In a relationship you should listen also sa side ng partner mo, kasi di naman lahat ng interpretasyon mo tama eh. Dapat marunong ka ring makinig bago manghusga o magdesisyon.

"Kuya mag-ayos ka na raw, kasi parating na ang mga Hernandez. Sila raw ang magsusundo sa atin dito." agad na namang sumulpot si Philip sa likod ko.

By the way, we are still here sa resort na ginanapan sa reception last night. Nandito rin ang mga Joaquin. Kasi nga taga Mindoro kami at binooked naman ata to ng mga Joaquin, at ang kilala lang ng family ko dito sa Laguna ay yung mga Hernandez. Not actually kilala, but ganon na rin. Friends na Daddy ko at nong Daddy ng asawa ni ate Fionna.

"Sige later bababa na ako." walang ganang sagot ko sa kanya

Nag-ayos na ako, but I am still not in the mood to go kung saan man kami pupunta ngayon. Imagine magpapakasaya ako knowing na nawalan ako ng girlfriend, nawala yung pinakamamahal kong tao. Pero wala akong choice kasi hindi ako maka-hindi kay Daddy. Wala talaga akong gana. Dahil lang sa pvtanginang babaeng yun, naghiwalay kami. Sayang yung 1 year eh, sayang lahat ng pinagsamahan at plano namin para sa future. Sayang talaga.

"Kha-el!" nagulat ako ng biglang si Dad na ang tumawag sa akin. Agad akong sumagot "Dad?"

"Ano ba! Hindi ka pa ba tapos dyan?" naiinip nyang tanong.

Agad kong binitbit ang mga gamit ko at, "Sorry po dad. Eto na po."

Isang bag lang dala ko. Wala naman kasi akong maraming gamit hindi katulad ni Philip. Clothes, money, phone, headphone, powerbank, charger, at personal kit (nakapaloob na rito yung toothbrush at iba pang pang hygiene) lang naman ang gamit ko. At kaninang umaga nagshopping pala sina Daddy at Philip, kasi nga wala kaming ni isang damit na dala, di kasi namin to inexpect na aabot pala kami ng isang linggo dito. Pagbaba namin ready na ang lahat. Dalawang sasakyang ang nasa harapan namin, isang auto at van. Nasa auto ang mga Joaquin kasama ang asawa ni ate Fionna, while kami dito kami sa Van. Nasa unahan si Daddy katabi ng driver (which is yung daddy ng asawa ni ate Fionna). At nandito sa pangalawang upuan ang asawa nya na nasa may bandang bintana at yung pvtanginang babaeng pangit, at dito raw kami uupo ni Philip kasama sila. Kasi sa may likod is yung mga gamit naming lahat.

"Kuya sa may bintana ako ha." sabi ni Philip.

Biglang tumaas ang kilay ko.

What? No way! Ayokong katabi 'tong pangit na 'to. Ayokong katabi ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Arha. Ayokoooo!

"No." Agad kong sambit kasi ayoko talaga.

"Sige ka susukahan kita." sabay tawa

"What?" tinitigan ko sya.

Kung minamalas ka nga naman. Pero sige pagbibigyan kita, basta siguradohin mong sa pag-uwi ako na ang malapit sa bintaha Philip. Siguradohin mo lang!

Tumingin si Dad sa amit at nagsalita "Ano ba kayo? 'Di na kayo nahiya! Pinahihintay nyo yung mga tao rito!"

Shit! Galit na si Dad. Walang kaming magawa.

Sumakay nalang ako. Nagheadphone upang maiwasan ko 'tong fvcking ugly na 'to. I tried to open Arha's account, but nagfailed. Nagchange pass na sya. Wala na talaga.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon