CHAPTER 45

27 3 0
                                    

Sa sobrang mapaglaro ng tadhana hindi mo na alam kung saan ka maniniwala.

Kha-el's POV

Nasa Cebu kami ngayon at 2 am palang gumising na ako kasi mamayang 4am ang flight namin ni Arha pabalik ng Laguna. Aattend kami sa kasal ni Cara at Dion.

"Love natulog ka ba?" I asked Arha kasi nasa kusina na sya, nagluluto.

Hindi sya umimik.

"Ang focused mo naman dyan." sabi ko.

Nginitian nya ako bago nya ilapag ang bacon and egg sa mesa.

"Kumain ka muna, may sasabihin ako sayo mamaya." sabi nya.

"Hindi mo ako sasabayan love?" tanong ko.

"Tapos na ako, kanina pa."

Ngumiti sya ulit at pumuntang kwarto.

Eksaktong patapos na akong kumain nang lumabas sya.

Ngumiti sya ulit sa akin.

"Stop that love. Naweweirdohan na ako sayo." sabi ko sa kanya.

Kinuha nya ang phone nya sa bulsa nya. She handed it to me.

"Anong gagawin ko dyan love?" takang tanong ko.

"Click the play button." at ngumiti sya.

Clinick ko ang video.

🎶 I swear to God, when I come home
I'm gonna hold you so close
I swear to God, when I come home, I'll never let go. 🎶

It was me and Joy, dancing. We were talking and laughing. Ewan ko hindi rinig sa video ang pinag-uusapan namin.

🎶 And I need you to know
That we're falling so fast
We're falling like the stars, falling in love
And I'm not scared to say those words
With you I'm safe, we're falling like the stars
We're falling in love 🎶

"Tignan mo ang dalawa mukhang magkakadevelopan." isang boses ang narinig ko.

Palagay ko kay Philip 'yon.

"Bagay talaga sila." may isang babaeng boses din ang narinig ko pero hindi kita sa video kung sino ang nagsasalita kasi nakafocus ang video saming dalawa ni Joy.

🎶 I swear to God, every day
He won't take you away
'Cause without you, babe, I lose my way

Oh, I'm in love, oh, I'm in love, oh, I'm in love
Oh, I'm in love, oh, I'm in love, oh, I'm in love (Falling like the stars) 🎶

"That was your birthday 3 years ago. Birthday nyo ni Cara rather." sabi ni Arha at ngumiti ulit.

Kita sa video na tumango ako. Tinawag ko si Joy, pero bumukas ang pinto.

Nakita ko si Arha, kasama ang isang lalaki.

"Arha?" takang tanong ko sa video.

"Kilala mo sya babe?" takang tanong no'ng lalaki na kasama ni Arha sa video.

"Oo kilala nya ako! Diba Patricia Arha Torres?" sagot ko.

Alam kong galit ako nito kasi sa tono palang ng pananalita.

"Kaya ka pala nakipaghiwalay sa isang pagkakamali ko lang kasi totoo pala ang mga kumakalat! Pinagtakpan pa naman kita!" dagdag ko pa.

"Kumakalat what? Ano to babe?" tanong ulit no'ng lalaki, mukhang nagugulohan sya.

"Love bakit di mo sabihin sa lalaki mo ang totoo?" sabi ko sa video.

"What? Anong love ang sinasabi mo? Matagal na kaming magjowa okay! Teka nga, sino ka ba?" tumaas na rin ang boses ng lalaki sa video.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon