CHAPTER 8

35 3 0
                                    

Don't imprison yourself sa mga bagay na nagpapalungkot sayo. Hindi lang dyang umiikot ang mundo mo. Matuto kang bumitaw. Okay?

Philip's POV

April 28, 2024. Tanghali na nang magising ako. Si kuya ayon bagsak pa rin. Naglasing ata kagabi. Baka si Arha na naman ang dahilan. Alam kong matagal na syang niloloko ng Arhang yan pero hindi ko masabi-sabi sa kanya kasi alam kong masasaktan sya. Syempre ayokong masaktan ang kuya ko. Kaya nga ayaw ko na silang magbalikan eh, kaso nga lang ang rupok ng kuya ko. First girlfriend nya yun. Kaya siguro ganon.

Pumasok si Tita Vida sa kwarto. "Oy Philip bumangon na kayo dyan at pupunta tayo ngayon sa Alaminos."

"Ha bakit po Tita?" bigla akong naexcite sa sinabi ni Tita.

"Pupuntahan natin yung Hundred Islands." masayang anunsyo ni Tita.

"Talaga ba Tita. Sige po." abot tainga na ang ngiti ko

Wahh more pictures to capture.

"Kuya, bangon na raw pupunta tayong Hundred Islands." masaya kong banggit sa kanya.

"Ayoko sumama ang sakit ng ulo ko." sino ba namang hindi magkakaganyan, eh naglalalasing ka kagabi?

"Ayan, sige maglasing ka pa. Dahil na naman ba yan sa Arhang yun? Sos ewan ko talaga sayo kuya ha." bigla syang napabangon sa sinabi ko.

"Wait? Lasing ako kagabi?" takang tanong nya.

"Oo, bigla lang nawala sa bar eh. Akala nga namin ni Dad nandito kana, kaso wala ka pa nong umakyat kami rito at matulog." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Talaga ba? I thought it was just a dream" tanong nya ulit.

"Talagang-talaga. At ano yang dream dream na yan? Teka nga nasaan ka ba kagabi ha?" tanong ko sa kanya.

Humikab sya at, "Ang alam ko lang pumunta akong dalampasigan."

"Tapos?" tignan natin kung di mo maaalala.

"Nagpakalunod ako sa alak don, tas may lumapit sakin. Magkapareho kami ng birthday. Tapos nagkwentohan kami, tas tinawag ko syang Joy. Tapos babatukan nya sana ako, pero natumba kami, tapos..." bigla nyang pinutol ang pagsasalaysay nya.

"Tapos?" pangungulit ko uli.

"Nakalimutan ko na eh. Bumalik na ata ako rito pagkatapos non." palusot nya.

"Talaga ba?" pagkaklaro ko sabay smirk

"Aba'y ewan ko! Tumabi ka nga dyan." oyyy nairita na haha.

Halatang umiiwas ang gago. Hmmm sino kayang Joy ng sinasabi nya? Di kaya si Cassandra Joy? Hahahaha.

Dumiritso syang CR. Pagkatapos non naligo na rin sya. Bumaba na kami para magtanghalian. Hindi pa sila nagsisimulang kumain, mukhang kami nalang ata ang hinihintay. Tumabi ako kay Cara.

"Cara?" pabulong kong tawag sa kanya

"Oh bakit?" pabulong din nyang tugon

"Nagkita ba kayo ni kuya sa dalampasigan kagabi?" tanong ko sa kanya.

Bigla syang nabilaokan sa kinain nya. "H-hha-a? Hin-d-di na-aman-n ba-bakit?" nauutal nyang tanong.

Hmmm alam na.

"Oh, bakit nauutal ka?" sabay ngiting nang-iinis

"H-haa ngumonguya ka-kasi a-ko." sige lang lumusot ka pa Cara.

"Ah ganon ba?" pagtatanong ko pa ulit sa kanya.

Tumayo sya "Oo. Sige tapos na ako may kukunin lang ako sa itaas."

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon