There are people who truly love you despite of your imperfections. Keep them, and don't let them go. Okay?Cara's POV
Bumalik na kami ng Laguna at agad na dumeritso ng Hospital. Wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari, ni hindi man lang namin nakita ang bestfriend ni Mommy. Akala ko sumuko na sila pero, "Alejandro Raphael." pag-iyak ni Mommy patungo sa hospital bed ni Kha-el.
What is she talking about? Oo nga si Alejandro Raphael nga naman si Kha-el, nachika na nya 'yan sa akin before e, pero napano 'to si Mommy? Weird.
"Cara what happened sa pagpunta nyo ng Cebu at nagkaganito si Mommy?" nagtatakang tanong ni kuya Cy.
"Mahaba-habang estorya kuya, but I don't know if what happened last night, yesterday we went to Mindoro, but ewan ko kung bakit bumalik kami agad dito at nagkaganyan na yan." I explained, wala naman talaga akong alam.
"Mom are you okay?" di na ako nakapagpigil.
Hindi nya ako pinakinggan, and si Dad? Ayon tahimik lang habang minamasdan si Mommy na panay kakaiyak.
"I am so sorry if ngayon ko lang nalaman Raphael, I am so sorry if hindi ko kayo nabisita man lang si Sabrina. I am so sorry if hindi ko agad nalaman ang totoo. I am so sorry for your loss Raphael. I am so sorry Sabrina." Iyak pa rin nga iyak si Mommy habang yakap-yakap nya si Kha-el.
Naweweirdohan na ako kay Mommy, swear. But why is she talking about Tita Sabrina?
Wait.
Don't tell me -!
Mali ba tong iniisip ko? Bakit may kung anong ideya ang pumasok sa isip ko? No wayyyy!
"Mom tell us what happened!" tyaka nya lang kami hinarap.
"Sya ang isa sa mga anak ni Sab." paninimula nya.
Agad nanlaki ang mata ko. Tama nga ang iniisip ko. Pero paano nangyari yon?
"Sab who?" tanong ni kuya Cy.
"Her bestfriend, Tita Sabrina." wala sa hwesyo kong sambit.
Agad nagulat sila ate Fionna at kuya. "So ibig sabihin si Kha-el ang -?"
"Impossible! Paano nangyari yon Mom?" tanong ni ate Fionna
At ikwinento ni Mommy na pinalayas si Tita Sab sa kanila sa Cebu, na kambal ang anak nya, pero pagdating sa Mindoro si Kha-el na lang ang dala nya, na naambush sila pagkasundo ni Tito Carlos sa kanila sa Mindoro, na yon ang dahilan kung bakit namatay ang Mommy ni Philip, si Tita Sab at ang totoong Kha-el, na si Kha-el ngayon ay anak talaga ni Tita Sab pero itinago ni Tito Carlos ang issue about sa ambush kaya pinalabas nyang anak nya si Alejandro Raphael, at yon si Kha-el ang taong ipinagkasundo sa akin.
I don't know what to feel sa mga nalalaman ko, kung ikakasaya ko ba dahil si Kha-el ang mapapangasawa ko, o kung ikakalungkot ko dahil sa sobrang tragic ng buhay nila?
Para yatang masyado silang pinaglalaruan ng tadhana, kaming lahat pala.
Nalaman ko nga na sya ang itinakda sa akin nila Mommy, ang tanong sya rin kaya ang itinakda sa akin ng tadhana?
Hindi ko maiwasang malungkot kasi hindi pa kami sigurado sa mangayayari kapag nagising na si Kha-el.
Tapos na ang Undas break at pumasok na ako ulit. Lunes kaya Computer-Aided Drafting ang nakaschedule sa akin ngayon. Nasa computer laboratory kami ngayon at buo kaming magbabarkada kasi magkaklase kami sa course na 'to.
"Hoy ba't ang tahimik mo naman ngayon Cassandra?" tanong ni Windy.
Hindi ako umimik.
"Yeah you look so bothered, why?" tanong ni Dion.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...