CHAPTER 1

107 6 12
                                    

If you want to be loved, there's no need for you to pretend. Just be yourself. If they will accept you even in your worst, keep them. If they'll not, pakisabihang isara ang pinto. Hindi mo kailangan ang mga taong ayaw sayo. Kaya wa'g mong ipagsiksikan ang sarili mo. Okay?

Cara's POV

July 26, 2024. Abala ang lahat sa paghahanda. At eto ako panay paganda. Aba syempre sino ba namang hindi magpapaganda eh first time ko atang maging bride's maid. Kasal ng Kuya ko.

(Hernandez and Joaquin Nuptials.)

Di ko kilala tong mga taong nakasulat dito sa invitation card. Sina ano lang, yung kuya ko, mama, papa at mga kamag-anak! Yung iba ewan ko ba, baka sa side ng mapapangasawa ng kuya ko. Actually guys hindi kami masyadong close nong magiging ate ko. Di ko lang gusto! Eh iisa lang kapatid ko eh, pano na ako pag wala si kuya? Pero duhhh may magagawa ba ako? Ganito naman talaga siguro eh. Maybe balang araw ako naman ikasal haha. Pero for sure magkakasundo rin kami.

Nasa entrance na kami ng simbahan, naghihintay nalang kailan mag-uumpisa.

"Kuya sino yun?" takang tanong ko kay kuya. Napaangat ang balikat nya, "hindi ko kilala Rai eh. Bakit?"

"ah wala lang"

(In fairness pogi sya, sayang di ko lang kilala.)

"eh ito kilala mo to? Yvan Philip David" tanong ko ulit kay kuya.

"Yan yung sinasabi ng ate Fionna mo na anak ng Governor nila doon sa Mindoro. Actually dalawa sila eh. Patingin nga ako.", pagpapaliwanag sa akin ni kuya Cyrill. Kinuha nya yung hawak-hawak kong invitation card. "Ito, itong Kha-el Zyonn David. Magkaibigan kasi raw daddy ng ate Fionna mo at ang Governor nila kaya ayon isinama ni Ate mo yung mga anak nya. Balita ko namatay raw yung mommy nila. Nasama ata sa ambush. Ewan ko ba--" naputol ang chikahan namin ni kuya kasi tinawag na sya ng organizer. Magsisimula na raw kaya hinanap ko agad yung magiging partner ko at kung saan ako pupwesto. Nakita kong wala pang kapartner si Pogi kaya nilapitan ko sya.

"P-philip?" sabay turo ko sa poging nilalang na nasa harapan ko.

Agad syang nagkamot at nagsmile "Ahh hihi oo, ikaw ba si Cassandra?" nahihiyang tanong nya.

"Yes-ss, actually k-kuya ko yang ikakasal." nauutal kong sagot. Sino ba naman kasing hindi masastar struck sa kanya? Eh ang pogi-pogi ni Philip my love.

Ang gwapo nya. Ang bango nya. Ang tangos ng ilong nya. Basta ang gwapo nyaaaaa. Lord thank youuu---

Tumunog na yung....


ALARM CLOCK KO!

Hay naku another bangungot na naman, pero in fairness this time magandang bangungot!

Naririnig ko nang sumisigaw si Mommy "Hoy Cara bumangon ka na dyan. Male-late na tayo sa kasal ng kuya mo! Mag ayos ka na dyan! Naku! Talagang malilintikan ka sakin 'pag na-late tayo!"

Naku! Bakit pa kasi naputol eh?

Agad akong bungaon of course excited ako eh. Makikita ko na si Philip my love hihi. Nag-ayos ako. Sinigurado kong maganda ako.

Natapos na ako at "Cara bumaba ka na dyan, at pupunta na tayo sa simbahan!" sigaw na namam ni Mommy mula sa baba.

Ang ganda ko! Sobrang ganda!

Agad akong bumaba. "Ano Mom? Maganda na ba anak nyo?" sabay ngisi.

"Bilisan mo dyang bata ka, magpapamale-up pa tayo!" hindi na nya ako pinansin at agad ng sumakay ng sasakyan.

Agad akong kumaripas ng lakad (lakad lang) papasok ng sasakyan,"eto na, eto na! Nagtatanong lang eh!"

"Nagtatanong, nagtatanong! Ang late na kaya!" tiger mood na ata haha. Umagang kay ganda, ang ganda pa ng anak, mababad mood? Naku naku very wrong.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon