If you are happy make sure hindi kasinungalingang saya. There's a big difference between sa masaya at nagpapanggap na masaya. Swear, masasaktan ka lang talaga. Makakaya mong lokohin ang mundo, pero hindi ang sarili mo! Okay?
Kha-el's POV
Nakarating na kami. It's already 5:15 pm ng makarating kaming Pangasinan ata to.
Malaki ang resort kaya for sure ang mahal-mahal nito. Napakaganda ng paligid, nakakarelieve ng stress.
Kumusta na kaya yung Arha ko? Miss ko na sya.
Pumasok na kami. Sobrang ganda ng mga desinyo sa loob. Puro mga kahoy ang makikita mo. Makalumang ideya pero sobrang napakasarap tirhan, malawak yung isang kwartong kinuha nila para sa amin. May dalawang king bed. Kasama namin sa kwartong to sina Tito Alfred at Tita Vida (parents ni ate Fionna). Tatlong kwartong kinuha nila, isa sa amin, kina ate Fionna at sa asawa nya, at sa mga Hernandez.
"El tara sa baba kakain na tayo." tawag sa akin ni Daddy.
"Wait lang dad. Mag-aayos muna ako ng mga gamit ko." sabi ko
Tumango si Dad at, "Sige basta bumaba ka na after that."
"Sige po." sagot ko.
Asan nga ba si Philip, bakit ako lang ang nag-aayos?
"Dad?" tawag ko sa kanya. Napahinto sya at lumingon sa akin. "Oh bakit?"
"Asaan po pala si Philip?" takang tanong ko sa kanya.
"Nasa baba na, may ginagawa ata sila ni Cara." sabi ni Daddy.
Hay naku Philip! "Ah ganon ba? Sige Dad susunod nalang ako." sagot ko sa kanya.
Bumaba na si Daddy at inaayos ko pa ang gamit dito kasi nakakahiya sa mga Joaquin.
Tsk. Inuuna pa ang paglalandi!
Padabog kong isinara ang pinto kasi naiinis akong kay...
Nakasalubong ko si Cara "Oh ba't ganyan ang mukha mo? Di bagay sayo!" tanong nya habang pababa na sya
"Pake mo?" naglakad na rin ako
Umangat ang isang kilay nya "Talaga ba? Hahahaha baba kana dyan Mr. KHA---EL Dyablo." sabay ngiti
What the fvck! Anong akala nya sa akin si satanas?
"Hoy sandale!" tawag ko sa kanya
Tumigil sya at lumingon.
"Ano na naman?" pang-iinis nyang tanong
"Saan ka ipinaglihi at sumusulpot ka lang kahit-saan? At tyaka ang pangit din ng ugali mo, kasing pangit ng pagmumukha mo!" sabi ko sabay tawa
Nagsmile lang sya sa akin sabay labas ng pintoan ng lobby.
Pvtaaaaaaaaa! Hindi man lang ako binanatan uli?
Sira na araw ko, ewan ko ba kasi, sa dami-raming babae sa mundo bakit ito pa ang na-iencounter ko araw-araw! Gusto ko syang mainis ng mainis sa akin.
Nagdinner na kami.
Philip's POV
Papasok na sana ako uli ng resort ng marinig kong nagbabangayan na naman si kuya at Cara. Feeling ko tuloy gusto nila ang isa't-isa.
Oo aaminin ko gusto ko si Cara. Gustong-gusto ko siya unang kita ko palang sa kanya. Masasabi kong iba sya sa lahat. Hindi sya yung tipo ng babae na pangmadalian lang. Sa dami-rami ng babae na nakarelasyon at na encounter ko sya lang yung babaeng gusto kong mapangasawa. Mabait sya, suplada nga lang minsan pero iba talaga sya sa lahat. Inaamin kong way ko tong pagigingclose sa kanya para makuha ang loob nya.
"Saan ka ipinaglihi at sumusulpot ka lang kahit-saan? At tyaka ang pangit din ng ugali mo, kasing pangit ng pagmumukha mo!" narinig kong sabi ni kuya sabay tawa ng malakas
Pero nasisense kong may gusto si kuya sa kanya. First time ko uli narinig tumawa si kuya. Alam ko yung tawang yun. Tawa yun ng tunay na kasiyahan. Sa simpleng pag-aasaran nila napatawa nya ulit si kuya. Never ko na kasi nakitang tumawa si kuya ng hindi fake mula nong...
----Flashback----
Nasa kusina ako at pupunta na sanang sala nang makita kong nag-uusap si Dad at si kuya. Umiiyak si kuya, hindi ko alam kung bakit. Gusto kong pumunta at makisali sa pinag-uusapan nila kaso baka pagalitan lang ako ni Daddy. Pinagmasdan ko lang silang dalawa, nananggit ni dad ang pagkamatay ni Mommy, pero after non hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila. Tanging hikbi lang ni kuya. Niyakap nya si Dad at panay banggit ng salitang salamat. Bakit kaya? Dumaan si ate Inday sa sala papuntang kusina.
"Oh nganong naa man ka dinhi Sir?" tanong ni inday
Oh bakit ka po nandito Sir?
Nakakaintindi ako ng bisaya pero hindi ako marunong.
"Shhh wag kang maingay ate Inday. By the way ate Inday alam mo bang pinag-uusapan nila Dad?" tanong ko. Niliitan ko lang ang boses ko baka marinig nila Dad.
"Ayyy wala man Sir. Niagi ra ko didto pero wala ko kadungog sa ilang giistoryahan." pagpapaliwanag ni Inday
Ayyy wala po Sir. Dumaan lang po ako doon pero hinhi ko po narining yung pinag-uusapan nila.
"Ahhh ganun ba?" sabi ko.
----End of the flashback----
Ayaw kong itanong sa kanya ang nangyari sa gabing yun kasi mukhang sobrang personal. Sobrang mahal ko ang kuya ko. Nag-iisang kakampi ko yan. Kahit sobrang dami ng kalokohan ko, hindi ako hinusgahan ni kuya. Sobrang opposite namin pero nagkakasundo rin kami minsan na mga bagay-bagay. One year lang ang gap namin. Third year college sya, samantalang 2nd year college naman ako. BS in Civil Engineering sya, at Industrial Engineering naman ako. Iisa lang kami ng school kaya alam nya lahat ng kalokohan ko. Sya palagi ang nag-eexplain kay dad sa tuwing mapapaguidance office ako. Kaya sobrang swerte ko sa kuya ko. Sya ang tumatayong magulang ko sa tuwing busy si Dad.
"Hoy kain ka na dyan." kalabit sa akin ni ate Fionna.
Ay oo nga pala nasa hapagkainan na pala ako.
Tumabi si Cara sa akin. "Oy kanina ka pa rito?" tanong nya
"Oo hihi. Pupuntahan sana kita kaso nakita kong nag-aaway kayo ni kuya kanina." at tumawa ako.
"Ah yun ba? Haha nakakainis kasi yung kuya mo. Nakakasira ng araw." mukhang naiinis pa sya haha.
"Oh kain kana." sabi ko sabay nguso sa mga pagkain sa hapag.
Cara's POV
Tapos na kaming kumain lahat. Nasa may tabing dagat ako ngayon. Gusto kong mapag-isa. Ang sarap ng hangin, at napakagandang pakinggan ang hampas ng alon. Namimiss ko tuloy magnight swimming. Wala masyadong tao kaya okay lang magmuni-muni. Kinuha ko ang phone ko mula sa sling bag at nag open ng twitter. Magtitweet ako.
"I found myself again when I met you"
That's the caption na ginamit ko sa accident photo ni Kha-el kanina.
Yes, I found myself again. Kasi gusto ko na ulit magsulat ng tula. May subject na ako ulit sa mga tula ko.
Nakakatuwa at tumawa si Kha-el kanina kahit naiinis na ako sa kanya.
By the way, I was super in love before kay Mico. He was the smartest guy sa classroom namin. By the way first year college na kami ngayon, magkaiba lang ng school. Kasi magkaiba kami ng program na kinuha, BS Math sa kanya, BS in Civil Engineering naman sa akin. Siya si Mico Alonzo, Oo Alonzo sya. Alam kong pinsan ko sya. Magkapatid ang lola ko at lolo nya. Si dad kasi isang Alonzo. Mike Alonzo Hernandez. Malay ko bang ma in love ako sa kanya. Sobrang bait nya. Sya parati yung nandyan kapag kailangan ko ng masasandalan. But pinsan lang talaga ang turing nya sa akin. Sabi nya may girlfriend na sya. Matagal na sila, almost 9 months na ata. Alam ko lahat kasi kinekwento nya sa akin. Schoolmate sila. Patricia ata yung pangalan. Ewan ko. Yes, I loved him sobra. Kaso he was my "nagustohan, pero hindi pwede kasi magpinsan".
Tumawa ako, tumawa ng tumawa hanggang sa umiyak na. Para na ata akong lasing nito.
Bakit ba kasi sa pinsan pa diba? Hindi ba pwedeng sa...
"Napano ka?" inangat ko ang ulo ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...