'Wag kang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. In short, 'wag kang tanga. Okay?
Cara's POV
Pinayagan nga ni Tito Carlos si Kha-el sa request nya. Kinuhanan sya ng isang condo malapit sa school namin. Sinamahan ko si Kha-el magpa enroll. Nandito rin ang mga kaibigan ko sa may registrar office.
"Mr. David." tawag no'ng assistant ng registrar.
Pumasok na si Kha-el sa office.
"Taray ng bruha nandito na ang boyfriend. Naku bantayan mo 'yan maraming mga higad dito." sambit ni Windy.
"Aysos alam ko namang ako lang mahal nyan e,"
"Wow confident na confident ang bakla. Sige ka, baka dalawa na tayong luhaan." sabi ni Shaira.
"Haha 'wag kang masyadong confident Cara, tignan mo ang nangyari sa lovestory ng Ken at Shaira? Diba? Deads din lahat ng years na pinagsamahan." sabat nitong si Windy.
"Heh? Paki ko." at inismaran lang ni Shaira si Windy.
Oo naghiwalay si Shiara at si Ken. Mga isang buwan na nga e, ewan ko ba, pero ang sabi raw magmimigrate si Ken. Sa Australia na inassign ang parents nya kaya wala syang magawa, at ito namang si Shiara nagdesisyon agad na makipaghiwalay hindi man lang hinayaang mag-explaing ang Ken, ayaw nya dawng magLDR. Kaya ayon sayang lang lahat ng pinagsamahan.
Nakakatakot naman talaga pumasok sa isang relasyon. Pwedeng ngayon ikaw pa, pero bukas iba na. Pwedeng kahapon masaya pa, ngayon nagkakasawaan na, at lalong-lalo na, pwedeng akala mo kayo na talaga kasi legal na both sides, pero bukas makalawa napagdesisyonan nyo na lang na isuko ang labanang alam nyong hindi na masasalba.
Lumabas na si Kha-el sa registrar office, at agad kong tinignan ang study load nya. Magkaklase kami sa lahat ng courses.
Pasokan na. "Quantity Surveying" basa ko sa study load namin.
"Langga bilisan mo na dyan, malelate na tayo." katok ko sa unit ni Kha-el.
"Wait lang andyan na." sigaw nya.
Bumukas ang pinto at agad na bumungad sa akin ang napakagwapong nilalang. Char.
"Bagay naman pala sayo ang uniform. Lalo ka gumagwapo." at nginitian sya.
"Aysos naiinlove ka lang lalo e." saad nya.
"Excuse me?!" tinaasan ko lang sya ng kilay at agad na hinila.
Hinintay kami nila Windy sa labas ng room, at no'ng makapasok na kami sa room, agad naglingonan ang mga kaklase namin, lalo-lalo na si Amanda at ang mga alipores nya.
Pupunta na kami sa may bandang likod ng tumayo si Amanda at akmang sasalubongin kami.
"Oh new classmate. Kapatid mo love?" tanong ni Amanda kay Dion.
Tinawanan sya ni Windy at nilagpasan lang namin sila tyaka umupo na sa may bandang likod.
"Oh tumawa ang malandi." dahil sa sinabi ni Amanda napahinto si Windy.
"Excuse me lang Amanda ha, balita ko matagal na kayong wala ni Dion e, ano yan umaasa ka pa?" bunganga nitong si Windy.
"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko, bakit tatawa-tawa ka?" masungit na tanong nya kay Windy.
"Balita ko rin wala kang love dito. Sinong love nito, ikaw Dion?" umiling lang si Dion. "Ay nananaginip ka pa ata Amanda, gising na bitch!" dagdag pa ni Windy.
"Ikaw ang bitch! Kung sino-sino ngang lalaki ang chinachat mo!"
"Gusto kitang sapakin sa mga sinasabi mo, pero, para yatang ang special mo naman para gamitan ng kamao ko. Sasaktan nalang kaya kita gamit ang bibig ko." tumawa lang si Amanda sa sinabi ni Windy.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...