There's nothing wrong with expressing what you feel. Just make sure na ang taong nilahadan mo ng katotohanan, hindi ka sisiraan. Minsan kasi kung sino pa ang sa tingin mong mapagkakatiwalaan, sila pa ang mga taong patalikod kang sinisiraan.
Magmatyag ka. Okay?Cara's POV
"Mom pupunta muna akong school, echecheck ko lang ang loads ko ngayong sem." Sigaw ko habang dali-daling bumaba.
"Oh sige mag-ingat ka Rai." Tugon naman ni Mommy
Wala pang ten minutes nakarating na akong Lyceum of the Philippines University - Laguna Campus. Oo dito ako nag-aaral, 2nd year college na ako sa lunes. Pagkarating ko sa may waiting area ng registrar office nadatnan ko doon ang mga kaibigan ko, sina Windy, Dion, Ken, at Shaira. Pareho kami ng degree program - Civil Engineering. Galing kaming iba't-ibang school noong Senior High. Naging close ko sila because sila ang first groupmates ko noong 1st year. At ako ang bunso sa barkadang 'to.
"Hoy sino yung itinweet mong babae ka? Ikaw ha kay bata-bata mo pa! Sino yun? Ireto mo naman ako nang sa gayon magkaboyfriend na ako." Agad na bungan sakin ni Windy.
"Naku-naku, akin yun. At tyaka ano na bang nangyarin doon sa naging kafling mo nong nakaraang buwan ha?" pagbibiro kong tanong sa kanya.
Sya si Windy Margareth Veraño, isang anak ng Attorney at Police. Nag-iisang anak kaya spoil, pero mabait naman sya.
"Naku Cara kung alam mo lang talaga kung ano ang nangyari sa kanila nong lalaking yun." sabat naman ni Ken.
"Mr. Zamora at Ms. Quinata?" tawag ng assistant ng registar.
Pumasok na si Ken at si Shaira sa office.
"Sila parin ba? Mukha yatang nag-iiwasan yong dalawa." tanong ko kay Windy sabay nguso sa dalawa.
"Oo, nag-iinarte lang yang dalawang yan, tignan mo mamaya lalanggamin na naman yan sa kacheezyhan nila." sagot nya sabay tawa.
"Aysos bitter kalang talaga kasi wala kang jowa!" inirapan nya lang ako sa sinabi ko.
Oo magkasintahan sila since last year - Kendrick Zamora at Shaira Vincent Quinata. Sunod namang tinawag si Dion Ysmael Alferez. Sya ang natatanging heartthrob sa buong batch namin. Anak mayaman, businessman ang Daddy nya, matalino, matangkad, varsity player ng volleyball, pogi, maputi at may leadership. In fairness magkahawig sila ni Kha-el. Nasa kanya na yata ang lahat. Kaso nga lang sobrang tahimik. Hindi namin alam kung bakit nasali to sa barkada namin, sobrang opposite kasi namin sa kanya. Pero okay lang mabait naman sya sa amin, namimigay nga ng sagot sa quizzes eh.
Sunod na tinawag ay ako. Papasok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto, lumabas si Dion.
"Nice to see you again, Cara." sabi nya.
Binatokan ko sya. "Ouch!" arteng sambit nya. Tumawa lang ako "Tsk nice to see you ka dyan, dalawang buwan lang nga tayong di nagkita eh." Sabi ko naman sa kanya.
"That's why I told you nice to see you again because two months was quite long Cara." pag-eexplain nya.
"Okay fine, whatever, sige na tawag na ako eh." saka ko isinirado ang pinto.
Nakuha ko na ang study load ko, at mukhang loaded talaga ako sa apat na araw, pero okay lang naman kasi isang subject lang naman sa biyernes, at wala akong sched sa weekends.
"Oh Cara pareho ba tayong sched? Magkaklase kami ni Windy at Ken my love sa lahat ng course ko, si Dion di naman nagsasabi baka magkaklase tayong lahat. Ano schedule mo?" bungad kaagad ni Shaira sa akin pagkalabas ko ng office.
"Kadiri ka Shiara! Ken my love ka dyan! EWW!" at inilahad ko naman ang schedule ko sa kanila.
"Magkaklase tayo sa PE 3, sa Computer-Aided Drafting din." tuwang sabi ni Shaira tyaka "Ha! Bakit sa dalawang courses lang?" laking gulat nya.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...