Failures play two roles in our life. Either the motivation to chase our dreams or the end point to stop dreaming. It depends on how we see our failures, either lessons or burdens.
Cara's POV
"Cara angayan kaayo ka sa imong buhok. Yawa nisamot ka'g kagwapa." sabi ni Viell.
Binigyan ko sya nang nagugulohang ngiti.
"Ayy sorry. Sabi ko sobrang bagay sa'yo ang buhok mo. Lalo kang gumanda."
Tumango-tango lang ako. "Ano yung yawa?"
Agad nanlaki ang mata nya. "Ah hihi, wala, expression lang."
"Hoy Viell 'wag mong turoan ng ganyan si Cara naku sobrang BI mo talaga!" sabi ni Josh bago pumasok sa room namin.
Napalingon sila lahat sa akin no'ng pumasok ako, pati si Kha-el. Hindi yata bagay sa akin ang buhok ko.
"Pangit ba?" tanong ko bago umupo kasi kung nakakatunaw lang 'tong mga tingin nila kanina pa ako natunaw.
"Brokenhearted ka yata Cassandra."
"Nagmomove-on ka ba?"
"Bagay na bagay sayo."
"Sa ganda mong 'yan sinayang ka pa? Char."
Agad tumayo si Kha-el. "You don't know the whole story!" at padabog na umupo.
Natahimik ang lahat. "Nagbuwag jud diay" sabi no'ng isa.
Limang araw mula no'ng nagpre-boards kami lumabas na ang result.
"Ms. Hernandez I am worried about your performance sa pre-boards. You actively participated naman noon, but what happened? Although you pass the exam but your scores are very low. I expected na isa ka sa magta-top sa klase nating 'to. I expected a lot from you. Sa board exam ka bumawi Hija. Alam kong kayang-kaya mo mag top same with Dion. He got the rank 1 sa pre-boards natin. His twin brother almost got the rank 10, ikaw lang yung kulilat sa kanila. I hope this will serve as your lesson to focus more sa review na 'to. I believe isa ka sa magta-top sa board exam. Kaya lumaban ka, kayang-kaya mo yan Hija." 'yan ang sinabi ng proctor namin bago ako dinismiss.
Ngumiti lang ako at nagpasalamat bago umalis.
Agad akong sinalubong ni Dion. "What happened?"
I just gave him a small smile. "Pasado pero kulilat."
Ginulo nya ang buhok ko. "At least you passed. That's a great achievement Cara."
"Greatest yung sa'yo. Top 1, wow libre naman dyan." at tumawa ako.
Tama si Sir wala lang talaga ako sa hulog no'ng panahong 'yon. Itutuon ko muna ang pansin ko sa board exam. Gusto ko magtop. At magta-top talaga ako. Tiwala lang.
After naming kumain sa labas ni Dion, umuwi na kaming condo.
"Akala mo naman sobrang galing mo. Yabang ng Top 1." at tumawa ako.
"Kaya mo namang maging Top 2 ko ulit Cara, you just need to believe yourself."
"Pa'no 'yon hindi ko na alam maging Top 2 mo ulit?"
Bukas ang pinto kaya nagmadali kaming pumasok, akala namin napasokan kami, pero... nandoon si Kha-el kinukuha ang ibang gamit nya.
Ni tingin hindi man lang nya itinapon sa amin.
"Kha-el ayusin naman natin to o." sabi ko.
Wala pa ring imik. Bigla kong naalala ang resulta sa pre-boards namin. Hindi man lang sya nagpadala sa mga nangyayari sa amin habang ako muntik nang hindi makapasa.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Fiksi Remaja"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...