CHAPTER 39

33 3 0
                                    

Love will grow and find its own way.

Cara's POV

"Babe wake up." sabi ni Dion at hinawi ang buhok ko.

Tapos na syang maligo. Nagsuot lang sya ng bath towel sa bewang nya at walang pang-itaas. Nagpapatuyo sya ngayon ng buhok.

Nakita kong 5:30 na. Shit!

Binato ko sya ng unan. "Bakit di mo 'ko ginising?"

Tumawa lang sya.

Dali-dali akong tumayo at naglakad patungong bathroom.

Wednesday na pala and last day nalang para sa review namin.

Pagkatapos kong maligo, nagpatuyo ako ng buhok. Isinuot ko ang jersey shirt ni Dion. Yung maroon na puti ang sleeves na may nakalagay na Alferez sa likod. Itinuck-in ko 'yon sa white high-waist city jeans. Nagsuot din ako ng white rubber shoes. Plinantsa ko ang buhok ko at naglagay ng light make-up. At nanghiram din ako ng white cap ni Dion.

"You look more attractive sa jersey shirt ko."

"I know right." sabi ko tyaka naglakad papuntang kusina. Sinuot ko ang apron ko.

"Loveyy what do you want?" sigaw ko para marinig ni Dion.

"Toasted bread and coffee nalang baby" he replied.

Lumabas si Kha-el mula sa kwarto nila. Nakasuot sya ngayon nga maroon polo shirt and maong jeans.

Dahil naparami ang tinoast ko "You want?" tanong ko kay Kha-el.

Tumango sya.

Habang nagtitimpla ako ng kape nya, "No need Cara, I'll cook for my boyfriend." biglang sabat ni Arha mula sa likod.

"Okay." at hinanda ko na ang kakainin namin ni Dion. Nilagay ko na rin sa mesa ang kape ni Kha-el baka sakaling inumin nya.

"Honey kain na, baka ma-late tayo." tawag ko kay Dion.

Lumabas na si Dion sa kwarto at umupo sa tapat ko. Nakawhite sweater sya at black maong jeans. Nakablack sneakers din sya at black wrist watch.

Tinignan namin si Kha-el na nakatayo lang.

"Raph, do you want some?" tanong ni Dion.

Tumango sya at umupo.

"Love? I'm still cooking. Can you just wait?" iritang tanong ni Arha.

"I'm already hungry love, sorry, and bawal kaming ma-late today coz it's our last day." sabi ni Kha-el habang kumakain.

Hindi pa tapos magluto si Arha ay lumabas na kaming tatlo sa condo dahil almost 7 am na.

I miss this, yung kaming tatlo ang magkasabay na pupuntang review center. Ang bilis ng panahon, noon si Kha-el pa boyfriend ko, ngayon si Dion na. Para naman yata akong sobrang makasalanan nito, baka sabihin ng iba tinuhog ko yung kambal. Doon din naman mapupunta ang lahat, kung hindi sa isa, sa isang kakambal naman ako ikakasal. Wala rin.

I don't need to explain my decisions to everyone, I am not here to feed their curiosity, and their judgemental minds.

"Cara?" tawag sa akin nina Viell.

Lumingon ako.

"Wow lakas ng dating ng jersey shirt a." panunukso ni Josh.

"Tsk. Wala 'to."

"Bagay na bagay sa'yo." sabi ni Viell habang sinusuri ang kabuoan ko.

"Yeah, my surname really suits on her." sabat ni Dion.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon