'Wag mong pahalagahan ang mga taong never ka naman pinahalagahan. Respeto lang ganon! Sometimes valuing fake people, is like valuing fake money, worthless.
Pero bago ang lahat pahalagahan mo muna ang sarili mo. Okay?
Cara's POV
Nandito ulit ako ngayon sa St. John the Baptist Church ng Liliw, Laguna. Nakaharap ako sa malaking pintoan. Walang tao. Binuksan ko ito at laking gulat ko nang kaharap ko ngayon ang babaeng tumawag sa akin noong minsa'y pumunta kami rito.
"Hija bakit ang tagal mong bumalik?"
"Hindi ko po kayo naiintindihan Ale." nagugulohan kong sabi sa kanya.
"Diba sabi ko sayong pakasalan mo ang anak ko? Bakit wala pa rin?" tanong nya ulit.
"Ha? Nagugulohan po ako sa mga pinagsasabi nyo. Bakit ko po papakasalan? Hindi ko po sya kilala!"
"Hindi pa ba sinasabi ni Cristina sayo? Bakit hindi nya sinasabi?" tanong nya ulit na mas lalong nakapagtataka.
"Bakit po may sasabihin si Mommy sa akin?" nag-iba na ang tono ng boses ko dahil nagugulohan na talaga ako.
"Itanong mo sa Mommy mo! Bilis! Tapos bumalik ka dito. Dalhin mo ang isa sa mga anak ko. Pumili ka sa kanila! PUMILI KAAAAAA!"
"Rai gising, Rai!" tawag sa akin ni Mommy. "Binabangungot ka na naman ba?"
Habang habol-habol ko ang aking hininga tinanong ko si Mommy. "Mom may hindi ka ba sinasabi sa akin?"
Bigla syang natahimik.
"Ano Mom?"
"Ha? Bakit? Ano bang napanaginipan mo?" nataranta sya bigla.
"Again, I experienced another episode of sleep paralysis. But this time iba sya Mom." paninimula ko.
"Anong iba? Ano na naman ba yang masamang panaginip na yan?" pinandilatan na ako ng mata ni Mommy.
Sobrang OA naman nito.
"Okay Mom, calm down okay?" pinaupo ko sya sa kama ko.
I sighed. "Mom I saw the woman again, the beautiful woman. I think ka-age mo lang sya. I first saw her when we went to your favorite church sa Liliw, Laguna. She said I need to marry her son."
Biglang nawala ang alala sa mga mata ni Mommy, at napayuko sya.
"Rai, please don't be mad kay Mommy ha." Sinisiguradong hindi ako mabibigla.
"What is it?"
"I am so sorry, but you need to marry the son of that woman you are referring."
Hindi ako nakakurap sa sinabi nya. I just stared at her, then unti-unti nang tumutulo ang luha ko.
"Bakit? Why me? Dahil ba sa negosyo Mom? Puta napakaunfair nyo naman!" tumayo ako at padabog na isinara ang pinto.
Agad namang sumunod si Mom at ngayon pilit ako pinapakalma. Lumabas si Dad sa kwarto nila dahil sa ingay naming ni Mom.
"Ano bang nangyayari dito Tina?" sigaw nya mula sa taas. Kakagising palang ni Dad kaya alam kung ang sama ng gising nya dahil sa ingay naming dito sa baba.
"Ayaw makining ni Rai sa akin Mike. Ayaw nya akong patapusin sa sinasabi ko." sigaw nya habang nakatingala sa taas.
Nakadungaw lang si Daddy sa may railings sa taas habang nakatingin sa amin. Kitang-kita sa mukha nya ang inis.
"Ano ba kasi 'yang pinag-uusapan nyo at ang ingay-ingay nyo?" nagkamot sya ng ulo.
Suminyas nang suminyas si Mommy, para hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. "Ano?" sigaw ni Daddy. Suminyas ulit si Mommy na 'wag maingay.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...