CHAPTER 29

26 3 0
                                    

'Wag kang makampanti, kung mapapagod 'yan, talagang mapapagod 'yan. Okay?

Cara's POV

4TH YEAR, 2ND (LAST) SEMESTER.

No'ng nakaraang buwan pinuntahan nila Tito Luisetto ('yon ang gusto nyang ipatawag namin sa kanya) ang Dad ni Kha-el sa Mindoro. Pinag-usapan nila ang lahat at nagkasundong si Kha-el nalang daw ang magdedesisyon sa buhay nya. Napagdesisyonan ni Kha-el na kapag nandito sya sa Laguna kina Tito Luisetto sya uuwi, ibinenta na rin ni Tito Carlos ang condo nya, at Kha-el Zyonn David pa rin ang dadalhin nyang pangalan.

"Ms. Hernandez?" tawag sa akin ng terror prof namin sa Principles of Transportation Engineering.

"Sir?"

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo? Balita ko pangatlo ka nalang last sem. What happened?" tanong nya.

"Baka hindi makapagfocus Sir kasi nandito ang jowa." sabat ni Amanda.

"Did I ask you Ms. Lopez?" tugon ni Sir. "By the way pang-ilan ka nga pala?" baling ni Sir sa kanya.

"4th" mahinang sambit ni Amanda.

"Okay since top 4 ka naman pala and plano kong e-introduce ulit sa inyo ang basic topics ng course na ito, what is Transportation Engineering? Masasagot mo na 'yan kasi nasa CVO na natin 'yan no'ng first year kayo."

Uupo na sana ako. "Ms. Hernandez 'wag ka munang umupo. Kapag hindi nakasagot si Ms. Lopez ikaw ang sasagot."

Sht.

"Transportation Engineering focuses on transportation."

"Yon lang ang alam mo?" sabi ni Sir. "Sasabat ka nang hindi tinatawag tapos ngayon hindi ka makasagot? Upo!" mukhang ako ang babanatan nito.

"Ms. Hernandez? Sagot!" mainit na ang ulo nya.

"Transportation Engineering is a branch of Civil Engineering that involved in planning, design, operation, and maintenance of safe and efficient transportation systems." sagot ko.

"What does Transportation Engineers do?"

"Sir?" kinakabahang tanong ko.

"Sagot!"

Fudge!

"They focus on designing new transportation systems and infrastructures."

"By what?" tanong nya ulit.

Putangina talaga! Ako pa talaga ang napagbuntongan ng prof na 'to.

"By analyzing the data, identifying the problems, and solving those problems with innovative solution."

"In order to do all of that, what does they collect and evaluate?"

Hindi pa ba 'to tapos? Tangina naman oh.

"Systems, traffic flows, accidents, costs, and other statistics."

"Upo!"

Hay salamat naman.

"Ganoon dapat kayo sumagot!" tyaka isa-isa nya kaming tinignan. "Sinong Top 1 nyo?"

Hindi man lang nagdalawang-isip na tumayo si Dion. Well, alam kong prepared naman sya always pero parang ako yata ang kinakabahan para sa kanya.

"Sinong Top 2?"

Tumayo rin si Kha-el.

"Oh!" gulat na sambit ni Prof. "Sinong Top 10?"

Tumayo si BJ.

"Mr. Vergara what are the 4 branches of Transportation Engineering?"

Huminga muna si BJ ng malalim tyaka sumagot. "Highway, Railway, Airport, and Port and Harbor."

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon