CHAPTER 17

30 3 0
                                    

Don't force the things na ayaw talaga, lalong-lalo na ang pagmamahal. Hindi pinipilit ang puso, kusang nagmamahal 'yan. Okay?

Cara's POV

Sabado ngayon at nandito ang barkada ko sa bahay. Maggogroup study raw haha sigurado magnenetflix at magdadaldalan lang din ang mga ito, maliban kay Dion.

"Hay salamat naman at makakapahinga tayo next week sa mga nakakamatay na courses na yon." sabi ni Ken tyaka nagbuntong-hininga.

"Magpapahinga ba kayo? E maglalandian lang naman kayong dalawa e!" bunganga nitong si Windy, tukoy nya kay Shaira.

"Wala ka lang jowa na masasama mo sa Engineering week kaya sobrang bitter mo." sabay ngisi ni Ken.

Lumabas si Philip sa kwarto nila ng Daddy nya dala-dala ang tuwalya dahil magshoshower ata.

"Yon!" turo ni Windy. "Isasama natin yon sa Engineering week Cara." sabi nya na tila kumikinang ang mga mata sa naiisip nyang ideya.

Biglang kumunot ang noo nya. "Teka nga, bakit nandito yon?" tanong nya.

Lumingon din si Dion kay Philip. Napansin ni Philip na nasa sala kaming lima kaya dali-dali itong tumakbo papasok ng banyo.

"What is he doing here Cara?" tanong ni Dion.

"Ahh basta business." Sagot ko nalang sa kanila. Mukhang umobra naman sa kanila ang palusot ko, pero itong si Dion mukhang hindi ata nakokombinse.

"Okay, okay. Friend ng parents ko ang daddy nya, at wala silang ibang kamag-anak dito kaya dito nalang muna pinatuloy nila Mom. Nasa ospital ang kuya nya dito sa Laguna, kaya sila nandito. 1 week lang naman ata sila dito kasi wala syang pasok next week." page-explain ko sa kanila.

"The one that you visited last time?" tanong ni Dion. Nakalimotan ko, magkasabay pala kami nong pumunta akong ospital.

"Oo."

"Oh mga anak kumain muna kayo. Pagpasensyahan nyo na hindi ako gaanong nakapaghanda kasi hindi naman nagsabi 'tong si Rai na pupunta pala kayo." sabi ni Mommy habang dala-dala ang mga crackers at drinks.

"Okay lang po Tita, next time itetext ka na po namin." sabi nitong si Windy tyaka tumawa silang tatlo.

"Oh Hijo are you alright?" tanong ni Mommy kay Dion.

"Ah yeah, don't worry about me Tita I am fine. And thank you po for welcoming us here."

"You look like you are very focus dyan sa ginagawa mo, magpahinga ka muna Hijo." ewan ko ba pero mukhang ang bait-bait naman yata ni Mommy kay Dion. "What's the name of your parents Hijo? Kanina pa kasi kitang minamasdan and you are very familiar."

"I don't know who my mother is, but I am the son of Luisetto Alferez po Tita, the owner of LA Company."

"Oh si Mr. Alferez. He was my block mate back then, he even said he wanted to marry my best frie-" biglang napahinto si Mommy. "Ahmm Hijo do you have a contact number of your father?"

"Ah yes Tita." tyaka naghalughog ng bag nya. "Here po." sabay abot ni Dion ng calling card kay Mom.

"Sige maiwan ko muna kayo ha. Enjoy." at bumalik na ng kusina si Mommy.

Alam ko na ang binabalak nitong si Mom. She will contact the Dad of Dion and ask if Tito is still seeing her best friend. Tyaka magtatanong na naman yan kung nasaan dahil nga sa fucking marriage na yon.

Engineering week na at buti na lang pinayagan ni Tito Carlos si Philip na sumama sa akin sa school dahil nagpupumilit itong si Windy na isama raw si Philip. Nanonood kami ng Mr. and Ms. Engineer dahil magtuturn-over ng crown ang baklitang si Shaira, at yun todo support naman ang Ken, haha nagmumukhang PA ng girlfriend nya. Kaming apat lang (Ako, Windy, Dion at Philip) ang nadito sa crowd kasi nasa backstage si Ken at Shaira. Nagsimula nang mag question and answer portion. And guess who kung sinong representative ng Pice? Ang heartthrob ng third year at Si Amanda Ysabell Lopez. Well, confident naman sya e, kaya kakayanin siguro nya yan.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon