CHAPTER 30

22 3 0
                                    


Don't pressure yourself. Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Okay?

Cara's POV

Nandito kami ngayong tatlo sa bahay nila Tito Luisetto, maghahanda para sa kaunting salo-salo mamaya.

"Oy mga bakla buti nalang at wala sila Dion dito no? Teka asaan ba sila ni Kha-el bakit wala sila rito sa bahay nila?" tanong ni Shaira.

"May sinundo sila sa airport." sagot ko.

Nagngitian lang kami ni Windy.

Sinabihan na namin si Ken na 'wag munang iuwi ang dalawa hanggat hindi pa kami tapos maghanda rito sa bahay nila. Oo, si Ken ang ipinasundo namin sa kanila. Kahit hindi kami gaanong nag-uusap ni Kha-el tinext ko sya kanina na magpapasundo si Ken sa kanilang dalawa ni Dion.

"Ate okay na ba 'yan?" tanong ko sa isang yaya ni Dion.

"Hoy besh may tumatawag sayo." sabay abot ni Windy sa phone ko.

"Hello Tito?"

"Hija we're coming." sabit ni Tito Carlos sa kabilang linya.

"Dito na po kayo dumiritso sa bahay nila Tito Luisetto. Nasa loob lang po ng subdivision naming pero sa kabilang side po." sabi ko.

I contacted Tito Carlos if hindi ba sila busy ngayong araw na ito para makadalo naman sila sa birthday celebration ni Kha-el at Dion. Mga pamangkin din naman nya ang dalawa kung tutuosin.

Hapon na nang matapos kaming magset-up sa buong garden nila dito sa likod ng bahay. Nandito na rin ang mga bisitang aming inimbita. Family naming tatlo, sina Tito Carlos, at sina ate Fionna. Prepared na ang lahat, ang place, ang food at ang mga bisita. Dark blue ang theme kaya masaya kami no'ng makita ang mga bisitang sumunod talaga sa tema. Tinext na namin ni Windy si Ken na dalhin na ang dalawa rito.

Kha-el's POV

"Mr. Zamora why are you wearing a formal attire?" tanong ni Dion sa kanya pagkalabas nya sa kanilang bahay.

"May pupuntahan lang ako. After ko kayo ihatid sa bahay nyo, may date ako." sabi nya.

"With that attire?" takang tanong ni Dion.

"Bakit ba? Manligaw ka na kasi para nang sa ganoon hindi ka nahuhuli sa uso." kantyaw ni Ken.

"Tsk. I'll better stay single than date a woman with that kind of suit." tyaka sya tumawa.

"Heh!"

Pagkarating namin ng bahay hindi namin alam kung bakit sumunod si Ken.

"Akala namin may date ka?" taking tanong ko.

"Kaya nga."

Bumukas ang pinto at

"Happy Birthday." sabi nilang apat.

Nakita namin si Windy, Shaira at Joy na ngayon ay nakabihis ng dark blue dresses.

"Wait! What's happening?" nagugulohang tanong ni Dion.

Agad kaming hinila ni Joy at Windy papuntang kwarto namin.

"Mga walang hiya kayo! Bakit hindi nyo ko sinabihan?" sigaw ni Shaira na padabog na sumunod sa amin.

Ibinigay ni Joy ang susuotin namin ni Dion. Dark blue suit, black inner and polished black shoes.

Bumukas ang pinto "Bakit hindi nyo ako sinabihang uuwi pala si Ken?!"

"Nasurprise ka ba gurl?" tanong ni Windy.

"Hindi ko kayo mapapatawad."

"Sino bang nagsasabing humihingi kami ng tawad?" sabi ni Windy tyaka humalakhak.
Nagtawanan lang si Joy at Windy. Nang matapos na kaming magbihis ni Dion bumaba na kaming lahat at pumunta sa may

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon