CHAPTER 23

29 3 0
                                    

Sometimes jokes are half meant. Kaya makiramdam ka kasi minsan nasa tabi mo lang ang totoong nagmamahal sayo pero nagbubulagan ka kakahanap sa malayo. Okay?

Cara's POV

"Hoy Dion ba't ka yumakap sa last part? Wala sa plano 'yon." bunganga nitong si Windy.

"Okay na 'yon. Mas mabuti nga e. That was the best part sa sayaw nila kaya tayo nanalo." sabat ni Ms. Yun.

Nandito kami ngayon sa Meat Here Unlimited Korea BBQ. Libre ni Ms. Yun dahil ipinanalo namin ni Dion ang pageant. Kinuha lang naman namin ang Best in Production Number, Best in Talent at ang titulong Mr. and Ms. PICE 2026. Nakuha ko rin ang best in Long Gown, at nakuha ni Dion ang Best in Sports Wear.

Nandito ang barkada ko na tumulong sa aming maghanda, ang PICE Officers, ang LPU CE faculty, ako, si Dion at ang PICE Adviser - si Ms. Yun. Sobrang saya ng lahat sa nakuha naming karangalan para sa LPU. Nauna nang umuwi sina Daddy kasama sila Kha-el.

Tapos na ang school year kaya napag-isipan ng barkada na pumuntang Abra. Ewan ko ba kung bakit Abra ang napagdesisyonan ng mga taong 'to. Gusto atang lumayo-layo sa mga magulang haha.

Walo kaming pupunta roon dahil sasama raw si Kha-el at Philip, at ang isang cousin ni Shaira si Rhian. Si Ken na ang magdadrive dahil van naman nila ang gagamitin namin para magkasya kami lahat. Nasa frontseat si Shaira. Agad na pumwesto si Philip sa pangalawang hanay.

"Cara tabi na tayo?" alok nya sa tabi nya.

"Ayyy hindi pwede." at tinabihan sya agad ni Windy.

Pumasok si Dion at pumwesto sa pinakalikod at agad na naglagay ng travel pillow sa may batok nya. Ngumiti si Rhian sa akin at sumenyas na pumasok na kami at sya nalang daw ang sa may pintuan. Pumasok kami ni Kha-el sa pinakalikod at tumabi kay Dion. Pinaggigitnaan ako ngayon ng dawalang mukong.

Pagdating naming Abra, huminto muna kami sa Sta. Catalina de Alejandria Church ng Tayum, Abra. Maganda ito. Pumasok kami saglit upang magdasal na sana safe lang kaming lahat sa 5 days vacation na ito.

Dumaan kami sa sikat na tulay ng Abra, ang Don Mariano Marcos Memorial Bridge na nagdudugtong sa Tayum at Dolores. Pagkatapos namili muna kami ng mga snacks, mga damit at mga gamit sa San Juan. At nakarating na kami sa Tineg, Abra.

Kumuha kami ng dalawang room sa isang hotel. Ang isa sa mga boys at ang isa sa amin - mga bakla. Joke.

Agad kaming nagpahinga dahil nakakapagod ang mahabang byahe kanina. No'ng umaga na ay nagshower muna kami, salitan lang kasi isa lang shower sa room namin.

"Magsusuot ba kayo ng swimsuit?" tanong ng pinsan ni Shaira.

"Alangan namang hindi bakla, magtatampisaw tayo mamaya." tugon ni Shiara

"Hoyyyy dapat tayong lahat sexy tignan sa isusuot natin ha. Paglawayin natin ang mga boys. Haha RAWR!" Bruha talaga 'tong si Windy. Sino ba namang hindi sesexy sa swimsuit? Haha gaga talaga.

"Baka ikaw ang maglaway sa mga 'yon, sige ka!" sabi ko sa kanya.

Pagkarating naming Piwek Rock Formation sa Alaoa, Tineg agad akong namangha sa mga malalaking bato at sa linaw ng tubig.

Wow sobrang ganda.

Agad na hinubad ni Windy ang suot nya kanina sa harapan naming lahat at lumundag na sa tubig. Nakasuot na sya ngayon ng Navy blue na tube ang top at may pagkapanty-short ang pang-ibaba. Naghubad na rin si Kendrick na ngayon ay nakatopless na at nakaboxers lang, agad nanlaki ang mata ni Shiara.

"Tara na babe." sabi nya kay Shaira.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang bruha at agad na sumunod kay Ken, naka black swimsuit na ito. Sumunod na rin si Rhian at si Philip.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon