Medyo R-18. Read at your own risk.Walang sekretong habang buhay na maitatago. Magpakatotoo ka. Kung mahal ka, tatanggapin ka naman nyan e. Kung hindi, 'wag nang tanga. Okay?
Cara's POV
Undas break na, nandito ngayon si Kha-el sa bahay dahil hinihintay ako. I am preparing my things to bring sa Mindoro. Nagpaalam na kami kina Dad na sasama ako kay Kha-el at doon na mag-uundas break.
"Rai bilisan mo dyan, kanina pa naghihintay si Kha-el. Baka mahuli kayo sa flight nyo." sigaw ni Mom mula sa baba.
Nakawhite na maong short ako, naka polo na pambabae at flat sandals. Inilugay ko lang ang buhok ko kasi mamaya ko na itatali 'pag nakasakay na kaming eroplano. Sinadya kong itali ang polo ko sa may bandang tatlong butones na natitira para magfit sya sa akin.
Sinigurado ko lang na wala akong makakalimutan. Pagkalabas ko ng pintoan agad kong nakita si Kha-el na nasa sala, nakasuot sya ngayon ng poloshirt na dark blue, black maong short at white rubber shoes. Isang bag lang ang dala nya. I don't know kung bakit ba ang dami kong dala, e isang linggo lang naman kami roon.
"Hi" bati ko sa kanya tyaka humalik sa pisngi.
Pumunta akong kusina at humalik sa pisngi nina Dad at mom at nagpaalam na.
Pagkasakay namin ng eroplano pinatulog lang nya ako at gigisingin nalang daw 'pag nakarating na kaming Mindoro.
"Langga 'wag kang galaw ng galaw dyan sasandal ako sa balikat mo." ang likot nya kasi panay hanap ng chichirya.
"Kain muna tayo Langga." sabi nya sa akin.
"Ayoko baka sumama tyan ko." ayoko talagang kumain kasi gusto ko matulog.
"Sige na, please." at kumapit pa talaga sya sa braso ko.
"Ikaw kainin ko dyan e, tumahimik ka." Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko, at namula na naman ang tainga nya.
"Naku, naku matatahimik naman pala e, ang daldal pa." dagdag ko pa.
"Hoy Cassandra saan mo nalalaman 'yon?" painosenteng tanong nya.
"Pake mo?" at tinawanan ko sya, gusto ko lang naman talagang patahimikin sya kasi gusto kong matulog.
Nang makataring kaming Mindoro sinundo kami ng mga body guards nila.
Nadatnan namin si Philip sa may sala na nanonood ng Netflix. Gulat na gulat sya no'ng makita kaming kakarating lang.
"Oh Cara?" agad syang tumayo at lumapit.
"Hi."
"Hello Philip." sagot ko.
"We're going upstairs. Mag-aayos muna kami ng mga gamit namin sa kwarto." sabat ni Kha-el.
"You're staying in the same room?" gulat na tanong ni Philip.
"Bakit? May problema ba?" sagot ni Kha-el.
Hinila na ako ni Kha-el papuntang taas, at pumasok na sa kwarto nya. Malaki ito, sobrang aliwalas. May sariling tv, bathroom at terrace. Nakita ko rin ag study table nya, sobrang organize ng mga gamit.
"Langga ayokong masyado kang close kay Philip. Hindi ko gustong aaligid-aligid sya sayo." sabi nya habang nag-aayos ng gamit.
"Bakit naman Langga?" lingon ko sa kanya.
"Randam kong gusto ka nyang kunin sa akin, ayoko no'n. At naalala mo pa no'ng nagspin the bottle tayo? Tsk. Di man lang nirespeto ang relasyon natin." natawa ako sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...