Accept new beginnings. Okay?
Cara's POV
"ARHA?" natigil kami sa pagsasayaw dahil biglang nagsalita ni Kha-el nong dumating sina Mico at girlfriend nya.
Wait nagugulohan ako!
Nagtaka si Mico kung bakit kilala ni Kha-el ang girlfriend nya.
"Kilala mo sya babe?" takang anong ni Mico sa girlfriend nya.
Hindi man lang ito umimik. Nabigla yata sya sa pangyayari.
Ngayon naaalala ko na kung bakit sobrang familiar ng picture na ipinakita sa akin ni Philip noong nasa Hundred Islands kami. Siya pala yun.
"Oo kilala nya ako! Diba Patricia Arha Torres?" galit na si Kha-el. "Kaya ka pala nakipaghiwalay sa isang pagkakamali ko lang kasi totoo pala ang mga kumakalat! Pinagtakpan pa naman kita!" galit na galit na talaga sya.
"Kumakalat what? Ano to babe?" nagugulohan na si Mico sa mga pangyayari.
"Love bakit di mo sabihin sa lalaki mo ang totoo?" gusto kong pakalmahin si Kha-el pero hindi ko alam kung papano.
"What? Anong love ang sinasabi mo? Matagal na kaming magjowa okay! Teka nga, sino ka ba?" bahagya naring tumaas ang boses ni Mico.
"Matagal? So matagal mo na pala akong niloloko Arha! Bakit di mo nalang akong sinabihan "maghanda ka ha, kasi lolokohin lang kita"! Pvtangina naman Arha!" at napaupo na sya sa sahig. "At tinatanong mo kung sino ako? Boyfriend nya ako at actually anniversary namin nitong nakaraang araw. Eh kaso nakipaghiwalay sya. Akala ko tuloy may pagkukulang ako sa kanya. Hindi pala nakontento kaya naghanap ng iba!" sarkastikong sagot ni Kha-el kay Mico. "Oh bakit hindi ka makapagsalita dyan Arha?" hindi na galit ang nakikita ko sa mga mata nya, pagkadismaya na.
Kaming lahat na narito ay damang-dama ang intense ng buong paligid.
"Kha-el, sorry hindi ko naman sinasadya. " umiiyak na ngayon si Patricia.
Tumayo si Kha-el. "Hindi mo sinasadyang lumandi? Ano yun kating-kati ka na? Ang kapal naman ng mukha mo!" sarkastikong sabi ni Kha-el.
Binitawan nya ang kamay ko at lumabas ng bar. Tinignan ko muna ang mga tao sa paligid, pati na rin si Mico na sobrang dismayado at ang girlfriend nya na walang tigil sa kakaiyak, tyaka ko sinundan si Kha-el.
"Cara!" tawag sa akin ni Philip pero hindi na ako nakinig.
Dali-dali akong sumunod kaso bumaba na sya galing sa loob. Dala nya ang susi ng sasakyan nina ate Fionna.
No wayyyy! Hindi ko hahayaang magdrive sya!
Agad akong tumakbo patungong sasakyan kahit ang sakit sakit na ng paa ko upang harangan sya.
Bakit ba kasi nagtakong pa?
"Umalis ka dyan Joy!" sigaw nya.
"Ayoko!" at sumakay ako sa front seat.
"Bumaba ka nga dyan Joy! Ayokong madamay ka!" sigaw nya ulit.
"Ayoko nga sabi eh!" pagmamatigas ko.
"Kha-el!" tawag sa kanya ni Tito Carlos.
Agad na sumakay si Kha-el at ipanaharurot ito.
"Kha-el magdahan-dahan ka nga, ayoko pang mamatay!" sigaw ko sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sayong bumaba ka diba? Pero ang tigas ng ulo mo!" sagot nya.
"Bagalan mo ang takbo Kha-el!" natatakot na ako. "Ano ba! Wag ka ngang magmadali! Saan ka ba pupunta? Hindi mo nga kabisado tong lugar na to! Bumalik na tayo ro'n!" bigla nya itinigil ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...