'Wag kang mabilis manghusga kung hindi mo pa alam ang buong pangyayari. Alamin mo both sides nang malinawan ka. Okay?
Kha-el's POV
Ang dami kong iniisip ngayon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang nagugulohan na ako sa mga pangyayari sa buhay ko. Mas lalo yatang pinapalala nito ang kondisyon ko ngayon.
Nandito lang ako sa condo. Ayokong makipag-usap kahit kanino, even kay Joy.
Galit ako sa totoong daddy ko. Bakit hindi nya kami hinanap? Bakit hindi nya kami ipinaglaban? Bakit hinayaan nya lang si Mom? Bakit ganoon?
Inuuntog ko ang sarili ko sa pader hoping that I'll remember everything. Ang hirap na parang wala akong alam sa lahat. Nahirapan na nga akong magsimula, mas lalo pang dumagdag ang mga nalalaman ko ngayon.
"Dad?" I called Dad.
"Oh son why are you crying? By the way I'm in the middle of the meeting with Mayor, pwede bang after nalang ng meeting ka tumawag?" sabi nya.
Ang busy rin ni Dad. Hindi ko na alam ang gagawin ko!
I cried and cried till I fell asleep.
I saw a blurry image. It seemed like a beautiful lady smiling at me.
"Langga ayaw na mo ug hilak, magtimpla lang ug gatas si Mommy ha."
(Langga 'wag na kayong umiyak, magtitimpla lang ng gatas si Mommy ha.)
"Mag-ilis na ug lampin akong Raphael, sunod kay si Ysmael na pud."
(Magpapalit na ng lampin ang aking Raphael, sunod ay si Ysmael naman.)
She smiled at me.
"Langga pag-amping."
(Langga mag-ingat ka.)
"Mom?" sigaw ko.
I'm still in my room sa condo. Nanaginip yata ako. Pero bakit parang totoo?
I called Joy.
"Langga I need you."
Ilang minuto lang ay kumatok na sya. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto I hugged her tight.
"Wag mo kong iiwan, please." kinakabahang sabi ko sa kanya.
"Bakit? What happened?" pag-aalalang tanong nya. "Oo hindi kita iiwan, don't worry."
Pinapasok ko sya at pinaupo sa sofa.
"I saw my Mom, in my dream."
"Ha?" nagugulohang tanong nya.
"That's why I told you Langga word seemed to be very familiar to me kasi 'yon ang tawag sa akin ng Mom ko. Sa amin rather. I heared her calling us Langga in my dream." sabi ko.
"Talaga?"
"But she was speaking different dialect. I don't know. I couldn't understand what she was saying."
"Baka bisaya 'yong narinig mo."
"Bisaya?" tanong ko.
"Yes. It's the dialect of most of the people living in Visayas and Mindanao. Your Mom is from Cebu, so maybe she was using bisaya." pagpapaliwanag nya.
Tumango ako.
"Okay ka lang ba?" tanong nya.
"Yeah I am fine now 'coz you're here. I am so sorry for not seeing you these past few days I just needed to be alone."
Oo nagkulong lang ako sa condo nitong mga nakaraang araw.
"Okay lang, naiintindihan kita. Basta if you need me nandito lang ako." she hugged me.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...