Sacrificing your own happiness for someone you love is the sincerest form of love.Cara's POV
"Good evening everyone this is Mary Alyssia de Vera"
"And this is Joseph Manalo"
"Representing Colegio de San Juan de Letran Calamba.""Hi, my name is Trishia Salado"
"And my name is Patrick Joshua Reyes"
"Representing Laguna College."Pucha malapit na kami.
"Hannah Fatima Ignacio"
"And Warren Christian Godinez"
"Representing Laguna State Polytechnic University."Putangina ito naaa! Naglakad si Dion patungong gitna at naglahad ng kamay, at sumunod naman ako para kunin ito. Pinaikot nya ako sa kanya, dahilan ng pagkabog lalo ng puso ko dahil naghiyawan na ang mga tao. "Relax" bulong nya, tyaka naglakad na kami papunta sa harapan ng stage.
"Ladies and gentlemen good evening, I am Cassandra Joy Hernandez"
"And I am Dion Ysmael Alferez."
"Proud and honor to represent Lyceum of the Philippines University - Laguna Campus."Tanging hiyawan lamang ng mga tao ang narinig ko. Nagpose muna kami ni Dion tyaka na nag-exit.
Fuck!
"Okay ka lang? Sobrang lamig ng kamay mo Cara." pag-aalalang sambit nya.
Tumango lang ako. "Grabe hindi ko inaasahang gano'n pala kadaming tao."
Hindi ko nakita kung saan pumwesto sina Kha-el dahil ang tanging nakikita ko lang ay ang nagsisilawang mga ilaw.
"Halika ka muna dito, umupo ka muna at kumalma." pag-aalala nya.
Alam kong nag-aalala 'to dahil baka makalitche-litche na ang sayaw namin mamaya, pinaghirapan nya pa namang saulohin lahat ng steps.
"Wow ha, gusto ko 'tong mga alaga mo Ms. Yun ha, sobrang patok sa mga audience." sabi ni Jonalou.
"Bet ko 'yong introduction nila Mommy." sabi naman ni Tita Tanya kay Ms. Yun.
"Ay saan pa ba nagmana, edi sa magandang prof nila." sabi ni Ms. tyaka humagalpak ng tawa.
Bumaling sya sa amin. "Ang galing nyo kanina ha. Keep it up. Para sa akin kayo ang mananalo sa Production Number." tyaka pumalakpak sya.
"Naku Ms. pasensya na po, kinakabahan ako kanina." paghingi ko ng paumanhin.
"Kinakabahan ka pa sa lagay na 'yon Ms. Top 2?" tanong ni Ms.
Tumango lang ako. "Wag mo nang isipin 'yan, both of you did a great job kanina sa production. Oh magbihis na kayo, talent portion na ang susunod." sabi ni Ms. Yun habang dala-dala na ang mga costume namin. "Walang ilangang magaganap mamaya ha. No'ng isang araw ilang na ilang kayo sa mga steps 'nyo, dapat ngayon 'wag nyo munang isipin yan. E-feel nyo 'yong kanta, at mag-enjoy kayo habang sumasayaw."
Nagbihis na kami. Ngayon nakasuot na si Dion ng white polo na open lahat ng buttons at white pants, habang ako white sexy dress at white na cycling shorts lang, magpapaa kami mamaya para hindi na masyadong sagabal.
"Okay ka lang?" tanong ulit ni Dion.
Lumabas na ulit sina Ms. Yun para bumalik na sa pwesto nila, at ngayon kaming dalawa na lang ni Dion ang nandito sa side namin sa backstage.
"Oo okay lang ako." binigyan ko sya ng isang ngiti para hindi na sya mag-alala pero kinuha nya ang malalamig kong kamay at agad nyang hinipan ito.
Ramdam na ramdam kong unti-unti nang umiinit at bumabalik sa normal ang mga kamay ko.
Nginitian ko sya ulit. "Thank you ha." Tumango lang sya.
"Candidate number 2 kayo na ang susunod." sigaw ng organizer.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...