CHAPTER 27

23 3 0
                                    


Hindi pantay ang mundo. Bumangon ka hindi dahil 'yan ang sabi sayo ng mga tao, kundi 'yan ang gusto mo. Okay?

Cara's POV

Alas otso ng gabi nang magring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa may table at tinignan kung sino ang tumatawag.

Si Windy.

"Hello Windy bakit napatawag ka?" tanong ko agad kay Windy kasi madalang lang tumawag 'to.

"Friend si Dion." iyak na sabi nya sa kabilang linya.

"Ano? Anong nangyari sa kanya?" napalingon si Kha-el sa ingay ko.

"What is it Langga?" tanong ni Kha-el.

"Besh si Dion nasaksak."

"Ha? Bakit? Pano nangyari? Sige babalik na kami dyan." walang preno kong sabi.

"Basta besh mahabang kwento, bilisan ny-" hindi ko na pinatapos si Windy at agad na ako nag-ayos ng mga gamit.

"Langga bakit? Anong gingawa mo?"

"Bilisan mo dyan, babalik tayong Laguna ngayon na." sabi ko na agad nagpataranta sa kanya.

"Why? We still have 2 days here? Bakit ang bilis naman ata Langga?" reklamo nya.

"Si Dion nasaksak. Bilis!"

Dali-daling syang nag-ayos ng mga gamit nya. Pagkababa namin sinabihan lang namin si Tito Carlos na kailangan talaga naming bumalik ng Laguna. Nakita rin namin si Philip sa may sala pero wala lang, halos isang linggo na kaming hindi nag-iimikan dito sa bahay nila dahil sa nangyari noong nakaraang gabi.

Pagkalapag ng eroplano ay dumeritso na kami kaagad sa hospital at hindi na muna iniuwi ang mga bagahi.

"Ms. asan dito ang room ni Mr. Alferez?" tanong ko sa nurse.

"Ay Ma'am nasa OR pa po sya. Mag-antay lang po muna kayo doon sa side, nandoon din po ang mga kamag-anak nya." sagot ng nurse.

Pagkarating namin sa may waiting area nadatnan namin sina Shaira at Windy, nandito rin sina Mommy, at ang mga yaya ni Dion.

"Mom." agad na salubong ko kay Mommy.

Hinalikan ko sila ni Dad sa pisngi at nagmano. Nagmano rin si Kha-el.

"Where's his Dad?" tanong ko sa isa sa mga yaya ni Dion.

"Nasa Singapore pa po Ma'am." takot na sagot nito.

"Alam na ba nya ang nangyari sa anak nya?"

"Cara calm down. Andito naman tayo e." sabat ni Mom.

"Pero dapat alam ng Dad nya ang nangyari kay Dion."

"Alam na po ng Daddy nya Ma'am kaso bukas pa raw po sya makakauwi." sagot ng yaya ni Dion.

Bakit ganon? I don't get it. Yes it's our parents obligation to provide our needs, but if it's already enough maybe oras naman siguro ang ibigay diba? Mas kailangan natin sila e.

Ilang minuto muna ang lumipas bago may Doctor na lumabas mula sa OR.

"Ano Doc kumusta po ang pasyente?" tanong ni Dad.

"Ahm Sir. Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng Doctor.

"Yes." sagot ko.

"We did our very best po sa operation nya kasi malaki po ang sugat na natamo nya, and there are organs na naapektohan sa pagkasaksak sa kanya. Ililipat na po namin sya ng room. For now po kailangan nating abunohan ng dugo ang pasyente kasi marami pong dugo ang nawala sa kanya. But sad to say kaunti lang po ang stocks namin sa mga centers namin ng type ng dugo ng pasyente. Ab+ po ang blood type nya at mahihirapan tayong makahanap ng taong kapareha nya ng blood type kasi iilan lang po ang may ganoong klase ng blood type. Maagapan po ito ng mga stocks namin pero kakailanganin po talaga ang maraming bag ng dugo." pagpapaliwanag ng Doctor.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon