Hindi masamang maging palaban, basta siguradohin mo lang na tama ang tinatahak mong daan. Okay?
Cara's POV
"Sorry if I didn't text earlier. Malapit na ang boards and mas malapit 'tong condo sa Review Center and sa school na venue ng boards, so we've decided to stay here till boards." pagpapaliwanag ni Kha-el.
"Okay. You can stay in our room. Sa kwarto ni Cara nalang ako matutulog." sabi ni Dion.
"No. We can share in one bed naman, you can stay sa room pa rin natin Dion."
"I'll give you your privacy, and I also want to be with my girlfriend."
Agad napatahimik si Kha-el.
"I'll get my things na." sabi ni Dion tyaka inilipat ang mga gamit nya sa kwarto ko. Hindi naman puno yung closet ko so nagkwasya lang do'n ang mga gamit ni Dion. Inilipat din nya ang mga reviewers nya.
Okay lang naman na magkasama kami nina Kha-el sa iisang condo. Ang tagal na kasi no'n e. Nakamove-on na ako sa lahat. At masaya na ako ngayon.
Nagshower ako kasi sa labas daw kami kakain ni Dion.
"Baby pakiabot no'ng bathrobe." sabi ko sa kanya.
Pagkatapos nya iabot 'yon ay isinuot ko na at lumabas ng cr.
"Pa arbor naman ng isang jersey dyan." sabi ko habang pinapatuyo ang buhok ko.
"Why? You don't have a clean dress to wear?" takang tanong nya.
"Tsk. I'm your girlfriend ta's di mo ko bibigyan."
Tumawa sya at naghalungkat sa closet. "Choose."
May inilatag syang mga jersey with and without sleeves. May red na may kulay gray, may white na may kaunting kulay red, may maroon na may kaunting white ang gray, may red na may kulay yellow, at ang pinakagusto ko sa lahat ay ang maroon na kulay white ang sleeves hanggang sa may leeg, at sa dalawang side ng jersey shirt. Sa harapan may nakalagay na maliit na number 10 sa gitna at Lyceum sa itaas nito. Sa likod naman may nakalagay na Alferez sa itaas. Malaki sya sa akin, pero carry naman itatuck-in lang.
"Isusuot mo 'yan ngayon Babi?"
"No."
Nginitian ko lang sya bago pumunta sa closet para maghanap ng susuotin.
Nagsuot lang ako ng plain white sweater and high-waist maong skirt na mga 3 inches bago umabot sa tuhod at nilagyan ko ng black belt. Nagsuot lang din ako ng white rubber shoes at ang necklace na binigay ni Dion. Everyday ko naman 'to sinusuot e. Kinulot ko ang end ng buhok ko, at naglagay ng light make up. Nagdala rin ako ng isang white pouch kung saan kasya ang phone ko.
"You done?" tanong nya.
Nainip na siguro haha.
Nakasuot na sya ngayon ng white t-shirt at ripped casual denim short. Nagsuot din nya ng white rubber shoes at white cap.
"Nakakainis ka!" sabi ko nang makita sya.
Bahagya syang natawa sa itsura ko. " Babe I didn't know that you're the president of my fan club. Pati suot ko ginagaya mo?"
"Yuck! Fan your ass." inirapan ko sya bago lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko nakita ko si Kha-el.
Hinawakan ni Dion ang bewang ko. "Raph lalabas lang kami saglit. If you'll get hungry may mga stocks dyan sa ref, lutoin mo nalang. By the way, 'wag mo galawin mga pagkain ni Cara dyan."
Natawa si Kha-el sa sinabi nya, kaya tinaasan sya ng isang kilay ni Dion.
"Okay." sagot ni Kha-el.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...