CHAPTER 32

26 2 0
                                    

Kung ayaw na, bitawan mo na. Masakit kumapit sa mga bagay na ayaw na talaga. Okay?

Cara's POV

Nagrereview ako nang pumasok si Kha-el sa kwarto ko.

"Oh what brings you here?" gulat na tanong ko nang niyakap nya ako mula sa likoran.

"I want to cuddle with you. Naiistress na ako sa mga binabasa ko e."

Niyakap nya lang ako.

"I love you Langga"

"I love you t--"

Nagring bigla ang phone nya. Nakita kong unknown number 'yon.

"Hello who's this please?"

"Love I miss you."

Nanlaki ang mata ko.

"Sorry Miss wrong dial ka ata." agad nyang pinatay ito.

Maya-maya pa ay nagring ulit ito.

"Hello?"

"Love I really miss you. Please come back to me." sabi no'ng babae sa kabilang linya.

"I don't know you please stop calling me. I have a girlfriend okay."

At pinatay nya ulit ang tawag.

"I'm sorry about that Langga maybe wrong dial lang."

Kinabukasan maaga akong gumising kasi 7 am ang call time namin sa Review Center

"Cara tomorrow is your birthday right?" bungad kaagad ni Dion sa akin no'ng makalabas kami mula sa Review Center.

Hinihintay namin ngayon si Kha-el na lumabas, kinakausap pa kasi sya ng Proctor namin.

"Yes! And guess what?"

Kaagad nya kong tiningnan ng nagtatanong na tingin.

"It's going to be our 3rd anniversary." masaya kong sabi.

"Good to hear that. Don't hurt my twin ha. Mananagot ka sa akin." sabay tawa nya.

"Sos ako pa."

Lumabas na si Kha-el.

"Langga saan ka pupunta? Dito ang daan para mag-abang ng jeep ah!" tanong ko.

"Ahh may bibilhin lang ako."

"But gabi na Langga. Hindi ba 'yan makakapaghintay?" tanong ko.

Tahimik lang si Dion na nakikinig sa amin.

"Alam ko ang daan at jeep na sasakyan. I'll be home, don't worry." at hinalikan nya ako sa noo para siguradohing okay lang.

"Raph kakain ka ba sa condo?" tanong ni Dion.

"Oo. Sige uuwi rin ako."

At naglakad na sya papalayo. Nagkabit-balikat nalang ako no'ng tinignan ako ni Dion.

Hmm alam ko na 'yang ganyan Kha-el. Gusto mo yatang i-surprise ako bukas e. Haha I'll pretend nalang na hindi ko alam.

Pagkarating naming condo ni Dion nagtanong sya kung okay lang ba na sya na ang magluluto. Agad akong umoo, tinatamad din naman ako.

Agad syang nagbihis. Nakasuot na sya ngayon ng gray t-shirt at black shorts. Nakacap din sya at nakatsinelas.

Lalabas na sana sya ng condo pero agad ko syang tinawag.

"Saan ka pupunta?"

"I'll be back. I'll just buy a cooking oil dyan sa convenient store sa baba."

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon