Learn to forgive. Hindi masamang magalit, Oo. Pero hindi rin masamang magpatawad. Forgiveness is the root of acceptance.
Cara's POV
Nasa loob na kami ng bus, magkatabi kami ni Dion at nasa likoran lang namin sina Kha-el at Arha.
Bumili kami ng maraming pagkain kanina, yakult, grapes, chichirya, C2, at iba pa. Bumili rin kami ng boiled egg dahil may mga nagtitinda sa loob ng bus.
Hindi pa umaandar ang bus kasi hinihintay pang mapuno. It's not that long naman kasi marami ring pasahero ang papuntang Simala Church.
Mga nasa tatlong oras din ang byahe bago kami makarating doon. Naubos na namin lahat ng pagkain namin.
Ang daming mga bilihan ng pasalubong, restaurants at mga tricycle at habal-habal drivers.
(habal-habal drivers mean "motorcycle drivers")
Since nakasleeveless si Arha, pinasuot sya ng isang thin cloth sa may balikat kasi sobrang holy ng church.
Pagkapasok na pagkapasok ng church tinanggal namin ang mga sapatos namin. Kailangan kang pumasok ng nakapaa.
While we were heading to the miraculous Mama Mary we saw a lot of testimonies sa may balcony -- letters with wigs, wheelchairs coz they were being healed by the miraculous Mary, letter with medals, calculators, name plates, pencils na ginamit sa board and bar exams and etc. ng mga dininig ang prayers na mga board passers at marami pang iba.
Nakakamangha lang.
"Look baby." I pointed the blue letter.
It was said there na dalawang beses syang bumagsak sa pre-boards, but he is very thankful na pumasa sya sa mismong board exam.
"Just believe in yourself, love. You'll make it with prayers, of course." sabi ni Dion.
Nang makarating kami sa taas hindi ko maiwasang mamangha sa napakalaking Mama Mary na nasa loob ng isang glass. I prayed.
Pagkatapos namin do'n, pumunta kami sa isang room na puno ng mga Mama Marys. We read some of the definitions na nakalagay sa bawat papel. We took pictures, minsan kami apat, kadalasan kaming dalawa ni Dion.
After no'n bumaba na kami and wrote our wishes sa isang papel. Kanya-kanya kami ng pwesto kung saan magsusulat.
"Sana magkaayos at pumasa kaming lahat." yan lang ang isinulat ko, bago ko tupiin at ihulog sa isang malaking box ang papel.
Pagkatapos namin do'n isinuot na namin ang aming mga sapatos and bought candles. Green and pink ang binili ko, pareho kami ni Dion. Dalawang green naman ang kina Kha-el.
(Green is for exams, interviews, jobs, and etc. Pink is for being thankful, I guess)
We took a lot of pictures. Malacastle kasi ang church, sobrang lawak at sobrang laki.
"Babe what should we do next?" tanong ko kay Dion.
"Ikaw Raph? Anong plano mo?" tanong naman ni Dion kay Kha-el.
"Depends on you. I don't know beautiful places na pupuntahan dito e." bahagya syang natawa sa sarili. "Love any suggestions?" tanong nya kay Arha.
"Since madadaan natin pauwi ang boardwalk ng Naga, and Anjo World ng Minglanilla, sige doon nalang." Arha suggested.
"Okay. Let's eat first." sabi ko.
Kumain na muna kami sa pinakamalapit na restaurant bago sumakay ng bus.
After 2 hours nakarating na kaming Naga.
Nagtanong-tanong kami kung nasaan ba ang sinasabi nilang boardwalk. Pagkarating namin, sobrang breathtaking ng lugar. Sobrang sarap ng simoy ng hangin, nakakakalma ang hampas ng mga alon, nakakamangha ang lugar, sobra.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...