CHAPTER 13

34 2 0
                                    


You will no longer feel the pain kung matatanggap mo na. Just take your time. Healing takes time, dear. And acceptance is always the key. Okay?

Philip's POV

Bumalik kami sa resort at kinuha lahat ng gamit namin na natira roon. Ang van nalang ang natatangi naming transpo kasi sira na ang sasakyan nina ate Fionna. Pagbalik naming hospital nagdecide si Dad na itransfer si kuya sa Calamba Doctors Hospital nang sa gayon ay malapit lang kina Tito Mike kasi uuwi kaming Mindoro para sa mga unfinished business ni Daddy, ako pasokan na sa lunes kaya kailangan ko talagang umuwi, at uuwi din sina Tito Alfred at Tita Vida kasi nandon ang buhay nila. Sinabi naman ni ate Fionna na sila na muna ang magbabantay kay kuya sa Laguna habang nasa Mindoro kami.

"Mamaya pwede na dawng e discharge si Rai." sabi ni Tita Tina.

Salamat naman.

Mga alas tres na noong inilabas namin si Rai sa ospital, at si Kuya naman isasakay na sa isang ambulansya. Nasa Van ang iba habang kamin ni Daddy sinamahan si Kuya sa ambulansya at si Tito Alfred naman sa frontseat.

"Dad?" tawag ko kay Daddy. "Can I talk to you?" tanong ko.

"Yes what is it Philip?" tugon nya sa akin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Totoo po ba ang sinabi ni Arha kahapon? Totoo bang hindi ko tunay na kapatid si kuya Kha-el?"

Yumuko sya at nagsimulang umiyak. "I'm so sorry Philip if I lied to you about your kuya." Hinawakan nya ang mga kamay ko. "Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo kaya inilihim ko nalang." dagdag pa nya.

"Paano nangyari yun Dad? Pakiusap ipaintindi mo sa akin." Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko.

"December 18, 2004. Mga nasa isang buwan ka palang mula noong ipinanganak ka ng Mommy mo. May susunduin kami galing Cebu kaya ibinilin ka nalang namin sa mga yaya mo." At tumahinik sya. "Tama lang na iniwan ka namin sa bahay, dahil kung hindi, hindi ko alam kung pati ikaw mawawala sa akin." namilog ang mga mata ko sinabi nya.

"What do you mean na mawawala? Akala ko ba Mom died because of heart attack noong baby pa ako?" nagugulohan na ako sa mga sinasabi ni Dad. "Dad sabihin mo sa akin ang totoo!" sabay pahid sa mga luhang dumadagayday sa mga pisngi ko.

"Sinundo namin ang Tita Sabrina Buenavilla mo, kapatid ng Mommy mo at ang pinsan mo - si Alejandro Raphael." tumigil sya at pumikit dahil nagbabadya ulit ang mga luha sa kanyang mga mata. "Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang tadtarin ng bala ang sasakyan namin. Hindi ako nagsama ng mga body guards noon. Agad akong tumawag ng police at agad ko rin silang sinabihan na yumuko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko Philip. Pero bago pa makayuko ang Mommy mo, tinamaan na sya sa ulo. Natamaan din ang Tita Sabrina mo sa may likod habang prinoprotektahan nya ang pinsan mo. Iyak ng iyak ang dalawang bata. Gusto ko silang kunin dalawa kasi naawa ako sa kanila, pero ang walang kamuwang-muwang na Kha-el ko kumalas sa pagkakahawak ng Mommy, bago ko pa sya nakuha.." umiyak na si Daddy. "Natamaan na ang kuya Kha-el mo. Wala akong nagawa Philip! Namatay sya sa mga kamay ko."

Hindi ako makapaniwala sa katotohanang nalaman ko. Sa sobrang sakit ng katotohanan mas gugustohin mo nalang na mamuhay sa kasinungalingan. Pareho na kaming umiiyak ni Daddy. Sobrang sakit! Ang hirap pala ng pinagdaanan ni Daddy. Pero tika lang, so ang ibig sabihin pinsan ko lang yung kuya ko ngayon?

"Dad? So kaanu-ano ko ang kuya Kha-el ko ngayon? Pinsan?" tanong ko.

"Dumating ang mga pulis at hinabol ang mga bumaril sa amin, ang iba tinulongan kami. Humihinga pa ang Tita mo noong kinuha na sya ng mga rescue. Bago sya namatay ibinilin nya ang pinsan mo sa akin. Sinabihan nya akong palakihin ko ang pinsan mo, at yon ang kuya Kha-el mo ngayon." pagpapaliwanag nya.

"Paano po nangyari yon Dad? Inampon nyo sya?" tanong ko sa kanya.

"Before ako umuwi ng bahay ipinacremate ko muna ang Mommy, Kuya at Tita mo, at inilipat ko na lahat kay Alejandro Raphael ang pagkatao ng kuya Kha-el mo, lahat-lahat. Hindi ko ipinalabas sa publiko ang nangyari, tanging ang mga police, rescue, mga doctor at ang mga Joaquin lang ang nakakalam. Maraming nagtatanong kung napano ang Mommy mo kaya ang sinabi ko nalang is nagkaheart attack sya at hindi ko kayang makita syang pinalalamayan kaya ipinacremate ko nalang. Wala ring nakakaalam about sa pagkamatay ng Tita mo. Ang buong akala ng lahat ang Mommy mo lang ang namatay." Niyakap nya ako. "Pasensya ka na anak kung inilihim ko sa'yo ang lahat. Ayoko ko na kasing balikan ang bangungot na yon."

Niyakap ko na rin sya. "Dad may nakakaalam ba na hindi mo tunay na anak si kuya Kha-el?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Tanging sya lang ang nakakaalam. Sinabihan ko sya sa totoong pagkatao nya last year. Kami lang dalawa non sa sala kaya nakatyempo ako na sabihin sa kanya ang totoo. Pero hindi ko inaasahang sasabihin nya pala sa girlfriend nya." sabi ni Dad.

Tama! Yon yung araw na nakita ko silang nag-uusap sa sala. Yung araw na huli kong nakitang tumawa si kuya. Ngayon alam ko na ang totoo kung bakit panay pasasalamat sya non. Buong buhay ko itinuring ko syang kuya, buong buhay ko iniidolo ko sya, pero pinsan ko lang pala sya.

"Philip?" tawag sa akin ni Dad.

Agad naman akong kumawala sa pagkakayakap nya. "Po?"

"Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa kuya Kha-el mo ha." nabigla ako sa hiniling nya. Tumango na lamang ako.

Oo sya yung palaging nandyan kapag kailangan ko ng kausap, pero hindi ko rin maiiwasang mainggit sa kanya. Mahal ko sya, pero hindi sya ang totoong kuya ko!

Nakarating na kaming Laguna kumuha si Daddy ng malaking room para sa kanya. Ang swerte nya sa Daddy ko, parang sya yung totoong anak eh.

Bukas uuwi na kaming Mindoro, ang tanging maiiwan lang dito upang magbantay kay kuya ay sina ate Fionna.

"Philip?" mayuming tawag sakin ni Cara.

"Oh bakit? Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Ngayon ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para kay Cara. Hindi pwedeng mapunta sya kay kuya o sa pinsan ko! Sya nalang palagi? Hindi ako papaya na maging sila ng kuya ko. Ayoko ko!

"Philip hihingin ko lang yung mga pictures ko. Uuwi na kasi kayo bukas." sabay ngiti.

Two years lang ang gap namin ni Cara kaya okay lang yon. Isinend ko sa kanya lahat ng solo pictures nya.

"Philip? Pwede mo rin bang isend yung mga pictures namin ni Kha-el?" tanong nya.

Agad akong nagsalita "HINDI!" nabigla sya sa sinabi ko "Sorry nabigla lang ako, sige isisend ko sa'yo."

Isinend ko sa kanya lahat ng pictures na magkasama sila ni kuya. Sobrang saya nya nong makita ang mga kuha ko. Gusto nya talaga si kuya. Pero hindi ako papaya Cara. Akin ka lang. Kukunin ko ang loob mo hanggang sa makalimutan mo ang nararamdaman m okay kuya. Ako lang ang David dito Cara, hindi sya David kaya wala kang mapapala sa kanya.

"By the way Cara, hindi pa tayo friend sa social media. Ano bang account name mo sa facebook, IG at Twitter?" tanong ko.

"Sa lahat talaga? Sige na nga"

"Sige accept mo ko at follow back ha. Baka hindi mo ko rereplyan pag nagchat ako, ibablackmail talaga kita." Pagbibiro ko.

Tumawa sya ng malakas. "Haha kakatakot ka naman Philip. Pero hindi mangyayari yon. Bakit naman ako hindi magrereply? We're friends naman diba?" tawang tanong nya.

"Sa ngayon." pabulong kong sabi.

"Ano?" takang tanong nya sabay tawa.

"Wala." sabi ko.

Biglang dumating Mommy nya at sinabihan syang uuwi na sila upang makapagpahinga na sya ng maayos. Nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Kinabukasan binilin na ni Daddy ang lahat ng pangangailangan ni kuya kay ate Fionna dahil uuwi na kaming Mindoro, ako, si Daddy, at sina Tito Alfred at Tita Vida. Nagpaalam na kami sa lahat. Niyakap ko si kuya at binulongan kong "Hindi ko hahayaang mapunta sayo si Cara, at sa paggising mo, kung makalimot ka man, sana hindi mo na sya maaalala." at lumabas na ako ng kwarto.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon