You cannot stop love. Kung matatamaan ka ng lintik na pana ni kupido, hindi ka na makakawala. Kung maiinlove ka aasahan mong magiging masaya ka, pero asahan mo rin hindi lahat masaya lang. Masasaktan ka rin. Kaya kung papasok ka, dapat handa ka. Okay?
Cara's POV
July 31, 2024. Wednesday
"Cassandra Joy gumising ka na dyan"
"Cassandra Joy! Alas dos na ng tanghali!"
"Cassandra Joy!"
"JOY!"
Napabangon ako sa tawag na yun. Alam ko kung kaninong boses yun. Bumungad sa akin si Kha-el na may dalang cake. Nasa likod nya silang lahat. Sina Mama, as in lahat-lahat.
Sht hindi pa ako nakapagtoothbrush.
Tumakbo ako papuntang CR at agad na nagmouthwash. Tyaka bumalik.
Dala-dala pa rin ni Kha-el ang cake namin.
"Joy mabigat ang cake, para sating dalawa to kaya tulungan mo ko. Wag kang feeling prinsesa dyan" bulong nya.
"Sos gusto mo lang maging prinsipe ko" bulong ko at tumawa.
"You wish!" at inirapan ako.
Kumanta na silang lahat, at tinulungan ko na si Kha-el na bitbitin ang cake namin. May nakalagay itong kandilang 18 at 21.
"Oh sige e-blow nyo na ang candles" sabi ni Tito Carlos.
Nakakatuwa silang tingnan. Pumikit ako at nagwish. "Sana maging masaya kaming lahat, lalo na si Kha-el". Pagdilat ko nakapikit pa rin si Kha-el. Ang hahaba ng pilik-mata nya, ang kapal pa ng mga kilay nya. Dumilat sya at nagkatitigan kami.
"Ano? Let's blow the candles na" sabi nya.
Inihipan na nga namin ang mga kandila.
"Happy Birthday Joy" bumusangot ang mukha ko sa binanggit nyang pangalan. "Nakabusangot na naman yang mukha mo Joy. Let's be happy today. Kaarawan natin, kaya dapat hindi tayo mag-aaway ngayon at dapat masaya lang tayo. Okay?" dagdag pa nya.
Napangiti ako sa sinabi nya. "Happy Birthday Kha-el". Tumawa sya at ginulo ang buhok ko.
"Sige na Rai, bumaba ka na do'n at kumain na ng tanghalian, tyaka maghanda ka na para mamaya sa party nyo. Maghanda ka na rin Hijo." sabi ni Mommy sa amin.
Agad na kaming naghanda lahat. Ipinasok ni Mommy ang mga susuotin ko mamaya. Simple at makintab na heels at kulay maroon na cocktail dress ang inilagay nya sa kama. Favorite color ko. Naligo na ako, at nag-ayos ng sarili ko. Di masyadong dark yung nilagay kong make up sa mukha ko. Kinulot ko rin ang buhok ko.
Eksaktong alas sais na ng gabi ako natapos sa ginagawa ko. Tinawag na ako ni mommy na magready na kasi malapit nang magsimula ang munting tipon-tipon.
Alas sais y medya na nang pababain ako ni Mommy. Inexclusive nila Daddy at Tito Carlos ang bar sa resort na to. Binago nila ang set-up ng bar. Pumasok na ako sa mismong gaganapan. May dalawang malalaking upuan na nasa harap. May nakalagay na El @21 at Rai @18. Nakaupo na ang gwapo kong Kha-el sa harap. Napakagwapo nya sa suot nyang tuxedo. Kulay white ito at kulay maroon yung inner nya. Ang gwapo nya talaga. Sobra!
Kha-el's POV
She entered the bar. I couldn't help but to stare at her. Sobrang ganda nya sa maroon. Mas lalong lumilitaw ang pagkaputi nya sa sinuot nya. Hindi ko mapigilan ang mga paa kong salubongin ang napakagandang babae sa harapan ko. I offer my hand at tinaggap nya naman ito. Pinaupo ko sya.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Novela Juvenil"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...