CHAPTER 42

22 3 0
                                    

Learn to applaud other people in their victories, 'wag kang bitter. You will have yours soon.

Cara's POV

Nasa isang auditorium kami ngayong dito sa Manila. Nagsuot ako ng isang dirty white modern filipiniana top na inituck-in ko sa isang white na palazzo. Nagsuot din ako ng kulay puti na 3 inches high-heeled sandals, at naglagay ng light make-up. Plinantsa ko lang ang buhok ko at naglagay ng isang diamond na flower clip.

"All, please rise." anunsyo no'ng speaker.

Isa-isa nyang ipinakilala ang mga Heads and Chairman ng PICE at VIPs. Nagsimula nang ipatugtog ang Philippine National Anthem. Pagkatapos ay may isang anthem pa na hindi ko kabisado ang ipanatugtog bago kami pinaupo.

"This is the Oath taking ceremony of new Civil Engineers, the 2027 Board passers." panimula no'ng isang head.

Ilang speakers  pa ang nagbigay ng mensahe sa amin.

Nasa harapan kaming apat nina Kha-el, Rogie at Dion nakaupo kaya nga lang nasa kabilang dulo si Kha-el, at magkatabi naman sina Rogie at Dion sa kabilang dulo, ako nasa gitna. Sina Windy at Shaira naman nasa Laguna nag-oath taking kaya sobrang nababagot na ako sa inuupoan ko dahil wala akong makausap.

Pagkatapos naming manumpa. "Congratulations new Civil Engineers and God bless to your next journey." yan lang ang narinig ko bago matapos ang programa. Agad kong iginala ang mga mata ko. Nakita ko sina Mommy, Daddy, Ate Fionna at Kuya sa Cy sa visitors' seats. Nandoon din sina Tito Luisetto, Tito Carlos at Philip.

"Bakit wala si Arha?"

Ang daming nag congratulate sa amin. Panay shake hands at ngitian.

Papalapit na sina Mom sa amin.

"Mom, Dad lisensyado na ako. Engineer na talaga ako." agad kong salubong sa kanila sabay yakap nang makalapit sila sa amin.

"We are very proud of you Rai. You never failed Daddy. You really want what's the best for you. And talaga makukuha mo 'yon dahil 'yon ang sabi mo, at talagang paninindigan mo." sabi ni Dad.

Nakakaiyak naman, pero ayokong masira yung maskara ko.

"You know what Rai we are all happy sa lahat ng achievements mo." dagdag ni Mommy habang hinahawi ang buhok ko.

"And there is someone na alam namin na mas masaya sa lahat ng naachieve mo." kumawala sila sa yakap ko at inginuso ni Mom ang may bandang likod ko.

Alam ko na ang tinutukoy nya. Si Dion.

"Ewan ko sa'yo." at tumawa ako.

Lumingon ako kay Dion na ngayon ay papalapit na sa amin.

Huminto sya sa harapan ko at niyakap ako. "Congratulations babe."

"Congratulations honey." agad kong sabi tyaka yumakap.

"I am really sorry if I became busy last week and we haven't celebrated our 1st monthsary."

Oo sobrang busy nya last week. Once lang sya pumunta ng bahay and the next days wala na syang time kasi may inaasekaso daw sila ng Dad nya.

I understand naman pero namimiss ko lang din sya minsan. Alam nyo na, nasanay ako na nandyan sya palagi.

Sabi nya babawi sya pagkatapos ng inaasekaso nila kaya hindi na ako nag-inarte.

I'm fine with not celebrating monthsaries naman kasi gusto ko talaga years yung binibilang at pinaghahandaan e.

Ayoko ng panandaliang relasyon.

Dion wasn't my rebound. He wasn't even my fall back. He just came in the perfect time.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon