Sometimes fighting someone else's demons may awaken yours. Be careful. It's harder to win the fight against the demons inside you. Okay?Kha-el's POV
Almost a year na akong tumatangap ng new information, nakakaintindi na ako sa mga tao, sobrang dami ko nang bagay na alam, unti-unti na ring nadedevelop ang emotions ko, pero hindi parin bumabalik ang ala-ala ko noon, pero alam kong someday.
Pangatlong araw na namin dito sa Abra. Pupunta raw kami sa Kaparkan Falls ng Caganayan, Tineg.
Pinatulog ko muna si Joy sa balikat ko, para hindi gaanong mapagod sa byahe.
She's so adorable. I never expected na ganito pala ang feeling ng may girlfriend. Ganito rin kaya kami noon no'ng hindi pa ako nagkaamnesia?
Nakarating na kami sa Falls. It was very amazing. Sobrang naiiba ito sa lahat ng Falls na nakita ko sa internet.
"Tara na swimming na." sigaw no'ng Windy na kaibigan ni Joy.
Agad silang nagtampisaw sa Falls. No'ng makapagbihis na si Joy hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
She's so lovely sa suot nyang bikini. Dark blue na off shoulder ang top at high waist na stretchable na panty short sa pang-ibaba.
I must not hurt this young lady.
Nilapitan nya ako, at hinawakan ang kamay ko. "Let's go."
Everytime her skin touches mine, hindi ko mapigilang kiligin kasi alam kong nasa malapit lang ang girlfriend ko.
"You know what langga, paano kaya kung papasok na ako next school year? And I'll tell Dad na sa LPU-Laguna nalang ako mag-aaral. Maybe attending school again will help me to slowly improve and have progress para makarecover na talaga ako, and maalala lahat."
Sumilay agad ang ngiti sa mga labi nya sa sinabi ko at niyakap ako. "I love you."
"What is it again?" ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, parang may kung anong lumilipad sa loob ng tyan ko.
"Langga say it again please, I want to hear it again." pagmamakaawa ko sa kanya.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko "I love you Kha-el, I love you."
Fudge! Ganito pala ang feeling? Nababakla na ata ako.
"I love you too Joy." parang gusto ko nang hindi na matapos ang araw na ito. Ayokong matapos.
"Philip sige na lambingin mo na ako, tignan mo sila Cara at Kha-el, idagdag pa natin sina Ken at Shaira. Ano ba Philip kunting landi naman dyan!" sigaw no'ng Windy na nagbalik sa amin ni Joy sa hwesyo.
Nagtawanan nalang kami.
Kinabukasan tanghali na kami nagising lahat. Habang nasa hapag kami pinag-uusapan namin kung ano ang gagawin namin ngayon. Sabi nila magchecheck out na raw kami since tomorrow na kami babalik sa Laguna.
"Teka saan tayo matutulog?" nagtatakang tanong ko.
"We'll have a camping at Apao Rolling Hills for just one night to see the beautiful sunrise tomorrow." sabi nitong Dion.
"Camping? Magkakasya ba tayo sa iisang tent?" tanong nitong Shaira.
"Gamitin mo yang utak mo, 'wag kang boba! Pwede naman sigurong dalawa or tatlong tent diba? Ano yan pipiliin talaga nating magsiksikan sa iisang tent?" sagot naman nitong si Windy. Inismiran lang sya no'ng Shaira.
Sobrang saya lang na kahit ganito sila ay sobrang close nila sa isa't-isa, at palagi nilang napapasaya ang girlfriend ko.
"Isang tent kami ni Shaira." sabi nitong Ken na agad nagpangisi ng girlfriend nya.
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Ficção Adolescente"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...